Benett's POV:
Naisipan naming bumili ng fruit shake dahil sa uhaw kalilibot ng Puerto..
Neil: "Pre, bakit ang tagal mo kanina huh?"
Benett: "Matagal na ba agad un? Nagmamadali nga ako kaso may nabangga akong girl.."
Jeff: "Ui, babae? anung itsura?"
Benett: "lalaki, lalaki, anu ba yan kasasabi ko lang babae eh.. kulit!"
Kim: "e anu nga itsura? "
Benett: "ok lang naman.."
Marc: "ok lang? anung sagot un? maganda ba P're o panget?"
Benett: "maka-panget naman ito wagas! ok lang.. my itsura.. maganda ngumiti pero maliit siya.."
Marc: "tara bili tayong shake... kanina pa tayo sa harap ng store na ito di pa tayo naorder.."
Umorder na kami ng fresh fruit shake.. Ang sarap! refreshing!
Pagkainom namin eh tumayo na kami sa lamesa at lumakad na ulit para maglibot.. nakaka-10 hakbang palang kami naalala ko na naman yung wallet ko.. kaya bumalik ako agad kasi madaming tao dito sa Galera mahirap na baka may makakuha..
Nung halos 2 hakbang nalang eh sumabit ung sinelas kong havaianas sa isang nakausling bato na naging dahilan para mapatid ako.. sa tangkad kong 6'2 napaupo yung babaeng nakabangga ko..
Agad akong tumayo at inoffer ko yung kamay ko para makatayo yung babae..
Girl: "ouch.. ang sakit!"
Benett: "Miss, sorry hah.."
Pagtingin ko sa mukha ng babae di ako pedeng magkamali siya na naman ito.. yung babae sa lobby...
G: "ang laki mo namang tao.. ang sakit huh.. di ata ako makatayo.."
B: "gusto mo miss buhatin kita nakakahiya naman sayo..."
G: "Sige na nga.. paki hatid mo naman ako sa room namin di ko talaga kaya maglakad sakit ng balakang ko.."
At dahil sa hiya ko sa babae eh binuhat ko. nang makita naman ako ng tropa na may buhat akong babae eh nagkindatan pa sa akin..
Nalaman ko na sa 3rd floor lang pala ng hotel na tinutuluyan namin ang room nila. 3rd floor sila at 4th floor kami.. pagdating namin sa pinto eh nagpababa na siya at sabi niya kaya na daw niya.. siya na lang daw ang papasok sa loob...
Ewan ko pero nung pagkahatid ko sa kanya eh tinamad nako bumalik sa seashore at naisipan ko na lang na umakyat na sa flat na ino-occupy namin sa building din na ito..
Pagpasok ko sa loob, dun ko naalala n nakalimutan ko palang itanung ang pangalan ng girl na yun.. sayang may itsura pa naman at ang bango! hahaha! hindi ako perv. no!
Pero nung buhat ko siya kanina at naka tingin samin ung mga tao sa lobby , proud na proud ako na ako ang may buhat sa kanya..
Sino kaya ang babaeng yun.. di bale bukas dadalawin ko siya para matanung ko kung kamusta na siya at kung anung name niya...
Opps! di pa pala ako nagpapakilala sa inyo...
Ako si Benett del Fierro. 19 years old, 6'2 ang height ko at sabi nila pogi daw ako.. Well, siguro nga kasi madami na rin akong nging fling pro serious gf, wala pa! Management student ng UST. Medyo may kaya ang pamilya namin bilang nag-iisang anak akong lalaki eh sunod lahat ng layaw ko..
Pero nitong nakaraan nag-rebelde ako sa parents ko kasi malilipat ng destino si Daddy kasi my bubuksan silang bagong negosyo ng uncle ko kaya that means lilipat muna kami ng bahay sa parteng Laguna daw eh..
Kaya ng magyaya ang tropa ko dito sa Galera eh sumama ako. Di ako nagpaalam sa Daddy ko pero sa Mommy ko nagpaalam ako..
Natulog na muna ako kasi inantok ako habang nagmumuni-muni ako tungkol sa girl na nabangga ko ng 2x, at ngayon tinulungan ko pang makauwi.. Anyway, kasalanan ko naman kasi ang laki kong tao at binangga ko ang pagkaliit na babae..
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...