A/N: Fast forward tayo....
_______________________________________________
A week before the opening of classes (Graduating na sina Nicole):
Nagkayayaan sina Nicole, Marlon at Loyd na magbar. Malapit na silang magpasukan kaya gabi-gabi na gimik nilang mgkakaibigan.
Napaka-ganda ni Nicole sa suot niyang yellow na halter at ang buhok niyang basta na lang niya itinaas.
Nasa bar sila sa may Makati nagiinuman, nagbibiruan, at nagmamasid sa mga posibleng guys sa loob ng bar na pwedeng kaibiganin ng dalawang becky na kasama niya.
Nang biglang lumapit ang waiter sa kanila. "Ma'am, pinahihingi po ni Sir na naka blue polo shirt yoong number nyo" sabi ng waiter sa kanya.
Siyanga pala, nakabili na ng bagong iphone si Nicole pero hindi nga lang niya narecover yoong ibang laman ng fonebook niya.
Dahil ang plan naman talaga ay makahanap ng boys ang dalawang becky, number ni Marlon ang binigay niya " ah eh, 0929548477*" sagot niya sa waiter.
Dali-dali namang sinabi ng waiter ang pinasabi niyang number sa kabilang mesa ng mga masasabi din niyang pogi.
"Sis, hindi mo ba sila type? ang gugwapo ah? baket number ko binigay mo? Pilya ka talaga!" sabi ni Marlon.
"Oo nga naman Nicole, baket number ni Marlon binigay mo? Sana sakin na lang..." sabi ni Loyd sabay ganitong mukha ^__^//..
"Bayaan mo na Loyd, wala kasi ako sa mood, gusto ko lang magenjoy sa paginom at pakikinig sa music" sagot niya.
Hindi na siya kinulit pa ng 2 kasama nya. Sanay naman silang may pagkasuplada talaga itong si Nicole.
Kinalabit siya ni Marlon ng mag-beep ang cp nito.. Excited naman silang 3 na basahin kung kanino galing ito.
***
From: Unknown Number
To: Marlon
Hi! You're so pretty in your yellow halter. Mind if we join you there.
***
So, yoong nasa kabilang table pala ang nagtext kay Marlon. Kilig na kilig ito kaso sabi nga ni Loyd, "Panu yan Lon ang alam ng mga yan si Nicole ang katext nila?".
"Hala! Anu nga bang isasagot ko dito Sis? Bat ba kasi ayaw mo eh napaka gwapo naman ah?" si Lon.
Kinuha ni Nicole ang cellfone at nagtype:
***
To: Unknown Number
Join na lang kayo dito para makilala kayo ng mga kaibigan ko.
***
send
***
Maya-maya ay nagingiting lumapit sa kanila ang mga bugok at nagpakilala sa kanila ng mga kaibigan niya. Hindi naman yoon iniintindi ni Nicole kasi hindi sya interesado. Tanging itong katabi niyang si Reggie ang natandaan niya. Pinalipat niya lang itong mga poging ito para maging masaya itong mga kasama niya.
"Sorry huh, actually naiwan ko kasi yung fone ko kaya number muna ni Marlon binigay ko. Sorry huh!" pagsisinungaling niya.
"At least nakilala pa rin namin kayo." titig na titig na sagot ni Reggie sa kanya.
Nakipagkwentuhan ito sa kanila at nalaman nilang mga taga Cavite pala sila.
Mabait naman ang mga ito at mukhang magagalang na lalaki. Nagpunta daw ang mga ito dito sa bar na ito para i-celebrate ang birthday noong kaibigan nilang broken hearted na hindi nila malaman kung sisiputin sila. Ayon dito eh kanina pa siya on the way daw.
Naka dalawang bucket na sila ng may tumapik sa balikat ni Reggie.
"Oh kala namin di ka na dadadating" sabi ni Reggie pagkalingon.
"Tinatamad nga sana ako kaso nahihiya ako sa inyo Pre" sagot nito sabay kamay sa dalawa pang kaibigan.
Ang boses nito parang familiar kay Nicole pero di na lang niya pinansin at patuloy na nakinig sa nakanta na banda.
"Marlon?? Ikaw ba yan? Si Nicole?" tanung nung bagong dating.
Napalingon si Nicole sabay sabing "Justine? Kumusta?"
Humila ng upuan si Justine sa kabilang mesang walang laman at idinikit sa kabila ni Nicole.
"Wow! Nagkita tayo ulit. Di ko akalain na magkikita pa tayo. Baket hindi ka man lang nagtetext?" sabi ni Justine.
"P're siya ba? Siya ba yoong sinasabi mong Nicole?" tanung ni Reggie.
"Baket Reggie anu daw ako?" tanung naman ni Nicole.
Binatukan ni Justine si Reggie sabay sabing "Wala. Sabi ko lang may nakilala ako sa Galera. Kumusta nga pala ulo mo?" tanung ni Justine.
"Ok na yan Justine, bawas pa rin ng isang tornilyo... hahaha!" sagot ni Loyd.
" Hindi ko maget, may sayad ka Nicole?" tanung ni Reggie.
Nagtawanan silang lahat bilang sagot sa nakakunot noong tanung ni Reggie.
"Buti na lang nakita kita ulit. Baket di ka na nagtext?" si Justine.
"Naihulog ko sa laot yoong fone ko pagbaba namin ng roro kaya nawala ko number mo." si Nicole.
"Eh anu bago mong number?" tanung ni Justine.
"Akin na fone mo isasave ko number ko." si Nicole.
"Whew ang daya kay Justine ibinigay number nya samantalang satin P're number ni Marlon binigay." naghihimutok na sabi ni Reggie kaya nagtawanan silang lahat.
"Hingin nyo na lang kay Justine ha?" si Nicole.
"Kung ibibigay niyan. I doubt it, ngayon lang yan sumaya ulit, buti nagkita kayo ulit." friend ni Reggie 1.
"Baket naman nasabi mo yun?" si Nicole.
"Kasi naging malungkutin yan ilang araw paguwi ng Puerto. Nainlove daw sayo! Hahaha!" friend ni Reggie 2.
"Ha? Totoo ba yoon Justine?" nangingiting tanung ni Nicole kasi namumula na sa hiya si Justine.
"Huwag kang maniwala sa mga yaan. Kumusta na nga pala yoong lakas toyo mong boyfriend si Benett?" si Justine.
" Hindi ko boyfriend yoon." si Nicole.
"Nakilalala lang namin yoon sa Galera." si Marlon.
"Talaga? Akala ko boyfriend mo yun kasi grabe magbantay sayo. Saka nung naconfine ka at kinailangan mong masalinan ng dugo eh agad, agad ka niyang binigyan ng dugo niya." sabi ni Justine.
agad-agad ka niyang binigyan ng dugo niya...
agad-agad ka niyang binigyan ng dugo niya..
agad-agad ka niyang binigyan ng dugo niya....
Parang echo na pabalik-balik sa utak ni Nicole. Asaan na nga ba si Benett? Kumusta na kaya siya?
Nagbalik lang ang utak nya sa ginagawa nila ng kantahan na ng mga kasama nya c Justine. Happy bithday si Justine! Bati pa nila kay Justine sabay kiss niya sa pisngi nito. Pagkatapos niyang i-beso siya ay kitang-kitang namumula si Justine.
Pero kahit siya ay parang kinilig ng halikan niya ito sa pisngi.
_________________________________________
Nasa external link po ung casts---->>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
One Hello!
Любовные романыAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...