Chapter 32

2.4K 36 4
                                    

A/N:

Hirap ako mag-update sana po pagpasensyahan ninyo.. Sira na naman po kasi netbook ko, ang hirap naman manghiram dito sa Father ko :(

________________________________________________

AFTER 2 MOS.:

Dalawang buwan na ang nakakaraan.. Si Nicole ay busy sa pag-dalaw kay Justine after school. Nakakasama nya lang si Benett pagkaweekend. Magkaganoon man, wala naman siyang naririnig na reklamo mula sa boyfriend nya. Napakaswerte nya talaga sa pagiging mabait ni Benett sa kanya.

Yoong semento sa paa ni Justine ay tatanggalin na ngayon. Sabi ng doctor sa unang 2 linggo ay kailangan ni Justine na magtungkod muna habang naglalakad at pagkaya na nya ay pwede ng tanggalin ito. Si Nicole ang kasama nya sa pagpapa-rehabilitate para back to normal function na ang lahat. Noong nakaraang linggo ay tinanggal na ang benda nito sa ulo. Magaling na ang mukha ni Justine maliban sa isang malalim na peklat sa may kaliwang pisngi. Siguro ay napalaki ang tama ng nabasag na bubog ng kotse sa mukha nito.

Kasalukuyang nasa Asian Hospital silang dalawa at magpapa-Physical Therapy si Justine. Sinamahan ito ni Nicole dahil sabado pa lang naman at nasa praktis ng swimming si Benett. Varsitarian kasi ang boyfriend nya ng swimming.

SA POOL:

Nagpapraktis si Benett ng paglalangoy kasama ang teammates nya. Hindi naman sa pagyayabang nya pero magaling talaga sya sa larong ito. Ang iba nilang schoolmate na girls ay napunta pa doon para lang manuod ng praktis kahit na walang pasok ang mga ito.

Benett's POV:

Nagpapraktis lang kami ng teammates ko pero halos puno ang poolside! Sa gaganda ba naman ng aming mga katawan eh halos kiligin ang mga chicks.. Hahaha.. Oo ako na.. ako na ang mayabang.. ^__^

Pero kahit anong papansin sa akin ng mga chicks dito, isa lang ang nakakakuha ng attensyon ko, yun ay ang aking nobyang si Nicole. Kahit na medyo hati ang attensyon nya samin ni Justine eh ayos lang sakin. Ganoon ko sya kamahal kaya malaki tiwala ko sa kanya.

30 mins. break daw muna kami sabi ni coach. Pag-ahon namin, aminin ko sa sarili ko na medyo naiinggit ako sa mga teammates ko kasi may mga gf silang nagaabot ng tuwalya sa kanila. Sabagay, sanay na naman ako. Alam ko na busy lang ang gf ko, pero kung may oras naman sya andito sya na taga asikaso ultimo ng damit na pamalit ko.

Nagulat na lang ako ng pag-ahon ko ay ang nakangiting si Lea ang nagaabot sa akin ng towel. Sya yung flirt classmate namin na naginterview sa akin noon nung bago pa lang ako sa school nina Nicole.

Lumipat ako noon ng school kasi lumipat din kami ng bahay, nalipat ng assignment si Dad. Mahirap namang magluluwas at ng marinig kong sa Laguna kami lilipat eh nagka-idea ako na baka sakaling magkita kami ni Nicole dito.

Luckily, nagtagpo nga ulit ang aming mga landas.. Siguro talagang kami ay para sa isa't-isa.

So, inabot nga sakin ni Lea yoong tuwalya ko pero hindi ko pinansin. Deadma lang. Hinablot ko sa kamay nya pero hindi nagpasalamat.

"Hindi ka ba mag-tethank you man lang?" si Lea na napuna kong tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, kaya tinakip ko yoong tuwalya sa bewang ko kasi naka trunks lang ako.

"Sinabi ko bang iaabot mo sa akin ito?" ako.

"Alam mo, you're so rude! Hindi ka na nga binibigyan ng pansin ng gf mo dahil pinagpalit ka nya sa ibng lalaki tapos ako na nagaasikaso sayo, ganyan ang gagawin mo?"

"Alam mo wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang gf ko kung ayaw mong ipakita ko talaga sayo kung gaano ako ka-rude tulad ng sabi mo!" inis na sabi ko.

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon