Tropang 3some Plus One (A T3 Special Chapter)

89 2 15
                                    

“ARIMUNJING-MUNJING. Arimunjing-jing-jing~” Kanina pa
kinukurot-kurot at pinipisil ni Owen ang baby na karga-karga ni Toto. Todo bihis pa ang baby ng kulay puting polo na may black bowtie na may cream-colored jumper at white na beret sa ulo.

“Bulaga!” Kaunti na lang talaga at manggigigil na siya sa baby na kinukulit pa, pero buti na lang at
hindi pa ito umiiyak sa pinanggagagawa sa kaniya. Hindi talaga mapigilan ni Owen ang kulitin ang sanggol.

Owen naman, maawa ka sa bata. Kanina pa banat na banat pisngi niya, o.” Sinita tuloy siya ng kaniyang pinsan sabay tingin sa kargang baby at saka naman niya ito binaby talk, “Inaaway ka? Paluin natin siya, ‘no?”

Sa gitna ng paglalaro-laro sa baby ay lumapit naman si Dimitri kasama ang asawa niya at saka kinuha kay Toto ang karga-kargang sanggol. “Kinawawa naman ‘yang baby ko, o. Aba!”

Kasalukuyan silang nakatayo sa may altar ng simbahan ng Our Lady of Sorrows sa may City of San Fernando at hinihintay na lang ang paglabas ng pari para sa pagsisimula ng
christening rites ng baby.

Nagsusungit na naman ‘yang anak mo, Dimitri,” komento tuloy ni Owen sa kaibigan habang tinitingnan si Baby Avery na nakabugnot na ang hitsura; nakababa pa naman ang makapal nitong kilay na malamang ay galing sa kaniyang daddy.

Sumagot naman itong si Dimitri, “May pinagmanahan, e. Mana sa Ninong Toto niya.” Pagkatapos ay nginisian naman niya si Toto.

Naniko naman ng baywang itong si Toto.“Bolang!”

Humagikhik naman si Dimitri sabay bulong sa dalawa at saka rin niya tiningnan ang kaniyang asawa habang ang lahat ay nasa harap ng altar at hinihintay ang pagdating ng pari. “Joke lang, mana talaga siya sa mommy niya.” Pero isang mahapding
pingot sa tainga tuloy ang inabot niya nang marinig ito ng asawa niyang si Shannon.

“Tumigil ka nga diyan! Gusto mong palabasin kita ng simbahan?” panggagaligit na sabi tuloy ni Shannon habang hinihimas ni Dimitri ang namumulang tainga habang hawak-hawak pa ang anak.

Espesiyal nga talaga ang araw na ito para kay Dimitri dahil sa wakas, mabibinyagan na ang panganay niyang anak na pinangalanan nilang Avery ng kaniyang asawa. Siyempre, hindi rin dapat mawala sa importanteng pangyayaring ito ang dalawa niyang matatalik na kaibigan na sina Owen at Toto. Kaya heto at kinuha rin silang mga ninong
sa binyag.

Mula nang mangako ang tatlo sa isa’t isa maraming taon na ang nakakaraan, always present na ang bawat isa sa mga milestone ng kani-kanilang buhay—mula sa graduation ni Toto ng college, sa grand opening ng shop ni Owen, hanggang sa araw ng kasal ni Dimitri kung saan naging best man pa si Owen.

Sa dami ng pinagdaanan ng tatlo—sa dinami-rami rin ng naging milestones nila—ito na siguro ang pinaka-memotrable dahil isa na sa kanila ang naging isang ganap nang ama; naging 3 + 1 na nga.

Maliban kina Owen at Toto, present din sa binyag ang mga
kakilala at mga kaibigan ng mag-asawa, at siyempre ang kani
kanila ring mga magulang.

Guys, picture-an ko muna kayo.” Bigla namang lumapit ang photographer sa harap nila at saka ini-ready ang camera na nakasabit sa leeg nito.

“Wait lang, Archie, a?” sabi naman ni Shannon na hawak ngayon si Baby Avery.

“Oo nga, ayusin ko muna buhok ko.” Napa-react pa si Owen sabay ayos ng naka-gel na buhok at pinagpag ang kulay blue na long-sleeved polo.

“Okay…three…two…one…say cheese!” Sa signal ng photographer ay ngumiti ang lahat para sa pagkuha ng pictures.

Nang nasa kani-kanilang mga upuan na ang lahat, nagsimula na rin ang pari na mag-conduct ng rites para sa
binyag. “Let’s all rise.”

Pero habang taimtim ang lahat habang nakatayo ay biglang siniko ni Toto si Owen. “Si Annika ba ‘yon?”

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon