A/N:
Hinahapit ko na po ito.. Kailangan matapos ko na ito habang hindi pa nauwi sina Daddy.
Please vote and leave a comment.
____________________________________________
Marami ang nagtatanong kung natuloy ba ang binabalak nina Justine at Benett? Well.. malalaman natin later.
Si Justine after 2 weeks, napansin na ng family and friends nya ang nangyayari sa kanya kaya palagi nila syang kinakausap at pinapatanggap sa kanya ang nangyari. Wala na naman sa plano nya ang mga binabalak nya noon pero hanggang ngayon, hindi pa rin sya maka-get over. Kaya ang ginawa ng parents nya, pinagpaalam sya sa school administrator nila na pagbabaksyunin daw muna.
Pinagbakasyon muna nila si Justine for a week sa isang retreat house sa Tagaytay. Doon pinarealize sa kanya na dapat tanggapin nya ang mga bagay-bagay. Na dapat kung talagang mahal nya si Nicole ay pagbigyan nya ito sa kung anong makakapagpaligaya dito. Masakit mang isipin, pero hindi sya ang nakatakdang magpaligaya dito.
Medyo naging ok naman si Justine sa tulong na rin ng patuloy na counselling sa kanya. After a week nakabalik na sya sa bahay nila. Pero ang hindi nila alam, para sa kanya, hindi sapat ang one week para paghilumin ang sugat.
Pagsapit ng gabi at nag-iisa na sya sa kwarto nya, doon na bumubuhos ang luha nya. Ang feeling nya, pag nawala si Nicole ay wala na syang karamay at kakampi. Ang pakiramdam nya ay napilayan sya. Dahil para sa kanya ay ito ang tanging nagbibigay sa kanya ng saya, ng ligaya, at ng rason para mabuhay.
Sa last day ng ika-2 week nya ng pagpapahinga from school ay tinawagan ni Selle si Nicole at pinakiusapang ibigay ang kanyang maghapon para kay Justine. Ibigay nya ang huling araw na ito para ipatanggap ng maluwag sa kaibigan nya na andito pa rin naman sya sa tabi ni Justine. Ang kaibahan nga lang ay hindi lang si Nicole ang magiging kaibigan nya kundi pati si Benett ay tinatanggap na syang maging kaibigan nya.
Nasa Batangas sina Justine at Nicole nakatanaw sa beach. Hinatid si Nicole ni Benett dito. At dahil maunawaiin naman si Benett, at alam nya ang pakiramdam ng magmahal at masaktan ay pinayagan nya si Nicole. Malaki naman ang tiwala nya sa nobya kaya pumayag sya.
"Nicole, masaya ka ba? " tanong ni Justine sa kanya.
Napalingon naman si Nicole at malungkot ang mga matang sumagot sa kanya, " Masaya na sana ako Justine, pero hindi ko maiwasang hindi malungkot.."
"Bakit naman?"
"Hindi ko makuhang maging masaya kapag alam kong nasasaktan ko kayo ni Reggie."
" Ganoon ba? Sorry Nicole ha.. Hindi ko naman sinadya na ganito ang maramdaman ko, hindi ko lang talaga kayang kontrolin ang puso ko."
"Pero kung mahal mo talaga ako Justine, dapat masaya ka na masaya ako."
"Pero kung importante ako sayo tulad ng ganito, hindi mo maiiwasan sa akin ang maisip na mahal mo rin ako."
"Mahal naman kita talaga Justine.....
bilang isang kaibigan"
Sa sinabing yoon ni Nicole ay hindi na napigilan ni Justine ang mapaiyak. Si Nicole naman ay yumakap sa kanya at naiyak na din.
"Hindi ba dapat maging masaya ka para sa akin?" tanong ni Nicole sa humagulhol na Justine.
"Paano naman ako sasaya kung nasasaktan ang puso ko. Mahal kita talaga Nicole.. sana ako na lang ang mahalin mo."
"Pero may mahal na akong iba Justine. Mabuti kang tao, matalino at gwapo. Pero hindi lang talaga ako ang babaeng nakalaan sayo."
"Alam kong ikaw ang nakalaan sa akin."
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...