Chapter 41

2.3K 36 6
                                    

A/N:

Gift ko for hearts day...

Please vote and leave a comment. 

_______________________________________

Nagmaneho na sya papunta kina Nicole..'tama ba talaga ang desisyon kong ito? Pero ito talaga gusto ng puso ko..' ang bulong ng utak nya.

Nasa tapat na bahay na sya nina Nicole at doon pumarada sya habang sarado ang mga bintana at ngpapatugtog sya ng love song..

Alam nyang andyan na si Nicole kasi tanaw nya naman sa labas ang nagniningas na ilaw mula sa kwarto nito.

Gustong-gusto na nyang kumatok sa gate pero parang kinukulang sya ng lakas ng loob para gawin yoon.

BENETT'S POV:

'Lord, bigyan po ninyo ako ng sign, paglumabas si Nicole sa bahay nila, kakausapin ko na talaga sya'

20 mins. na ang nakakaraan, pero wala pa ring senyales ng paglabas nya.

35 mins. wala pa rin sya.

An hour na, wala pa rin.. So, I guess, dapat na akong umalis..

Inistart ko na ang engine, 'one last look' sabi ko sa sarili ko..

Then when I was about to drive forward..

Shoot!

Lumabas si Nicole na may dalang basura..

'Yess!! Ito na siguro ang hudyat!'

Lumabas agad si Benett ng kotse nya. Tumawid papunta kay Nicole. Papasok na sana ulit si Nicole buti na lang nahawakan pa nya ang siko.

Pagpihit ni Nicole eh gulat na gulat sya ng makita ako.

"Nicole, please I'm begging you.. Talk to me. Let me explain.." sabi nya kay Nicole habang hawak ang isang palad nito.

"Benett, medyo gabi na, bukas na tayo magusap.. Please?" sagot ni Nicole sabay bawi ng kamay nya sa akin.

"Pero Nicole.. Pakinggan mo naman ako.." pakiusap ko habang papalapit ako kay Nicole. Bawat hakbang ko palapit ay syang pagaatras nya.

"Bukas na ok?" sagot niya.

" Bakit ba napaka-unfair mo?" tanong ko.

"Ah unfair pala huh!!" pumasok na sya sa loob sabay balibag ng gate.

Nanghihinang napaupo na ako sa semento at di ko na napigilang umiyak.

'Bakit ba ayaw mo akong pagpaliwanagin?'

Sumigaw na ko habang nakatok sa gate

"HINDI AKO AALIS DITO NICOLE HANGGAT DI MO KO KINAKAUSAP!" sabi ko. Wala na akong pakialam kahit marinig pa ako ng mga kapitbahay nila.

"NICOLE...

NICOLE..

NICOLE PLEASE TALK TO ME!!!"

Sabi ko habang kinakalampag ang gate nila. Naiyak nako! Nagulat ako ng biglang dumilim pinatay nya ang ilaw sa loob at labas ng bahay.

'Nicole, hindi mo na ba ako mahal?' bulong ko sa hangin.

NICOLE'S POV:

Madaming hindi sasangayon sakin pero wala akong magagawa hindi ko na kayang magtiwala sa kanya.

Takot ako! Takot na akong maloko! Takot na akong mapagdaanan ko muli ang napagdaanan ko noon dahil sa sobrang pagtitiwala ko at pagmamahal kay Paul. Hindi ako takot kay Benett, takot ako sa sarili ko na muli na naman akong mahulog ng tuluyan sa kamay ng lalaki hindi ko na kakayaning masaktan pa ulit. Baka magpakamatay nako this time.

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon