Chapter 40

2.3K 36 2
                                    

A/N:

Happy hearts day everyone! Love love love! Hahaha!  

Please vote and leave a message!

______________________________

Iniwasan ni Benett na mapatingin kina Nicole ng mga oras na yun. Pilit nilang pinagkukwentuhan ni Jeff at Marc ang tungkol sa nalalapit nyang competiton ng swimming.

Pilit kasi alam na alam din ni Jeff na ayaw nyang ipaalam pa kay Marc na andun sa likod nito sina Nicole. Hindi napansin ng huli dahil ito ay busy sa pagtetext ng papasok sila ng coffee shop na yun.

Tuloy lang sa pagkukwento si Marc tungkol sa nililigawan nitong bago habang si Jeff naman ay lihim na napapasulyap kay Benett dahil alam nyang kanina pa ito nagpipigil na tumingin sa mesa nina Nicole.

Nababadtrip si Benett dahil nagseselos sya sa nakikitang closeness ni Nicole sa lalaking katabi nito na hindi nya kilala.

'Sht! Sya yoong sumundo kay Nicole nung isang araw sa school ah?' ang inis na inis na realization ni Benett.

'Kaanu-ano kaya sya ni Nicole? At bakit parang ok lang kay Justine na naghahagikhikan ang dalawa?'

Kahit andito sya sa mesa nila eh nasa mesa naman nila Nicole ang attensyon nya.

Pinapakinggan nya ang usapan sa kabilang mesa. Naririnig pa nya ang korning pick-up lines nung isang kasama nila.

Nag-excuse lang sya na magpupunta sa CR ng marinig nyang pupunta si Red porshe (yoong isang guy sa mesa nila Justine at Nicole), para masundan ito.

Hinintay nya lang yung guy sa labas ng male's CR.

At nung palabas na, habang nakatungo si Unknown Guy, nakahanap sya ng chance na bungguin ang balikat nya

"Opps!" sabi ni Unknown guy na medyo dumilim ata ang aura.

'It's game time' bulong ng utak ni Benett. "Ow! Sorry P're!" sabi nya wearing his most pagpapanggap look.

"Ok lang Pre! Ingat na lang next time" saad ng lalaki.

"Ah ikaw yung kasama nina Justine sa mesa ah?" sabi ni Benett.

Tumango naman ang lalaki at poker faced pa din.

Iniabot ni Benett ang kamay nya sabay sabing , "I'm Benett, kaibigan ko si Justine" may kasama pang tipid na ngiti.

"Reggie is the name. Tara sama ka sa mesa namin, matutuwa yun.." malamig na ulo ni Reggie.

Tumango naman sya bilang pag-sangayon at sumunod sya sa mesa ng mga ito.

Pagdaan nya sa harap nina Jeff at Mark, at napansin na lampas sya ng mesa ay napatayo ang mga ito. Napaupo lang sila ulit ng magsenyas sya sa kanila umupo na sila at wag magalala.

Pagdating naman nya sa mesa nina Reggie ay nagsalita agad ito, "Justine, andito pala si ...."

Hindi na natapos ni Reggie ang sasabihin dahil ng makalapit na rin si Benett sa mesa nila ay napatingin silang dalawa ni Nicole sa gawi nya.

Napatayo naman sa upuan si Justine sabay sabing, "Benett, kumusta?" ang mapagpanggap nitong sabi na feeling close sa kanya.

Actually, nagagalak talaga si Justine na makita sya dahil tanggap na nito na mahal sya ni Nicole. Pero ang makitang nakaka-abante na ata si Reggie sa pangliligaw, yoon ang bagay na di katanggap-tanggap sa kanya!

Para sa kanya, di bale ng ibang tao ang makalaban nya kay Nicole wag lang barkada nya pa!

Hinila naman ni Benett ang upuan sa gitna ni Nicole at Reggie. Doon sya pumwesto kasi kanina pa sya naiirita sa closeness ng dalawa sabay sabing,"ayos lang. Ikaw kumusta?" tanong nya kay Justine habang naka- poker faced sya.

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon