XXI

100 12 10
                                    

"MISS, SAAN PO NAKA-CONFINE si Paulo Del Monte?" Iyon ang tanong ni Dimitri pagkarating nila sa may station banda sa may lobby ng Mother Theresa of Calcutta Medical Center. Ngayong weekend lang talaga nagkaroon ng oras ang tatlo para dalawin si Paulo na naka-confine ngayon kahit medyo may kalayuan ang ospital. Buti nga at napakiusapan ni Dimitri si Bapang Bert na ipag-drive sila.

"Sa may room 216 po," sabi ng nurse na naka-station doon pagkatapos i-check ang records sa computer. May pag-aalala pa naman sa hitsura nina Dimitri dahil hindi rin nila alam kung kumusta na ang katropa nilang 'yon.

"Sige po, dakal a salamat." Si Owen naman 'yong nagpasalamat bago sila dumiretso habang itong si Toto, hawak-hawak 'yong basket niya na may lamang sari-saring prutas kahit may pagka-yamot sa hitsura niya na mukhang pinilit lang siya ng dalawang kaibigan niya na sumama.

Sa may bandang second floor pa ng ospital 'yong kuwarto kung nasaan si Paulo pero buti na lang at may elevator kaya kaagad silang nakarating.

Pagkapasok sa loob, napansin nilang walang kasama si Paulo na mukhang wala pa ring malay ngayon sa hinihigaan niya. Kitang-kita rin 'yong bandage na nakalagay sa noo niya at 'yong arm cast sa kanang kamay. Mukhang may impact talaga ang nangyaring aksidente noong isang araw lang.

Nakaupo lang si Toto sa upuan sa tabi ng bintana habang nakatayo sina Owen at Dimitri malapit sa higaan at pinagmamasdan ang dating kaklase.

"Ang payapa ng mukha niya," komento nitong si Dimitri habang nakapakrus ang braso nito.

Bigla namang nag-react si Owen at sinutsutan ang kaibigan, "Dimitri, 'wag ka namang magsalita nang ganiyan! Kilala naman nating 'yang si Paulo, fighter 'yan." May positibong tono pa ang pananalita nito.

"Ang bait pala niya 'pag tulog," sabi rin nitong si Toto na nagse-cellphone sa inuupuan niya. Mukhang nakakibit-balikat lang itong si Toto sa kabila ng mga nangyari. Tahimik lang na tinitingnan ng tatlo si Paulo na wala pa ring malay.

Pero mga ilang saglit lang, nataranta si Owen at nanlaki ang mata nito nang makita niyang dahan-dahang gumalaw ang kamay ni Paulo. Laking tuwa nga nila na unti-unti ring bumubukas ang mga mata niya kaya napalapit pa silang dalawa ni Dimitri at inabangan ang paggising.

Pagkamulat ng mga mata ni Paulo, napakunot ang noo niya at para bang mukha siyang nagtataka sa dalawang kaharap niya ngayon.

"S...sino kayo? Nasaan ako?" Biglang nanghina ang loob nina Owen sa narinig mula kay Paulo. Napatayo na nga rin si Toto para obserbahan ang mga nangyari.

"Uy, Paulo, naaalala mo pa ba kami?" nag-aalalang tanong nitong si Owen.

Nagsimula na ring mag-hysterical si Dimitri, "P're, 'wag ka namang ganiyan!" Napayakap pa siya kay Paulo.

"Ako 'to, si Owen, 'yong pinakaguwapo mong teammate sa basketball." Bigla namang sumiksik si Owen at sinapawan si Dimitri sabay turo sa sarili niya. Napaluhod pa nga siya, nagkulumos sa kumot, at nag-drama at hinampas pa nga 'yong higaan.

"Nasa langit na ba ako?" Mabagal na inikot ni Paulo ang ulo niya habang tinitingnan ang mga kaharap niya. "San Pedro, ikaw na ba 'yan?" Napakunot ng noo ni Dimitri nang bigla siyang tinuro ni Paulo.

Nagbitiw pa siya ng isa pang tanong sabay tingin kay Toto, "Bakit nakasalamin 'yong manok mo?"

"Niloloko lang yata tayo nito, e," seryosong pagre-react ni Toto sabay tingin sa dalawa.

"Joke lang!" Natawa na lang si Paulo sa pagre-react ng dalawang asungot. "Buti naman, napadalaw kayo."

"Sira ka talaga, Paulo! Akala namin, nagka-amnesia ka na talaga." Marahan na lang na hinampas ni Owen si Paulo.

"Buti nga, okay ka na din," segunda naman ni Paulo. "Siyempre, kaibigan ka namin kaya dapat dinadalaw ka," patuloy pa niya.

"Oo nga, kaso..." Tinuro ni Paulo 'yong fractured niyang braso na nakasemento.

Napahampas naman si Dimitri sa braso ni Paulo.
"Ang importante, safe k—"

"Aray!"

"Ay, sorry."

"So, ano sabi ng doktor sa 'yo?" tanong ni Owen habang itong si Dimitri, pasimpleng dumedekwat ng kiat-kiat sa may basket sa katabing table ni Paulo.

Seryosong nagpaliwanag si Paulo, "Pasalamat daw ako, hindi severe injury natamo ko. Fracture lang sa braso tapos bahagya lang may tama ulo ko."

Nakipag-areglo na rin daw ang mga magulang ni Paulo sa tricycle driver na nakabunggo sa kaniya at naayos na rin 'yong anumang dapat ayusin sa nangyari.

"May tama ka nga," pa-side comment ni Dimitri habang ngumunguya ng kiat-kiat. Naghagis pa siya ng isa pang piraso kay Toto.

"Kadadalaw lang ni Doc sa 'min kanina tapos sabi niya, okay na daw ako at makakalabas na 'ko ngayon."

Napangiti pa si Owen sa good news. "Ay, thank you, Lord! Biruin mo, binigyan ka pa Niya ng second life."

"Ako pa? Matibay 'to. Siyempre, may lahi kaya kaming pusa," proud na proud pang usal ni Paulo.

Sa gitna naman ng pag-uusap nila ay narinig nila ang pagtinis ng pinto at pumasok ang nanay ni Paulo na may nakasakbit na Chanel bag at nakasuot ng pink na long-sleeved polo at maong pants. May suot-suot din siyang bangles na hikaw. Lumapit naman 'yong tatlo para magmano.

"Ano ba naman 'yan, Anak? 'Di naman ako na-inform na may mga bisita tayong boys."

"Ma, kumusta po? Ano sabi?" tanong ni Paulo. Habang sina Owen, nilalantakan naman 'yong crackers.

"'Yon nga, na-settle ko na 'yong payment sa accounting office. So puwede ka na talagang lumabas ngayon." Umaliwalas ang mukha ni Paulo sa narinig. Natuwa rin sina Owen sa magandang balita. "Pero nag-request akong i-extend ka ng one day dito and pumayag naman ang sa office. Siyempre kailangan mo pang mapahinga sa injuries mo, 'no?"

'Yong kanina namang masayang mukha ni Paulo ay napalitan ng pagkadismaya. "Ma! Gusto ko nang umuwi sa 'tin."

Napatampal naman ng noo si Tita Milay sabay paypay. "Oh, my God, Anak! Dito ka muna para mas mabantayan ka pa nang maigi. Paano kung may mangyari pa sa 'yo? Nag-aaalala lang ako sa 'yo, Paulo!"

"Salamat din sa pa-prutas, a?" Napatingin naman ang nanay ni Paulo sa tatlo.

"Naku, kay Toto po kayo magpasalamat," pagpapaliwanag naman ni Dimitri kaya sinamaan siya ng tingin ni Toto.

"Thank you, Toto sa pag-aalala sa anak ko." Napangiti si Tita Milay at saka hinawakan ang balikat nito.

"Y...you're welcome po," awkward na sagot ni Paulo kahit na may ambag naman talaga siya sa mga prutas.

Nagkomento pa nga 'yong nanay sa anak niya, "Ang bait naman pala ng kaklase mo, anak."

Nagbigay na lang ng isang awkward na ngiti si Toto sabay punas ng pawis gamit ang panyo kahit na naka-aircon naman sa loob.

Napatingin pa siya sa desk kung nasaan ang mga nakalagay na snacks. "Naku, mukhang naubos na 'yong mga biscuits, a?" Napangiti na lang sina Owen sabay tago ng mga kinakain sa mga bulsa. Napahagikhik naman si Tita Milay sabay hampas sa kanila ng kulay red na pamaypay. "It's okay, mga hijo! Kayo naman."

Ang mahalaga, nasa mabuting kalagayan na si Paulo at hindi siya gaanong napuruhan sa nangyaring aksidente.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon