A/N:
Please vote and leave a comment.. Another one sneaky update J
__________________________________________________
FLASHBACK:
Kinabukasan sa School nila Nicole:
Hindi na naman pumasok si Benett sa umagang mga subjects nya. Parang nawawalan na sya ng gana na mag-aral. Ang hindi nya lang makalimutan at ang nagiging outlet na rin para mailabas nya ang stress nya ay ang swimming.
Hapon na ng lumabas sya ng bahay. Hindi sya pumasok pero aattend sya ng praktis. Kahit na puyat sya dahil sa kakaisip ng paraan kung paano hihingi ng oras para makapagpaliwanag kay Nicole, eh nagpraktis pa rin sya ng sport na paborito nya.
Nabadtrip lang sya ng maka-4 na laps sya ng paglangoy ng makita nya ang mukha ng babaeng sumira ng lahat. Ang classmate nilang flirt na dahilan ng lahat ng gulo! Umahon sya at gusto nya itong palayasin.
Akmang hahawakan nya ito sa braso para itaboy pero natigilan sya sa salubong nito sa kanyang balita.
“Hi! Pumasok si Nicole kanina ah.. Amoy alak pa nga ang singaw ng katawan nya sabi ng mga kaklase nating katabi nya sa upuan..” saad nito na nakatitig pa sa mga mata nya at napansin nyang nagsasabi ito ng totoo.
Amoy alak pa nga ang singaw ng katawan nya sabi ng mga kaklase nating katabi nya sa upuan..
Amoy alak pa nga ang singaw ng katawan nya sabi ng mga kaklase nating katabi nya sa upuan..
Ah! Ano bang nagawa ko sa babeng pinakamamahal ko? Napakasama ko talaga, hindi ko man sinasadya pero nasaktan ko sya! …. Bulong nya sa sarili nya.
Imbes na bigyan nya pa ng pansin si Lea eh napaupo na lang sya sa bench sa side ng pool at inihilamos ang mga kamay nya sa mukha sa inis dahil hindi nya na malaman ang gagawin nya kung paano nya maaayos ang gusot na ito. Obviously, parehas silang apektado sa away na ito.
Ano? Ano ba ang dapat nyang gawin?
Nawalan na sya ng gana at nagbihis na sa locker room at iniwan doon si Lea. Direderetso sya sa parking lot at pumunta sa school nila para makausap si Nicole. Kailangan nya na talagang kausapin ang minamahal para hindi na humaba pa ang mga problemang ito.
End of Fashback**
Hindi na sya maka-function ng ayos dahil sa problemang ito and obviously, ganoon din si Nicole. Bakit ba nagawa nyang mag-inom? Sino kayang mga kasama nya? Baka may nakilala sya doong mga lalaki ah? Sa isipin nyang yoon ay parang puputok na ang utak nya sa kakaisip.
Halos 3 oras na syang naka-abang doon pero hindi sya naiinip alang-alang sa mahal nya. Para lang makita nya si Nicole palabas na ng school kasama si Marlon. Ipinark nya kanina ang kotse nya sa ika-4 na establishment ang layo sa tapat ng school nila para hindi makita ni Nicole na andoon sya. Waiting patiently! Dahil may kutob sya na iniiwasan sya nito lalo na makita pa lang ang sasakyan nya nag-iiba na sya ng landas.
Nagtago sya sa waiting shed sa tapat ng school nila at ng makita nyang tumawid na ang mga ito. Dahan-dahan nyang nilapitan ito sa karamihan ng tao na nagaabang ng sasakyan. Buti na lamang at wala itong motor na dala. Tamang-tama para makausap nya ito.
Nakatingin ang dalawa sa kaliwa at nag-aantay ng padating na jeep ng hinawakan nya ito sa siko. Gulat na gulat na nanglalaki ang mata nito ng makalapit sya.
“Nicole, we have to talk.. Please?” sabi nya na nakahawak pa din sa kamay nito at nagsusumamo ang kanyang mga matang nakikiusap.
Iwinaksi ni Nicole ang kamay nya at natanggal ito sa pagkakakapit at sabay sabing, “let’s talk some other time. I’m still not ready for this Benett... I’m sorry” sagot nito na napayuko pa.
Natulala sya sa sinabi nito hindi sya makapag-salita. Kitang-kita nya na tulad nya ay bakas sa mukha nito ang hapis ng kalungkutan. Nangingitim na rin ang mata nito siguro sa kapoproblema sa kanya.
Ginagap nya ang kamay ni Nicole at nakiusap, “Nicole, I’m begging you.. Listen to me first.. Please?”
Bakla na kung bakla pero hindi na nya mapigilan ang pagtutubig ng mata nya. Parang any moment ay maiiyak na sya. Hinawakan naman ni Nicole ang magkabilang pisngi nya sabay sabing, “Not now please. This is also hard for me but please give me some time and space?”
Sobrang sakit ng nararamdaman ni Benett.
Parang hinihiwa ang puso nya.
Para syang may sugat na inilublob pa lalo sa Calamansi Juice.
Parang gusto nyang humagulgol na ng iyak.
“I think we better go.. Let’s go Marlon.. Bye Benett... Take care..” sabi nito sa kanya.
“Ingat P’re.. sakay na kami saka pinagtitinginan na kyo ng iba.” Si Marlon.
“Bye Nicole.. Don’t forget that I Love You!” sabi nya kay Nicole sabay halik sa may gilid ng buhok nya. Tumulo ang una nyang luha na kanina pa nya pinipigilan subalit wala syang magawa kailangan nyang bigyan ng space si Nicole.
.. Don’t forget that I Love You!
.. Don’t forget that I Love You!
.. Don’t forget that I Love You!
Iyan ang paulit-ulit na umeecho sa utak ni Nicole. Mahal nya si Benett parang konting pilit na lang nito sa kanya eh bibigay na sya. Gustong-gusto na nya itong yakapin kanina at halikan. Hindi na nga nya napigilan ng hinawakan nya ang magkabilang cheeks nito.
Mahal nya talaga si Benett....
Pero sana mahanap nya sa parte ng puso nya na mapatawad ito.
Umiyak na rin ng simple si Nicole dahil nahihiya sya sa mga katabi sa jeep at si Marlon ay kinomfort na lang sya.
_________________________________
A/N:
Whew! Naalala ko ang madramang tagpong ito.. :(
Please vote and leave a comment.

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomantikAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...