A/N:
Bad trip nakatulugan ko pag-uupdate kagabi, now all my works are gone.. :(
Sipag ko pa naman magupdate kahit na walang nagbabasa... huhuhu!
_______________________________________________
Nicole's POV:
Alas tres na ng madaling araw ng maihatid ako ni Justine sa bahay. Inabot kami ng alas tres kasi nagsipagdaanan pa kaming lahat kanina sa coffee shop dahil para daw mawala antok ni Just, at Reggie kasi sila ang magsisipaghatid samin. Siya ang naghatid sa akin dahil sina Marlon ay inihatid naman nina Reggie.
Masaya naman ang magdamag dahil nagkabondingan ulit kami ni Justine. Makulit na kasama si Justine, makulit in the sense na nakakatawa. Pero minsan parang napapansin ko lang na nagpapatalbugan sila ni Reggie sa mga kinukwento nila.
If I know, type kasi nila ako parehas! hahaha! I know right! Mahaba talaga hair ko. Ganun naman talaga tayong mga babae, ramdam naman natin pag my pagtingin or nagpapacute sa atin ang guy. Ako naman bago ko naman maisip yoon eh pagtipong sobrang obvious na... hahaha! ^__^ V.
Si Mama ang nagbukas ng gate sa amin at pinakilala ko si Justine. Magalang niya namang binati si Mama. Tumango-tango naman si Mama sabay sabing, "Oi Nicole, pauwiin mo na iyang si Justine madaling araw na baka hinahanap na yan." Si Mother talaga masyadong nangunguna. Syempre naman pauuwiin ko itong taong ito, alangan namang ilagay ko itong dekorasyon sa kuwarto?
"Sige Nicole pasok ka na uuwi nako" sabi ni Justine.
"Oo nga Justine kasi malayo pa inyo dito sa amin kaya uwi ka na" ako.
"Bye Nicole. It was really nice to see you again!" namumulang sabi ni Justine. Natatawa ako, ano ito kamatis lang ang peg?
Dahan-dahan siyang lumapit. Oh my gulay! Kinakabahan ako. Nang 5 inches na lang halos ang ditansya naming dalawa, sobra na kabog ng dibdib ko. Sabay liko nya at kiss sa cheeks ko! Yess! Sa cheeks lang pala.. Tapos alam kong pulang-pula ako dahil sa ginawa niya.
" Text, text huh?" siya.
"Ok. Happy Birthday ulit!" ako.
"Pasok ka na muna bago ako umalis" siya.
So pumasok nako sa gate at ng maramdaman kong paalis na siya sumigaw ako ng "thank you ulit at ingat ka!".
Pumasok nako ng bahay diretso sa kuwarto ko nung nakaalis na si Just. Why o why? Baket feeling ko kinikilig ako. Nagpagulong-gulong ako sa kama habang yakap-yakap ang unan ko. In love na ata ako kay Justine na kinaiinisan ni Benett.....
Ooppss! Did I just think about Benett? Kumusta na kaya ang lokong yoon?
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko siya.
Si Benett... ang lalaking nagbigay sa akin ng dugo para mabuhay....
ang lalaking binigyan ko ng tiwala s V-Card ko.
Asan ka na Benett?
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...