A/N:
Hapitan na.. Please vote and leave a comment.
______________________________________________
Pagdating sa hospital ay madaliang dinala si Nicole sa emergency room. Hindi na sila pinapasok ng Doctor sa operating room. Si Paul ay naluha pa din samantalang si Marlon ay nagkakanda-tulo na uhog sa sobrang paghagulgol. Mahal na mahal din ni Marlon si Nicole halos kapatid na ito para sa kanya.
Maya-maya'y dumating na din ang umiiyak at tumatakbong si Benett. Inalo nito si Marlon dahil halos himatayin na ito kakaiyak. Wala silang magawa kundi mag-antay sa labas ng operating room.
30 mins. ang nakakaraan ang humahagibis na pamilya naman ni Nicole ang dumating. Hysterical na ang Ina ng pasyente habang inaalo naman ito ng bunsong kapatid ni Nicole, si Renz.
After 1 hour ay lumabas ang Doctor kaya agad silang nagsipaglapitan. "Sino ang pamilya ng pasyente?" tanong ng Doctor sa kanila. Nagtaas naman ng kamay ang mga magulang nya at kapatid para ipaalam na sila ang hinahanap ni Doc.
"Kumusta na po sya?'"ang nahibing tanong ng Mama ni Nicole.
"Tinahi na po namin ang ulo nya pero kailangan po natin ng dugo para maisalin sa kanya. Type AB po." sagot ni Doc.
Nagvolunteer naman si Mama ni Nicole kaya pinapasok na ito ng emergency room para matest na kung pwede itong donor. Pero sa kamalas-malasan, at sa di sinasadyang pagkakataon, hindi daw pwede ang Mama ni Nicole dahil hindi ito qualified. Doon na nag-volunteer si Benett na kung pwede syang ipatest.
Tinest si Benett at dahil qualified ito, tulad ng nasa Mindoro sila ay sya na naman ang naatasan na magsalin ng dugo for Nicole. Pinapasok na sya sa operating room at kinuhanan na ng dugo.
Pagkatapos ng 30 mins. ay pinalabas na sya. Paglabas nya ay nakakabinging pasasalamat ang nadinig nya. 'Hindi naman nila kailangang magpasalamat. Kailangan kong gawin yun para sa Mahal ko' bulong nya sa isip nya.
After 1 hour ulit ay lumabas ulit ang doctor. "Dahil sa medyo matagal na kinulang oxygen at dugo ang utak ni Nicole ay na-coma po sya. Ipagdasal nyo po sya. Ililipat napo namin sya ICU." ang paliwanag ng Doctor at ng pagkasabi noon ay umalis na ito.
Mga pigil na iyak na naman ang narinig sa hospital. Isa-isa silang pinapasok ng Doctor sa ICU. Una ang mga pamilya ng biktima. Kitang-kita sa labas sa pamamagitan ng salamin ng ICU. Iyak ng iyak ang tatlo. Sumunod ay si Marlon, at pagpasok ni Marlon ay niyapos ito ng Mama ni Nicole kaya nagiyakan na naman ang dalawa. Parang dinudurog ang puso ni Marlon ng makita ang napakaraming tubong nakakonekta sa kaibigan nya. Lumabas naman si Renz pagpasok ni Marlon.
Lumabas si Marlon at pumasok naman si Benett.
BENETT'S POV:
Habang papalapit na ako sa hospital bed ni Nicole ay bigla akong niyakap ng Papa ni Nicole.
"Iho, salamat sa pagaalaga at pagsasalin mo ng dugo mo kay Nicole" sabi ng Papa ni Nicole sa akin.
"Gagawin ko po ang lahat para sa mapapangasawa ko" ang maluha-luha kong sagot sa kanya.
Tumayo sa pagkakaupo si Tita at ako ang pinaupo nya sa tabi ni Nicole. Tiningnan ko sya at hinawakan ko ang isang kamay nya. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita kong kalagayan nya. Puro tubo at balot na balot ng mga benda. Halos hindi mo na makilala ang namamaga nyang magandang mukha.
Hinaplos ko ang buhok nya at doon hindi ko napigilan ang umiyak. Nilapitan naman ako ni Tita at hinagpos ang likod ko. Iyak lang ako ng iyak sa nakikita kong kalagayan ni NIcole. Durog na durog ang puso ko.
Tinapik nako ni Tito at sinabing yoong iba naman daw ang papasok pero hindi ako natinang sa pagkakaupo ko habang hawak ko ang palad ni Nicole at nakatitig sa maga nyang mukha. Kaya hindi na nila ako napilit, si Tito ang lumabas at pumasok naman si Paul.
Sa kabilang side ni Nicole sya pumwesto at hinawakan ang kabilang kamay ni Nicole. Hinalikan nya si Nicole sa noo at bumulong ng "Sorry. Magpagaling ka agad para sa amin. Huwag kang susuko. Ikakasal ka pa kay Benett. Diba sabi mo hindi mo nakikita ang sarili mong kinakasal sa iba? Paano na si Benett kung iiwan mo kami.. huhuhu!" ang sabi ni Paul at umiyak na. Kami naman ni Tita ay napaiyak na lalo sa nakakatouch na sinabi ni Paul.
Pagkatapos noon ay lumabas na sya at isa-isa ng nagsipasok ang iba, one after the other. Nagulat na lang ako ng pumasok din si Mama ko at niyakap nya si Tita. Pagkatapos ay niyakap nya ako mula sa likod ko. Nang maramdaman ko ang init ng yakap ni Mama ay napaiyak na ako ng mas malakas. Masakit kasing makita na ang babeng pinakamamahal mo ay nahihirapan ng ganito. Ang sakit lang sa dibdib. Sana ako na lang ang nasa lugar nya. Hindi ko kayang makita sya sa ganitong sitwasyon. Napaka helpless ng itsura nya. Nakakaawa talaga.
Bumulong na sa akin si Mama na aalis na daw sya at tumango lang ako. Ayaw kong ihiwalay ang paningin ko kay Nicole. Gusto kong pagnagising sya ay ako ang una nyang makikita. Hindi rin ako mapaalis nila Tito dito sa tabi ni Nicole kaya nagbilin sila na pag-maypagbabago daw dito ay tumawag daw agad ako sa kanila dahil uuwi na lang daw muna sila at kukuha ng gamit.
Ngayong kami na lang dalawa ni Nicole dito sa hospital ay hindi ko na napigilang kausapin sya...
"Babe, naririnig mo ko diba? Gumising ka na. Diba sabi mo pag nawala ang isa sa atin ay mamamatay din ang isa? Babe, pagnawala ka at iniwan mo ko, magpapakamatay na lang ako. Para sa akin wala ng kwenta ang buhay pag wala ka sa tabi ko. Ikaw ang rason kung bakit hanggang ngayon ay humihinga ako. Ikaw ang nagbibigay ng ligaya sa puso ko. Nakikiusap ako... gumising ka na... huhuhu,," hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil naiyak naman ako.
"Babe naman, ang daya mo. Paano na yoong pinagtatalunan nating anak kung hindi ka gigising dyan? Graduation na natin sa isang linggo. Ang balita ko Suma cumlaude ka daw. Paano mo matatanggap ang medalya mo kung tulog ka dyan.. Gumising ka na please...." napahinto ako kasi pakiramdam ko hindi na ako makahinga kakaiyak.
"Babe, parang awa mo na. Gagraduate na tayo. Pwede na tayong ikasal. Gumising ka na. Pinaka-aantay natin ito diba? Sige ka pag hindi ka gumising dyan kay Leah ako magpapakasal...haha.." sabi ko na tumatawa pero bumabaha naman ang mata ko sa luha.
"Babe please... Wake-up..." pakiusap ko pero parang hindi nya talaga balak imulat ang mga mata nya.
Tumigil na ako sa pagsasalita at humiga ako sa tabi nya sa kama. Ingat na ingat ako kasi baka magalaw ko ang mga tubo nya. Natulog akong nakaharap sa kanya habang ang isang kamay ko ay nakakapit sa buhok nya at ang isa ay nakakapit sa palad nya.
"Sana hindi na rin ako magising bukas kung hindi ka magigising.. " bulong ko sa tenga nya sabay halik sa palad nya.
___________________________________________
A/N:
VOTE AND COMMENT PLS.
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...