SABI NILA, ang paaralan daw ang balwarte ng karunungan. Subalit sa isang banda, stress at sakit sa ulo naman ang dala ng lugar na iyon kung tatanungin ang magkaibigang sina Owen at Dimitri. Bakit pa nga naman kailangang mag-aral kung mamamatay rin naman sila?
Kung kailan last day na nila bilang mga third year high school students, sa araw pa na iyon ibinuhos sa mga mag-aaral ang ka-stress-an na dulot ng madugong pirmahan ng clearance. Pahirapan pa dahil daig pa ng The Amazing Race ang challenges sa clearance signing. Kung hindi legendary Pokémon ang mga teacher na mahirap hagilapin, may kung anu-ano pang tasks at requirements na pinapagawa sa mga estudyante para lang mapirmahan ang puting piraso ng papel.“Naks, e ’di ikaw na ang may kompletong pirma!” manghang sabi ni Dimitri sa kaibigan niyang si Toto. Kilala bilang sumusuot ng salaming may makapal na frame si Toto. Ipinakita kasi ng lalaki ang sariling clearance at saka pa ginusot ang parang bunot na buhok.
Nagmukha nang haggard si Dimitri sa sobrang stress kahahanap kay Sir Iglesia na teacher niya na pipirma sa huling espasyo ng nasa clearance. Inabot pa sila ng mga kaklase niya ng tanghali para lang magpa-sign sa mga teacher nila sa iba’t ibang asignatura.
Palibhasa, ulirang mag-aaral itong si Toto kaya kaagad itong natapos sa clearance signing. Kahit tapos na, hinintay na lang talaga nitong matapos silang dalawa ni Owen para sabay-sabay silang lumabas ng paaraalan.
“Nasa’n ba kasi ’yang Sir Iglesia na iyan at pinapahirapan tayo?” stressed at naiinis nang sabi ni Owen na kulang na lang ay sumabog na. Kanina pa ang lalaki gutom at hindi pa nakapagme-merienda at lunch dahil mas inuna pa ang obligasyong ito.
“Kapag natapos talaga ako rito, magdo-DotA na la—” Akmang magsasalita pa sana si Dimitri pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kanina pa hinahanap. Pumasok ang gurong iyon sa faculty room.
“Si Sir Iglesia!” sabay na bulalas ng dalawa at talagang tumakbo papunta sa faculty room.
“O, sige, good luck na lang sa inyo. Hintayin ko na lang kayo sa may shed,” sabi na lang ni Toto bago nila ito iwan ni Owen.
Pagdating nga sa faculty room ay para bang may blockbuster ng pelikula sa haba ng pila ng mga kasabayan nilang estudyante na magpapapirma rin. Kahit pagod man, pipila pa rin sila dahil huli na rin naman ito.
Inabot man sila ng ilang taon sa pagpila ay ito naman ang binungad sa kanila ni Sir Iglesia habang nakaupo sa cubicle nito: “Paano ko pipirmahan sa inyo ni Dimitri, e, bagsak ang grades n’yo sa ’kin?”
Nanlamig sa kinatatayuan sina Owen at Dimitri at hindi alam kung nagbibiro ba ang teacher nila sa narinig. Hindi nila alam kung alin ang paniniwalaan—’yong bagsak ba sila o ang hindi mapipirmahan ang clearance nila?
“Sir…” Nagsimula nang mag-panic si Owen. “Please naman, o. Pirmahan n’yo na po clearance namin.”
“Oo nga po, sir,” segunda naman ni Dimitri na halos magmakaawa at ngumawa na rin.
“Ayaw ko,” seryosong saad pa ni Sir Iglesia sabay taas ng kilay.
Napakamot na ng ulo si Owen na naging dahilan para magulo ang sideswept na kulay itim nitong buhok. Naging desperado na talaga ito kaya nag-drama na. “Sir, kahit ano po talaga, gagawin ko. Kakain po ba akong apoy? Ng buhay na manok? Ta-tumbling po ba ako sa alambre?”
BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Teen FictionTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...