A/N: Maraming salamat po sa support. Pavote naman po alang-alang sa effort level ng author nyo..
>’_’<
______________________________________
Nicole’s POV:
Masaya kaming nag-agahan ni Benett kanina. Sinubuan nya pa ako habang kumakain. Napaka-sweet talaga ng bf ko! Hahaha! Ako na.. ako na long-hair!
Pagkatapos naming maghanda for school kanina eh sabay kaming pumasok dito sa school. Aattend din naman kami ng classes tapos mamaya before yoong last subject namin eh i-eexcuse na sya kasi may praktis daw ang swimming team. Kailangan nilang maghapit kasi next month na yoong interschool meet.
Kasalukuyang andito kami sa room, magkatabi sa upuan, nakikinig sa boring naming teacher. Second to the last subject na ito , so that means pagkatapos nito, i-eexcuse na sya at susunod na lang ako doon pagkatapos ng klase namin.
Sinundot nya ang tagiliran ko at bumulong sa tenga ko.
“Ano ba naman si Mam, nakakainip naman” -__- sabi nya.
Napalingon ako sa kanya sabay balik ng mata sa unahan.
“Sshh.. Wag mo akong daldalin baka marinig nya tayo, lagot tayo” ako.
“Babe, sunod ka doon maya sa praktis ko huh?”
Napalingon tuloy ako sa kanya sabay sabing, “syempre naman po. I won’t miss this praktis”.
Hinawakan nya yoong right hand ko na nakapatong sa arm rest ng chair ko sabay sabing, “Thank you! I’ll be expecting you later”.
Ako na kinilig. Pakiramdam ko kinilig ako sa ginawa nya sa akin.
“Sureness.. “ nangingiting sagot ko pa sa kanya.
After 30 mins, yes! Natapos din ang nakakainip na subject na ito. Lumabas na ang teacher namin at tumayo na din si Benett para pumunta na sa praktis. Kinuha nya ang bag nya at sinukbit sa balikat nya, tumungo sabay kiss sa noo ko, sabay sabing, “See you later Babe”. Tumango na lang ako sa sinabi nya. Hindi ako makapagsalita kasi kinikilig ako.
Palabas na sya ng classroom ng maisipan niyang sumilip ulit at tinawag ako.
“Nicole, labyu!” sabi nya sabay kindat. Wahh nakakahiya pero nakakakilig.
Yoong mga nagdadaldalan kong kaklase eh napatigil ng marinig noong sinabi nya yun. At nagsipag-tilian ang mga girls ng , “AYIII!” Ano ba yan? Nakakahiya! Pero aminin ko, kinilig talaga ako kasi that means hindi sya nahihiyang iparinig sa maraming tao.
‘Love you!’ sabi ko naman na binulong ko lang. Isinenyas ko lang thru my lips at hindi ko na nilagyan ng boses. Pagkasabi ko noon ay ngiting-ngiti syang umalis na. Maya-maya ay dumating na ang next professor namin at nagklase na ulit.
After Classes:
Nakita ko si Marlon ng malapit na ako sa gate. Tinawag ko sya ng marinig nya ako, kumaway sya sa akin..
“Bez, sama ka sa akin punta tayo praktis ni Benett ng swimming?” tanong ko sa kanya.
Nagliwanag ang mukha ni Marlon at sabay sabing, ”Nandoon ang buong team nila diba? Sama ako, tiyak andoon yoong mga macho nyang mga teammates” sabi nya.
Hay naku! Si Bez talaga, ubod ng landi! Haahahah!
“Oo naman Sis! Syempre yoong buong swimming team andun..” sagot ko naman sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa pool. Kasama ko si Marlon ng mapahinto kami sa kinatatayuan namin...
Benett’s POV:
Nakailang laps na ako ng biglang sumipol si Coach na break daw muna. So, umahon ako at napatingin sa malaking wall clock sa gitna ng CR ng boys at girls at nakita kong 5pm na pala. Teka, 5pm? Ibig sabihin maya-maya lang ay pupunta na si Nicole dito. Naexcite ako sa isiping at last mapapanuod nya ang praktis ko.
Umiinom ako ng Gatorade sa may pool side ng may lumapit sa aking schoolmate. Ang sabi nya sa akin “Kuya, pinapatawag daw po kayo ng assistant coach nyo sa may locker area”.
“Salamat ha..” nakangiting pasasalamat ko sa kanya at direderetso na ako sa locker room. Hinahanap ko si Assistant coach, pumasok ako sa loob at tinatawag ang pangalan nya pero wala sya. Nasaan na kaya yoon? Ang bulong ko sa aking sarili. Nung hindi ko talaga sya eh lumabas na ako ng locker room. Naisip ko nab aka hindi na ako naantay ni Asst. Coach kaya lumabas na.
Laking gulat ko ng paglabas ko ng locker and shower area na iyon ay nakita ko si Lea na nakatayo sa bukana ng pintuan papasok.
“Hi Benett!” ang masiglang bati nya sa akin.
“Tss..” ang bad trip kong walang kagagana-gang reaksyon sa kanya.
“Lagi mo na lang akong sinusungitan.. Nakakainis ka na ha..” sya.
“Sorry pero busy ako at hindi ako interesadong makipagkaibigan sayo. Tama na yoong magkaklase lang tayo. Kasi….” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi bigla nya akong nilapitan at hinalikan sa labi sabay yapos sa leeg ko.
Kinapitan ko sya sa bewang at pilit ko syang tinutulak palayo pero talagang matatag ang pagkakakapit nya sa akin.
I kept my mouth shut and I did not respond to her kiss. But……………………
Nicole’s POV:
“Sis daan muna tayo ng restroom kasi nawiwiwi ako please?” si Marlon.
“Sige na nga. Ang restroom doon ay doon na din sa shower/locker room huh.” Ang nangingiti kong sagot sa kanya kasi halatang-halatang nawiwiwi na sya kasi pinagkukrus na nya ang mga tuhod nya.
Tumuloy na agad kami sa locker/shower/restroom bago pumunta sa pool side since ito ang una mong madadaanan dahil malapit ito sa entrance ng pool.
Papasok na si Marlon ng biglang… ”BENETT??” ang pasigaw nyang turan na syang nakapag-paangat naman ng ulo ko dahil kasalukuyang nagtetext ako kay Benett na andito na kami.
“FUC*… NICOLE… WAIT….” Ang narinig ko pang sigaw ni Benett pero tumalikod na ako nagtatakbo na ako palayo pabalik sa pinanggalingan namin kanina ni Marlon. Si Marlon naman ay hindi na naka-ihi at humabol na sa akin.
Sht lang! Napaka-sakit!
Alam mo yoong feeling na parang naririnig mo young heartbeat mo sa sobrang lakas
tapos yoong ears mo ay parang nabibingi?
Ganito pala ang feeling pag-nahuli mong niloloko ka ng pinakamamahal mo..
Ang sakit pala? Biruin mo, si Flirt classmate Lea pa nahuli kong kahalikan nya?
Benett, bakit mo nagawa ito sa akin?
Natulo na pala ang mga luha ko ng hindi ko alam. Si Marlon naman ay patuloy ang habol sa akin, samantalang ako, patuloy ang pagtakbo.
..pagtakbo hindi dahil sa kanya.
..hindi dahil kay Lea.
…PERO PALAYO SA KANYA.
Ang taong minahal ko pero sinaktan ako!
Minahal ko din naman si Paul dati pero bakit ganoon, triple ang sakit ngayon?
Akala ko iba sya...
Yoon pala, isa lang si Benett sa mga katulad nilang manloloko...
____________________________________________
A/N:
Magkaayos pa kaya si Benett at Nicole? Lagot!
Si Nicole naiiyak ng makita si Benett at Lea ---->>>>

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...