Half-day lang sila Nicole ngayon dahil 1st day nga ng school. Hinahantay niya si Marlon na nasa kabilang section. Andun lang siya sa labas ng room ng Bez nya ng dumaan si Benett. Huminto ito ng makita siya at naging dahilan para yung mga classmates niyang girls eh mapahinto din sa harap niya. Bale 3 yung kaklase niyang kasabay ni Benett na sa pagkakarinig niya sa kanina pang pinag-uusapan nila nung palabas na ng classroom si Benett ay kinikilala nila. Tinatanung ng mga bagay tungkol sa kanya.
"Hindi pa ba nauwi si Marlon?" tanung nito sa kanya.
"Hindi pa eh baka maya-mayang konti" sagot ni Nicole.
"Una na tayo" pagyayaya ni Flirt classmate na si Lea kay Benett.
"Una na kayo. Antayin ko na si Marlon at Nicole. Madami pa kaming pagkukwentuhan eh. Bukas na lang ulit." sagot ni Benett dito.
"Okay. " at maasim ang mukhang umalis yung 3 nilang classmate. Nakakatawa kasi sa tropahan ng mga iyon isang flirt girl, isang nerd,at yung isa eh medyo pasaway na laging late sa klase nila since 1st year na naging ka-block ni Nicole ang mga ito.
"Nicole, dito rin ba nag-aaral si Paul? " naitanung ni Benett.
"Baket mo naman naitanung?" nakakunot ang noong tanung ni Nicole kay Benett.
"Eh kasi parang kilalang-kilala siya ng mga classmates natin"
"Oo. Accounting ang major ni Paul".
"Kumusta naman? Nagkita na ba ulit kayo ngayong 1st day?"
"Hindi pa eh. "
Nagkalayo sila ng konti ni Benett ng mahawi sila dahil sa paglabas ng mga kaklase ni Marlon. Sa wakas ay uwian na din ang mga ito. Lumapit naman si Marlon kay Benett dahil hindi niya napansin si Nicole na nakasandal sa may tabi ng classroom dahil si Benett ay nakatayo sa my gitna ng pathway (nagkalayo nga sila ng konti ni Nicole diba kasi naglabasan na ang mga estudyante.).
"Saan si Nicole?" narinig na tanung nito kay Benett habang naglalabasan pa rin ang ibang mga kaklase nito.
"Bez, Bez... ui! Andito ako." Saka lang ito lumingon sa gawi ni Nicole ng marinig ang boses nito.
"Ay! Andyan ka pala?" si Marlon.
"Hindi Sis, wala ako dito." natatawang sagot naman niya.
"Tara na?" tanung ni Marlon.
"Tara! Sama ka ba sa amin Benett?" Si Nicole.
Tumango naman si Benett at nagpauna ng maglakad si Marlon. Hinatak ni Nicole ang kamay niya para pahintuin sa paglakad at sabihing pwede bang dumaan muna sila sa isang fast food para kumain. Sumang-ayon naman si Marlon at sabay silang napatingin sa gawi ni Benett na naglalakad sa kaliwa ni Nicole, habang si Marlon sa kanan, na para bang sinasabi nilang sama ka?
"Sama ako tapos hatid ko na din kayo pauwi." sagot ni Benett.
"Pshh.. 3 kilometers pa ang lugar namin sa lugar mo Benett.." sabi ni Marlon. Sila kasi ni Nicole eh halos magkatabi lang subdivision samantalang si Benett eh medyo malayo pa.
"Ayos lang noh.." si Benett.
Sumakay sila sa kotse ni Benett. Ipinagbukas nito ng pinto si Marlon sa likod at si Nicole sa unahan sa tabi ng driver.. ang driver na siya din naman.
Nicole's POV:
" Salamat." sabi ni ko.
dug..dug...dug..dug..

BINABASA MO ANG
One Hello!
Любовные романыAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...