A/N:
Kindly vote and leave a comment.
-AngelMelay
_____________________________________________
Nicole’s POV:
“Ahh..” sabay inat-inat. What?? OMG 7:00am na! Naku late nako! Babangon na sana ako kaso may parang nakayakap sa bewang ko... My gosh! Si Benett nga pala andito. Kinapa ko agad ang noo ni Benett at medyo may sinat pa sya.
‘Naku! Paano ba ito? Makakapasok pa ba ako nito? Eh kung papasok ako, paano na sya? May sinat pa sya?’ sa isip-isip ko.
One thing na parehas kami ni Benett, parehas abala ang mga magulang namin sa trabaho kaya wala halos silang time sa amin. Ang mga magulang ko ay nasa Davao, isang linggo daw sila doon kaya kung aabsent man ako di naman nila malalaman.. hehehe!
Bumangon na ako para magprepare ng agahan para sa amin dahil kailangan nga pala ni Benett na uminom ng gamot. Kinumutan ko sya at syempre tinitigan muna mukha nya na payapang natutulog sabay halik sa noo. Pero hindi sya nagising kaya lumabas nako papuntang kusina para magluto.
Nagluto ako ng hotdogs, egg and bacon. Syempre, rice eater ako kaya nagsaing na rin ako. Wait lang, ‘kaya na kaya ni Benett kumain ng solid? Kung magprepare din kaya ako ng arroz caldo? Hmm, hindi na siguro kasi mababa na naman lagnat nya’ ang muni-muni ko.
Saglit lang ay tapos na ako kaya nagdala na ako ng tray ng pagkain sa room ko. Doon na rin ako kakain para sabay na kami kumain. Pagpasok ko ay wala si Benett sa kama. ‘Hala! Saan na yun?’ tanong ko sa sarili ko. Pinatong ko yung pagkain sa side table ng kama ko at hinanap ko sya. Hahanapin ko na sana sya sa cr ng bigla syang lumabas galing doon.
Nasabi ko na bang napakagwapo ni Benett? Shocks! Kahit bagong gising at magulo buhok ay napakagwapo! At ang sando ng kapatid ko, hapit na hapit sa kanya. Ang ganda ng chest at ng abs... ‘Ay naku Nicole, tama bang pagpantasyahan?’ kastigo ko sa sarili ko. (^_^)
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...