HANGOVER TULOY ANG INABOT ni Dimitri pagkagising sa hinihigaan niya. Para ngang minamartilyo ang ulo niya sa sobrang sakit. Kaunting kibot lang kasi niya ay dama na niya agad ang sakit ng ulo niya pagkakusot ng mga mata.
Isama pa ang panlalambot ng katawan niya dulot ng pag-iiinom kagabi sa birthday party. Alas-diyes na tuloy ng umaga siya nagising; buti na lang araw ng Sabado at walang pasok.
Bumaba siya papunta sa kuwarto niya nang paika-ika para magpunta sa kusina at kumuha ng Paracetamol na maiinom habang kinakamot pa ang kaniyang ulo.
"Good morning po, Ate Judie," pagbati niya nang medyo groggy ang boses sa kasama nila sa bahay na busy sa paglilinis ng sala. Para pa ring zombie itong si Dimitri na bagsak ang mga mata. As usual, wala na rin ang daddy niya na inaasikaso ang mga palaisdaan nila.
"Ikaw talaga, Dimitri, lagot ka na talaga sa mommy mo," saad naman ni Ate Judie na may halong pananakot sa alaga.
"Bahala na." Ipinagkibit-balikat na lang niya ang lahat. Bahala na talaga kung ano ang mangyayari.
Pagkarating sa kusina, nadatnan na niya ang mommy niya na mukhang nagluluto na panigurado ng tanghalian nila mamaya. Dahil isang chef kaya maalam din ito sa kusina;
Pero pagkasalubong ng tingin ng dalawa habang umiinom ng gamot si Dimitri, ramdam na niya ang pagkalamlam ng hitsura ng mommy niya—senyales na hindi maganda ang ibubungad sa kaniya.
Mga ilang sandali lang at seryosong nagsalita na ang mommy niya, "Hindi ko na alam gagawin ko sa 'yo." Dama ang dismaya sa boses nito na nagpairita rin sa binata.
"Umagang sermon na naman 'to." Parang ang role yata ni Dimitri ay magbigay ng kunsumisyon sa mga magulang niya.
"Pasalamat ka nga, hindi gano'n kabigat 'yong sanctions na binigay sa inyo ng barangay." Inaamin din naman ni Dimitri na kasalanan din niyang magpalango sa alak kagabi kaya dapat din talaga siyang masermunan.
"Kailan ka ba magseseryoso sa buhay? Ano, puro ka na lang ba ganiyan?" Parang megaphone pa sa taas ng boses ang mommy niya na talagang nakabibingi. Sa sobrang pagkairita, paranh gusto na lang niyang magsuot ng headphones para hindi na makarinig ang anumang sermon.
"Oh, my dear Dimitri, do you really think puro saya na lang 'yong buhay, a?"
"Imagine, one step ahead ka na for college, pero nasa ganiyang state ka pa rin ng pag-iisip? Come on, Dimitri. Walang tatanggap sa 'yong prestigious universities kung patuloy ka pa ring magpa-pasang-awa." Palagi na lang ganito ang nagiging diskusyon nila ng mommy niya—paulit-ulit—paikot-ikot na lang. Matigas pa kasi sa bato ang ulo niya kaya ayaw nitong napagsasabihan.
Napakuyom pa nga ang kamao niya pagkalapag ng baso sa may counter. Kaunti na lang talaga at mauupos na ang pisi niya at sasabog na siya.
Kung sa bagay, diyan naman nga raw magaling ang mommy niya—sa pagtuldok ng pagkakamali niya. Tuwing magkakamali raw siya, iyon lang ang napapansin niya.
Parang wala pa nga siyang naririnig na anumang papuri mula sa kaniya. Alam kaya nito ang milestones sa buhay ni Dimitri? Sa tuwing nananalo siya sa mga pageant, o kaya sa mga performance sa school.
Kahit ano namang gawin niyang maganda, hindi naman iyon mapapansin. Kung sa bagay, kahit gaano pa kaputi ang isang damit, ang katiting na mantsa pa rin ang mapapansin at mapapansin.
"Ano, nakikinig ka ba?"
Buong puwersa namang napasinghal si Dimitri at tiningnan ang mommy niya nang may pagka-inis.
"Makaalis na nga rito!" Tuluyan nang napuno si Dimitri at nagdabog na bumalik sa loob ng kuwarto niya.
-30-
BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Teen FictionTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...