Chapter 17

2.7K 44 2
                                    

A/N:  

Hey readers, paramdam naman kayo... Pavote naman po at pa-comment...  May nagbabasa ba talaga nito? Basahin nyo naman oh? Hehehe!

___________________________________________________________

Chap. 16

Nicole's POV:

Nagising na lang akong nakahiga sa may kama.  Kinapa ko ang ulo ko kasi ang sakit.  Oh my!  Baket may bandage ang ulo ko?

"Anong nangyari?"  tanung ko sa mga tao sa paligid ko na lahat nakatingin sa akin.

"Sis, buti naman at nagising ka na.  May masakit pa ba?"  sabi ni Marlon sakin.

"What happened?"  ask ko kay Sis.

"Nag-away ang mga suitor mo at nadamay ka.  Nabitiwan ka ni Benett at nabagok ka sa batong malaki.  Dumugo ulo mo at nawalan ka ng malay."  sagot niya.

Wew!  Naalala ko nga!

"Ganun ba? eh nasaan na yoong 2?"  referring kna Benett at Justine.

"Dinala ka dito ni Benett, binantayan ka nya ng isang buong araw kasama namin.  Narinig ko na tinawagan siya ng parents niya at pinauwi na."  si Marlon.

"Ganun ba?"  sabi ko at halos pare-parehas ang mga tropa kong tumango.. meaning, yes!

"Asaan si Justine?"  tanong ko uli.

"Ayun siya Teh, nakatulog na sa sofa ng hospital na ito.  Inaantay ka niyang magising." sabi ni Loyd.

"Ganoon ba?"  sabi ko.

Maya-maya pa eh nagising na si Justine at lumapit sa aming magkakaibigan na nakapalibot naman sila sa hinihigaan ko.  

"Last day nyo na dito Nicole dito sa Puerto Galera, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko at panggugulo ko sa buhay ninyo ni Benett."  sabi niya na bakas ang sinseridad sa boses niya.

Tumango naman ako.

"Mabuti pa eh magsipag impake na tayo at umuwi na tayo ng Laguna."  sabi ni Don-don.

Bumalik na kami sa hotel pagkakuha namin ng release papers ko.

Nalaman ko kay Justine na 3 days and 2 nights na pala akong tulog dito sa Ospital ng Mindoro (A/N:  imbento ko lang yan.. hehe).

Matagal daw akong nakatulog dahil sa pain reliever na isinaksak sakin ng Doctor para di ko maramdaman ang pagtatahi nila sa sugat ko sa ulo.  Marami daw nawalang dugo sakin, but I was really lucky dahil magka-match kami ng blood type ni Benett at nasalinan ako ng dugo.

Nakakainis yoong lalaking yoon.  Panu ko naman siya mapapasalamatan kung ganitong wala siya dito?

Hindi bale, itetext ko na lang siya mamya bago kami sumakay ng roro pabalik ng pier ng Batangas.

After 3 hours:

Andito na kami sa pampang at pasakay na ng ro-ro... One last look para di ko malimutan ang lugar na ito.  Yumakap na ako kay Justine at pinahingi ko kay Marlon ang number niya para i-save sa fone ko.

Kasalukuyang na byahe na kami pabalik ng itext ko si Benett at nagpasalamat ako sa ginawa niya sa aking kabutihan.  Hinahantay ko ang sagot/reply niya kaya hindi ko muna  ipinasok sa bag itong Iphone ko.

Pababa na kami ng Roro ng mabitawan ko yoong celfone ko at nahulog sa tubig..

Goodbye  iPhone! xoxo  Ang lalim pa naman ng tubig at imposible ng makuha yoon, makuha man ay tiyak na sira na... huhuhu!

____________________________________________________

Roro boat ------------->>>>>>>>>>>>

A/N: Mornyt antok na po ako

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon