A/N: Thank you to all my readers! Please vote naman po, effort level talaga paguupdate ko.
__________________________________________________
Chapter 33
Benett's POV:
Naandito na kami sa bahay nila at si Nicole eh mukhang himbing na himbing sa pagtulog. Paghinto ng kotse ko sa tapat ng bahay nila. Bumaba ako at binuksan ko ang gate. Pagkabukas ko ay inilabas ko si Nicole na buhat-buhat ko sa aking mga bisig. Tinapik ko yoong pisngi nya kanina para magising sya na naandito na kami sa kanila pero hindi talaga sya magising.
Pumasok na ako sa loob ng bakuran nila at napansin kong mag-isa na naman sya. Ang katunayan eh walang tao ang bahay nila. Paano ko nalaman? Simple kasi nakasara ang ilaw. Tanging labas lang ng bakuran ang may ilaw.
Hindi ko ito mabubuksan ng ganito kaya wala na akong choice kundi gisingin sya. Hinalikan ko sya sa noo at sinabihang "Babe, gising ka na. Andito na tayo sa inyo."
Pero sobrang pagod ata eh hindi talaga sya magising. Buti na lang at nakita ko ang mahaba-haba nilang garden set at ipinatong ko muna sya doon. Kumilos sya ng konti at nagsalita, "Benett.." yoon lang ang sinabi nya at binaling ang ulo nya sa kabilang panig at natulog pa din.
Bumalik ako sa kotse at kinuha ang bag nya na pangschool. Hinanap ko ang susi nya at luckily, I found it! Bumalik ako sa loob ng bakuran at binalikan ang aking prinsesang natutulog. Nang mapansin kong tulog pa din sya ay kinuha ko ang susi na nakuha ko sa bulsa ko at hinanap na ang tamang susi na syang makakapagpabukas ng pinto.
Luckily, I found it and opened the door, then the lights inside their house.
Nung ibabalik ko na ang susi sa loob ng kanyang bag ay napansin kong umilaw ang cellfone nya. Alam kong masama pero parang naakit akong tingnan ito. Nakita ko .. 1 message received. Out of curiousity ay napagpasyahan kong buksan ito.
**
From: Justine
Nicole, nasa bahay na ba kayo? Matulog ka na ulit pagkabasa mo ito pero huwag mong kalimutang kumain bago matulog.. hehe.. ang gulo ko noh? Anyways, just give me a beep pag may problema ka or kung hindi ka naihatid ng maayos ni Benett. Magpapahatid ako sa driver namin para mapuntahan kita dyan agad.
Give my regards to your family. Love yah..
**
Sht lang eh! Lavyah daw? Anong ibig sabihin noon? Pang magkaibigan pa rin ba yoon? Kanina nung sinundo ko si Nicole kina Justine napansin kong namutla si Justine ng makita akong dumating. Ano kayang ginagawa nya habang natutulog si Nicole?.. Hay Benett! Tigilan mo nga yang pag-iisip ng di maganda. Isa sya sa mga kaibigan ni Nicole ano ka ba? Parang tang@ lang ako eh no? Kinakausap ang sarili.
Nabalik ako sa tamang sarili ng magring ang fone ni Nicole at Papa ang nakaregister.
"Hello?"
<"Oh, Benett baket ikaw ang sumagot? Papa ito ni Nicole.">
"Ah kasi po Tito nakatulog po si Nicole. Hinatid ko po sya dito sa inyo. Sinundo ko po sya kina Justine at mukha pong pagod na pagod."
<"Naku! Ganoon ba? Kawawa naman ang anak ko. Kung baket naman kasi kailangan pa nyang pagurin ang sarili nya kay Justine eh ayos na naman yoong tao. Ang balita ko eh nagpaparaktis na lang sya maglakad ng independently.">
"Alam nyo naman po itong anak nyo Tito, mabait sa lahat". Sa bagay na iyan ako talaga nainlove sa kanya kasi mabait na sya, maganda pa.
<"Oh sya, sya, pagkahatid mo kay Nicole eh umuwi ka na. Paki sabi na lang na di kami makakauwi ng 2 days nasa business trip kami ng Mom nya">

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomantikAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...