XII

144 15 0
                                    

DISMISSAL TIME, KALALABAS nina Owen at Dimitri sa labas ng classroom. Napakamot naman ng ulo si Dimitri bago magpaalam sa kaibigan.

"'Oy, una na 'ko, a? Nasa labas na kotse ni Daddy," sabi pa niya at pagkatapos ay tinapik naman ni Owen ang balikat niya bago naglakad paalis.

"Sige-sige, ingat ka."

May lalakarin kasi si Dimitri kaya hindi siya makasasabay umuwi kina Owen at Toto.

Nagpatuloy ulit sa paglalakad si Owen banda sa may school corridor sabay kapit sa mga strap ng kaniyang backpack. Pero hindi pa man siya nakalalayo at nakasalubong niya si Toto na parang si The Flash kung maglakad habang pinupunas ang noo ng puting good morning towel.

"Uy, 'To, hindi ka sasabay?" tanong ni Owen sa pinsan na inaayos pa ang suot na salamin.

"Hala, sorry, hindi pala ako sasabay sa inyo. May training pa kasi ako sa contest, e," medyo may pagmamadali sa sagot ni Toto sa pinsan niya. "Si Dimitri ba?" follow-up pa niya habang may sinisilip at hinahanap ang isa pa nilang kaibigan.

"Hindi din makakasabay 'yon. May pupuntahan daw sila," paliwanag naman ni Owen.

"Ay, gano'n ba?" Akmang may sasabihin pa si Toto pero may na-realize tuloy siya, "Wait...sige, una na 'ko. Hinahanap na 'ko ni Ma'am Pagcaliwagan."

"Sige! Uwi nang maaga, a?" pagpapaalala pa ni Owen sa pinsan bago sila maglakad sa opposite na directions.

Mukhang solo flight ngayon na uuwi si Owen. Napabuntong-hininga na lang siya bago maglakad papalabas ng gate.

Maliban kasi roon, wala rin naman siyang iintindihin pag-uwi maliban na lang sa matulog at maglaro ng DotA roon sa internet café malapit sa kanila mamayang hapon.

"Owen!" Pero habang papalakad malapit sa may gate, narinig niya ang kaniyang pangalan bago siya napalingon. May kung anong ngiti tuloy 'yong sumapi sa kaniya pagkakita kay Annika na papalapit.

Tanong ang bumungad kay Owen, "Pauwi ka na?"

"Oo, bakit?" sagot nitong si Owen sabay pagpag noong uniporme niyang tuluyang nakatanggal ang mga butones.

"Gutom na 'ko, e. Kain tayo sa labas." Biglang nagliwanag ang tingin ni Owen pagkarinig sa sinabi ni Annika.

"'Yon! Gusto ko 'yan." Siyempre, dala ng karupukan kaya pumayag nang walang pag-aalinlangan itong si Owen at saka na sabay na tinahak ang daan palabas ng school.

"Grabe, parang naalala ko 'yong scenario noon," komento ni Annika pagkalabas nila ng gate. Napatingin pa nga siya sa paligid kung saan naglipana ang iba't ibang food stalls at food carts sa gilid ng daan na dinudumog ng mga estudyante.

Biglang nagising ang ulirat ni Owen. "Oh, oo nga! Noong nagpaalam ka sa 'kin na aalis na kayo."

"'Di ba, nasa mini-Divisoria pa tayo noon sa may elementary noong nagpaalam ka sa 'kin na aalis na kayo noong Grade 3 pa lang tayo?" Si Owen ang unang nagkuwento ng lahat.

"Oo nga, tapos binilhan mo 'ko noon ng bracelet para remembrance," si Annika naman ang nagpatuloy.

May tuwa sa mukha ni Owen habang kinukuwento ni Annika iyon sa kaniya. Talagang naalala pa ng kababata niya ang lahat.

"Kaso nawala na yata 'yong bracelet, e..." Nahiya pa tuloy si Annika habang ishinare iyon. "Hindi ko alam pero baka tinapon ni Mama. Sorry."

"Hindi, okay lang 'yon!" pag-console ni Owen. Para sa kaniya, mas mahalaga na hindi nakalimot si Annika kahit na ilang taon na ang nakalilipas. Ang mahalaga kay Owen ay bumalik si Annika. Pero ang pinakamahalaga ay 'yong walang nagbago sa pagkakaibigan nila.

Seryoso pang napatingin si Owen kay Annika. "Pero thank you kasi nakabalik ka at hindi mo ako—este kami kinalimutan."

"Uy, ano ka ba? Drama nito." Marahan namang sinapak ni Annika ang kababata. "Excuse me lang, a? Ano tingin mo sa 'kin, may amnesia?" Natawa pa tuloy siya kay Owen.

"Sorry na kasi." Napabusangot pa tuloy si Owen.

Alam mo, gutom lang iyan. Let's go na kasi!" Niyaya na ni Annika ang kababata para makabili na ng makakain.

---

Nilalakad na nila ang daanan pauwi sa kanila nang matigilan si Annika pagkatapos humigop ng biniling melon shake. "Uy, Owen...may papakita pala ako," sabi pa niya at saka ipinahawak ang baso ng shake at plastic ng hamburger at saka niya inilabas ang cellphone.

Ipinakita naman ni Annika ang nasa screen kay Owen na ikinagulat niya ang nasa picture.

"Hala, naalala ko 'to! Foundation Day 'to, e," biglang bulalas ni Owen kay Annika sabay tingin sa picture nila noong bata pa sila. Pareho silang nakasuot ng puting t-shirt, pulang shorts, at kulay green na strips ng tela na ginawang bandana at armbands. Parehas pa naman silang magkaakbay sa picture.

"Tae, ang dugyot ko pa diyan," natatawang komento ni Owen habang ina-analyze pa ang picture.

"Liit-liit mo pa diyan. Parang magka-height lang tayo, tapos tingnan mo ngayon ang laki mo nang bulas." Sumagot naman si Annika sabay angat ng mga kamay na parang mine-measure ang height ni Owen.

Napangiti muli si Owen sabay kagat ng burger. Wala pa rin ngang nagbabago sa bungisngis na ngiti ni Annika na talagang ikinabagay niya.

Wala pa rin ngang nagbabago at si Annika pa rin ang inilalaman ng puso ni Owen. Kung ito na kaya ang tamang panahon para ipagpatuloy ang "magandang ugnayan" nilang dalawa, bahala na ang tadhana na magdikta noon para sa kanila.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon