XXXXIII

95 13 12
                                    

PANIBAGO lahat ng ito para kay Toto—ang konsepto ng “love”—at ang relasyon nila ni Paulo. Alam naman niya ang feeling na ito dahil sa mga nababasa niyang nobela at mga napanonood na mga pelikula at TV series pero noong siya na mismo ang nakararanas nito, para ba siyang naliligaw at nangangapa sa landas na ito.

Lalo na noong pinost pa ni Paulo sa Facebook ang status nila at marami pa ang mga kakilalang nag-congratulate.

Pagkatapos umamin ni Paulo sa may kapitolyo, mas naging malapit na ang dalawa na close na rin talaga simula’t sapul. Iyon ay kahit na pinanatili pa rin nilang lihim ang ugnayan nila at wala pang nakakaalam sa mga kakilala nila. Lalo na at nalalapit na ang final examination na mas pinagtuunan pa nila ng pansin.

“Wait…sure na ba talaga tayo dito?” may kabang tanong ni Toto
pagkababa nila ni Paulo ng traysikel sa tapat ng bahay nito. Maliban
sa madalas na pagtambay ni Toto sa bahay nina Paulo, espesyal ding
ang araw na ito dahil sa unang pagkakataon, aamin na ang dalawa kay Tita Milay.

Napahagikhik naman si Paulo sabay hawak sa magkabilang balikat
ni Toto. “Wow, Toto, change mind agad-agad? Akala ko ba, there’s
no turning back? Parang kahapon lang, sabi mo ready ka nang sabihin
kay Mommy na tayo na.”

Napayuko naman si Toto bago nagsalita pa, “Honestly, natatakot
pa rin ako.” Hindi maiwasan ni Toto na magkaroon ng anxiety na baka hindi matanggap ang relasyon nila ni Paulo. Nandoon pa rin ang kaba niya na hindi maipaliwanag; napakaraming “what-ifs” ang
bumabagabag pa rin sa kaniya.

“Toto, kay Mommy ko unang sinabing bakla ako two years ago.
Tinanggap niya ako at walang nagbago sa relationship naming dalawa since then. Tiwala lang, matutuwa pa iyon sa ’yo.”

“Basta kaya natin ’to, a?”

Napa-thumbs up pa si Toto. “Siyempre.”

Kailangan talagang magtiwala ni Toto sa ngayon ay kasintahan niya. Kahit mangapa man silang dalawa, alam niyang sabay nilang susuungin ang landas na ito nang magkasama.

---


Umalingawngaw ang katahimikan sa buong sala habang ilang dangkal
nga lang ang layo nina Toto at Paulo sa isa’t isa. Kanina pa nanlalamig
ang mga palad ni Toto habang seryoso pa silang tiningnan ni Tita Milay na nakaupo naman sa kabilang sofa.

Napakrus pa nga ng braso ang nanay ni Paulo bago binasag ang katahimikan, “Bakit kailangang nasa sala pa tayo? Anong mayroon,
mga boys?”

“’My…” Parang gusto na ring mag-backout ni Paulo ngayon din.

“Top one ka?” biglang tanong ni Tita Milay kay Paulo.

Bumusangot tuloy si Paulo sa nanay niya. Habang si Toto, wala pa ring imik. “Ma, next week pa lang ’yong exam namin.”

“Ay, gano’n ba? Ano ba kasi ’yan?”

Napausog na si Paulo kay Toto at saka niya ito inakbayan. “Si Toto po pala…”

Sumabat pa ulit si Tita Milay sa pagsasalita ng anak niya sabay
paypay ng kaniyang abaniko. “Naku, kilala ko na siya! Hi, Toto.”

“Mommy naman! Ganito kasi.” Napakamot pa ng ulo si Toto sa nanay niya bago nagpatuloy dahil ito na talaga. It’s now or never na talaga.

Hinawakan naman ni Paulo ang kamay ni Toto at sabay pa silang
nagkatinginan bago pa naglahad si Paulo, “Si Toto po pala, boyfriend
ko.”

Bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha ng nanay ni Paulo at tila ba nagsimula siyang manginig at napahawak ng bibig gamit ang
dalawang kamay.

Kaunti na lang talaga at mag-hysterical na rin ito bilang tugon niya na nagbigay ng ngiti sa dalawa.
“’Chosera ka naman, Anak. Akala ko, kung ano na.” Natigilan pa siya dahil halos patayin na siya ng kilig.

“Pero, uy, ’likayo ditong dalawa.” Niyaya pa niya ang dalawa na maupo sa tabi niya at saka niya niyakap ang mga ito at hinalikang isa-isa sa may bumbunan. “I’m so happy for you!”

Napatingin pa nga si Tita Milay kay Toto habang nakayakap pa ang anak niya, “’Yong totoo, paano ka ginayuma ng anak ko?”

“Ma!” pagre-react tuloy ni Paulo sabay sundot sa tagiliran.

“Joke lang!” Kinusot pa ni Tita Milay ang buhok ni Paulo.

Pagkatapos noon ay naging seryoso siya ulit. “Pero kayong dalawa, sinasabi ko sa inyo…wala akong karapatang ipagkait sa inyo ’yang
kung anong namamagitan sa inyong dalawa ngayon. Kung iyan ang
isinisigaw ng puso n’yo, push lang! Basta ang mahalaga, maging mabuti kayong tao lalo na sa ibang mga taong hirap makaunawa sa mga tulad n’yo. Love has no boundaries, ’di ba?”

Ngumiti pa si Toto sa mga sinabing iyon sa kanila. “Thank you po, Tita.” Tila ba may comfort ang mga pananalitang iyon sa kanila ni Tita Milay at talagang humupa ang takot at pag-aalinlangang
nararamdaman niya.

Naramdaman talaga ni Toto na hindi sila nag-iisa sa labang ito.

Niyakap niya muli sina Toto at Paulo. “Kiss ko nga kayo ulit.” At
saka hinalikan din sa mga bumbunan.

“Ikaw talagang bata ka, may boyfriend ka na nga, amoy araw ka
pa din!” biglang sermon pa tuloy niya kay Paulo at saka na lang sila
natawa pareho.

Salamat kay Tita Milay, nakaramdam lalo ng motivation si Toto na maging totoo sa sarili niya. Mas nagkaroon tuloy siya ng katatagan ng loob na ilahad ang totoo niyang nararamdaman.

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon