Chapter 35

2.4K 34 6
                                    

A/N:

PAVOTE NAMAN PO…………..

PLEASE?

^__^

______________________________________________-

A week after:

One week na ang nakakaraan, hindi pumapasok si Nicole. Kahit tawagan sya or itext ni Marlon or kahit ni Benett or kahit sino pa, hindi nya sinasagot.

Sa bahay naman nila ay nalabas lang sya para kumain pero pagkatapos noon ay nagkukulong lang sya sa kwarto nya. 

One week na ang nakakaraan pero naiyak pa din sya paminsan-minsan pagnaaalala nya ang nakita nya. Ito ang kinakatakot nya pag nainlove sya  eh, naibubuhos nya lahat ng pagmamahal nya. Ang sabi ng iba dapat daw ay nagtitira ka ng 10% para sa sarili mo, pero kay Nicole, wala.

Nag-aalala na nga ang parents nya sa nangyayari, pero hindi naman nila sya tinatanong. Ginagalang nila ang privacy ni Nicole. Ang pinag-aalala lang nila ay ang kalusugan nito at ang hindi nito pagpasok, kahit paglabas ng kwarto.

Napansin lang nilang parang si Benett ang problema nito kasi hindi nito nilalabas kahit si Benett  ang napunta sa bahay nila. Sabagay, wala naming pinagkaiba dahil kahit pag sina Justine, at kahit si Marlon na bestfriend na nga nya ay hindi pa rin nya nilalabas.

After 2 weeks:

Monday na at pumasok na si Nicole. Tapos na kasi ang one week na dahilan nyang nagkasakit sya, kahit matalino sya, mahirap ng madami syang ma-miss na quizzes kasi baka mawala sya sa dean’s list.

Pagpasok nya ay napag-alaman din nya kay Marlon na hindi rin pala napasok si Benett. Pumasok lang ito three days after that incident, pero ng mapansin nitong hindi sya pumapasok ay hindi na rin ito napasok. Si Lea ang sumalubong sa kanya kanina. Palapit sana ito sa kinauupuan nya ng bigla syang tumayo at lumabas ng room at pumunta sa Canteen. Bumalik lang sya sa loob ng room ng marinig nyang nagbell na sa labas.

Kahit pumasok na sya at nagsusulat, kumokopya ng mga notes sa board, ay lumilipad naman ang isip nya. Para syang robot na ‘de susi’ na sumusunod lang sa agos dahil kailangan, pero hindi naman bukal sa kalooban nya.

Lunch Break:

Lunch break nila at napagpasyahan nyang sa may pinakasulok ng Canteen kumain. Nakita naman nyang papasok ng kainang yoon si Marlon at papunta ngayon palapit sa kanya. Hindi na sya umiwas kay Marlon at paglapit nito ay niyakap sya at napaiyak na naman tuloy sya. Impit ang kanyang pagkakaiyak para hindi makakuha ng attensyon.

“Sis, baket hindi mo kausapin si Benett para malaman natin kung anung explanation nya sa pangyayari..” si Marlon.

Hindi na kailangan Sis! Tiyak namang kasinungalingan na naman lang ang sasabihin noon” sya.

“Sige kung yaan ang gusto mo..”

“Mas mabuti pang kalimutan ko na sya..”

“Kaya mo ba Sis?”

“Kakayanin ko..”

“Ang mabuti pa Sis, sumama ka mya sa akin, magbabar kami ni Don-don kasi may ipapakilala daw sya sa akin”.

“Ayoko Sis.. Bakla na naman ang imimeet nyo.”

“Sus! Sumama ka na, para naman malibang ka.”

At sa huli, kakakumbinsi ni Marlon sa kanya ay napapayag din sya nito. Hinatid na sya ni Marlon pagkatapos nilang kumain pabalik sa room nya.

Pagpasok nya ay nakita nya si Benett na nasa may bukana ng pintuan sa unahan. Nang makita nya ito ay napagpasyahan nya ng sa pintuan na lamang sa likod dumaan. Kinausap nya ang isang kaklase nya sa kabilang panig ng row na doon muna sya uupo.

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon