Chapter 28

2.5K 42 11
                                    

A/N:  Dahil sa marami ng ngbabasa, mag-uupdate na ako!  Yown.. Yung may pinaka magagandang comment ang pagdedicatean ko ng mga next chapters...

_______________________________________________

Nicole's POV:

Nagising ako na nakayakap sa akin si Benett at ako nakayakap din sa kanya. Magkayakap kami na kapwa walang saplot na nakatakip lamang ay kumot.

Iniangat ko yung kamay ni Benett na nakapatong sa akin at hinalikan sya ng smack sa labi. Nagising tuloy sya sa ginawa ko.

"Babe, tulog pa tayo.." sabi nya.

"Teka lang babe anong oras na ba?" sabi ko. Iniangat ko yung kamay ko na nakayakap sa kanya at kinuha ko yung alarm clock sa side table sa tabi ko.

Alas 11 ng gabi. Naku gabi na! Patay ako nito! Baka umuwi pa naman ngayon ang magulang ko sa bahay. Minsan kasi di sila nauwi gawa ng busy sa business. Madalas silang out of town. Tuluyan na akong tumayo para hanapin ang cp ko. Nakita ko sya sa bag ko sa paanan ng kama.

"Babe, dito ka na matulog. Babangon nako, order na lang tayo ng makakain. Bihis na tayo." sabi ni Benett sabay halik sa ulo ko.

Bumangon na sya at nakita kong lobat pala cp ko.

"Babe, may charger ka ba ng iphone? Pahiram.." sigaw ko habang nakabalot pa katawan ko sa kumot kasi nasa cr si Benett.

"Babe, andyan sa drawer sa may right" sigaw naman nya from the cr.

Kinuha ko ang charger at sinaksak ko na. Nagbihis muna ako sa cr pagkalabas ni Benett dun. Pagkalabas ko, ini-on ko cp ko kailangan kong itext manlang sina Mama na di ako makakauwi. Tapos tinext ko din si Marlon na kunyari nasa kanila ako paghinanap ako ng mga tao sa bahay.

Pumayag naman si Bez sa isang kondisyon na bukas daw ikukwento ko ang lahat. Nakarating na pala sa kanya ang balita tungkol sa eksena kanina sa may gate ng school. Rereplyan ko sana sya ng biglang mag-ring fone ko. 

**        

Unregistered number.

**

Sino kaya ito?

Sinagot ko.

"Hello. Sino ito?" ako.

<"Ate Nicole, si Selle ito.."> sagot nya na parang humahagulhol ng iyak. Syemay! Baka nakarating na sa kanya ang balita about sa eksena kanina sa school. Baka sinabi na ni Justine. Bakit kasi di ko sinabi agad sa kanila nung nasa party kami na ipinakilala sa akin si Ex.

<"Hello Nicole? andyan ka pa ba? Ikaw ba yan?"> Tanong nya.

"Nakaorder nako babe." sabi ni Benett pagbalik nya sa loob ng kwarto nya.

"Sinong kausap mo?" tanong nya.

<"Nicole? Nicole ikaw ba yan? Hello?"> si Selle.

Imbes ba sumagot ako kay Benett eh inispeaker ko ung fone ko para marinig nya.

<"Nicole? Hello? Pinsan ito ni Justine.."> sabi ulit nya sa kabilang linya. 

Kumunot ang noo ni Benett at tumabi sakin sa pagkakaupo ko sa kama nya. 

"Ui kausap ka.." si Benett.

"Ah Selle.. Sorry chappy ka" pagsisinungaling ko.

<"Nicole, punta ka dito sa Tagaytay Hospital andito si Kuya Justine. Naaksidente.."> sabi ni Selle.

Nagulat ako kaya hindi ako makapagsalita.

Si Benett ang sumagot. "Baket anong nangyari sa kanya?" tanong nya kay Selle.

<"Sino ka? Si Nicole?"> si Selle.

"Baket napaano sya, Selle?" sagot ko naman.

<"Naaksidente. Nahulog sa bangin ng tagaytay."> sabi nya.

Tumungin ako kay Benett. Kinilabutan ako sa narinig ko. Baket kaya nagkagnoon?

"Sige punta kami" sagot ni Benett at iniend na yung call.

"Ipagdadrive kita, Babe. Sasamahan na rin kita." sya.

"Ayos lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Magbihis ka na" sagot nya. 

Kaya dali-dali akong nagbihis ng maayos. Si Benett naman ay lumabas na ng kwarto dahil may nagdoorbell.

"Andito na yung pagkain. Baunin na lang natin sa daan" sabi nya maya-maya pagpasok nya sa kwarto ulit.

Umalis na kami papuntang Tagaytay.

Anu kayang nangyari sa kanya? Malaki pa nga pala ang dapat kong ipaliwanag sa kanya.

Nagdadasal ako habang nasa byahe kami na sana ay ayos lang sya.Hindi ako galit sa kanya dahil nauunawaan ko yung reaksyon nya kanina.

"Calm down babe. Everything will be alright" sabi ni Benett habang pinisil nya yung isang kamay ko ng kamay nyang pangkapit nya dapat sa kambyo ng sasakyan.

Kahit paano ay medyo nakalma ako.

Naisip ko na mabuti na lang andito sya para pag-hugutan ko ng lakas ng loob.

Sana ayos lang si Justine. Dasal ako ng dasal.

Buti na lang andito si Benett..

.. may karamay ako...

may kaagapay ako..

may tagapagtanggol ako..

Justine, sana ayos ka lang.. bulong ko.

 _______________________________________________

A/N: Anu kayang mangyayari kay Justine? 

Team Justine ba kayo o Team Benett?

Be a fan, vote, and leave a comment.. Thanks!

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon