II

735 26 0
                                    

MINSAN, KAHIT ANO'NG IWAS ng mga estudyante sa anumang academic activities, mami-miss pa rin nila ito kapag sumapit ang bakasyon. Iba pa rin kasi ang feeling na maagang nagigising para pumasok sa paaralan—'yong mag-cram sa assignments—at 'yong bigyan ng baon ng magulang. Mas okay na nga 'yon kaysa sermon sa nanay ang magiging alarm clock dahil tinanghali na ng gising.

Maikli lang kung tutuusin ang dalawang buwang iyon, pero malaking pagbabago sa buhay nila ang mangyayari na kailangan nilang mapaghandaan—ang pagiging graduating student at ang pagkokolehiyo, pero mas naging daan ito para mas makilala pa ang kaniya-kaniya nilang mga sarili.

"Owen!" pagtawag ni Aling Isa sa kaniyang anak na nasa loob ng kuwarto. Napatingin naman si Owen sa kaniyang kuya at pagkatapos ay napakamot pa ng ulo ang binata sabay tayo para lumabas at tingnan ang dahilan kung bakit napatawag ang nanay niya.

"Ma, ano po 'yon?" pagtatanong ni Owen pagkarating sa may sala at nadatnan ang kaniyang nanay na nasa tabi ng electric fan. Napansin pa ni Owen na parang kumakaluskos ang kanilang bentilador.

"Tingnan mo 'tong electric fan natin, bumigay na yata," stressed na saad ng kaniyang nanay sabay paypay sa init ng panahon. "Wala pa 'mo 'yang tatay mo."

Napangiti naman si Owen. "Ma, wait lang." Pagkatapos ay lumabas siya at nagtungo sa garahe at kinuha ang toolbox ng tatay niya at noong bumalik siya sa sala ay sinimulan na niyang kalasin ang mga component ng electric fan at saka ito isa-isang chineck at inayos.

Inabot pa nga ng isang oras ang pagbubutingting ni Owen hanggang sa...

"Check mo na po, Ma," pahayag ni Owen sabay kiskis ng mga kamay niya. Pagkatapos ay pinindot na ng nanay niya ang button ng electric fan at nakitang gumagana na ito katulad ng dati.

"Naku, Owen, ang galing mo talaga!" proud na proud na saad ni Aling Isa sa anak. E, sa may pagka-handy man si Owen kaya kaagad niya itong naayos. Mr. All-around nga ang turing sa kaniya sa mga nakakaya niyang gawin mula sa pagkukumpuni ng mga kagamitan at kung minsan din, sa mga bagay na may kinalaman ang computers. Hindi lang pampamilya, pang-sports pa!

---

Nakaupo lang si Toto sa may sofa ng kanilang sala habang matama siyang nanonood ng "Who Wants to Be a Millionaire?" na pinalalabas ngayon sa TV nila. Talagang habit na ni Toto ang manood ng ganitong mga gameshow kung saan hasaan ng utak ang puhunan.

Kunwari talaga, siya ang tinatanong sa hot seat ni Bossing kaya seryoso siya sa panonood.

"Next question na tayo: Saang bansa unang naging legal ang same-sex marriage?" Maski si Toto ay napahimas ng baba katulad ng contestant sa pinanonood niya.

"Here are the choices: A. Germany, B. Thailand, C. France, D. The Netherlands." Nagsimula na ring mag-isip si Toto ng isasagot niya hanggang sa...

"D., The Netherlands!" bulalas ni Toto sabay turo sa screen.

Saktong napadaan naman ang tatay niyang si Mang Resty na nakinood din. "Mukhang busy ka sa pinanonood mo, a?" saad pa niya pagkaupo sa tabi ni Toto.

"The correct answer is, D. The Netherlands!"

"Aba, anak, ang galing mo, a? Pa'no mo nahulaan 'yon?" may pagkamanghang tanong ng papa ni Toto sa kaniya sabay himas sa buhok nito. "Mana ka talaga sa 'kin."

Sa sobrang dalas ng pagbabasa ni Toto at pakikinig sa klase, hindi malayong masasagot niya ang tanong na iyon. Kung tutuusin, kaya na nga niyang sumali sa ganitong mga contest.

"Naku, huwag kang maniniwala diyan sa tatay mo," paningit naman ni Aling Lilia na nanay ni Toto. "Lagi kaya siyang bulakbol no'ng high school."

"Top two kaya ako no'ng elementary," pangangatuwiran pa ni Mang Resty.

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon