IV

310 20 2
                                    

SA WAKAS AY DUMATING din ang araw ng pasukan. Some people may love it. Some people will hate it, pero darating din ang araw na ito pagkatapos ng maikling panahon ng summer vacation na para bang isang kurap lang ang lumipas. Ang mahalaga, may reunion ulit kasama ang baon. Aminin, iba pa rin ang feeling na gigising nang maaga para subukan ang biniling makintab-kintab na sapatos pati na 'yong bag na sa amoy pa lang, alam nang bagong bili pa lang ito sa tindahan.

Alas-sais y media pa lang ng umaga ay kumpulan na ang mga estudyante sa may covered court ng Telacsan National High School para tingnan ang naka-post sa board na itinayo roon kung saan nakalagay ang listahan ng mga pangalan nila sa kung saan silang section naka-assign. Para bang 'yong dagsaan sa mga voting precint kapag araw ng eleksiyon.

Sabay namang pumasok sa loob ng gate sina Owen, Toto, at Dimitri kasabay rin ng iba pang mga estudyante dala-dala ang motivation at high hopes na pang-first day of school lang. Dahil sa mga susunod na araw niyan, kaiinisan na naman nila ulit ang pag-aaral.

Pagkatapos, dumeretso sila sa covered court para tingnan kung saang section sila nabibilang sa school year na ito.

List of Students (S.Y. 20142015)

IV–Diamond

4. Dalawangin, Restituto H. Jr.

"Uy, ano'ng section ka?" tanong pa ni Owen sa isa niyang kaklase habang nagtitingin-tingin sa listahan sa board.

Nakalulungkot din ito sa part ng tatlo kasi ito na ang last year nila ng pagiging high school students at sa susunod na taon ay college students na sila. Sila at ang mga ka-batch nila ang huling batch ng mga estudyante na sa ilalim ng lumang curriculum at ang mga susunod na sa kanilang batch next year ay 'yong mga nasa K-12 na.

List of Students (S.Y. 20142015)

IV–Pearl

7. Isagani, Dimitri C.

Kaya nagkaroon din ng adjustments at ginawa nang half-day ang klase para mapunan ang pangangailangan sa kulang-kulang na classrooms; 'yong mga Grade 7 at Fourth Year high school students ang sa morning session habang Grade 8 at Grade 9 naman ang pang-afternoon.

15. Tatlonghari, Owen D.

"Ay, wow, nasa star section ka na pala! Congratulations, Pards," sabi pa ni Dimitri sa isa nilang classmate na nalipat ngayon sa star section.

"Asensado na siya, o." Sumunod namang bumira si Owen at saka binatukan 'yong "ex" nila ngayon.

"Uy, may bago pala tayong classmate. Chicks kaya?" Narinig naman ni Owen ang pag-uusap ng dalawa pa niyang classmates sa likod. Mukhang may kata-transfer nga lang sa section nila.

Bigla naman siyang tinapik ni Lovely na isa pa niyang kaklase. "Owen... bumalik na pala si Annika?'

"Ha?" Napakunot naman ng noo si Owen.

Kaya napatingin siya sa list of students ng section nila at nakita ang isang pamilyar na pangalan na nakalista sa girls. Mañalac, Annika Kristyn F.

Lumakas ang kabog ng puso ni Owen nang mabasa ulit ang pangalang iyon. "Imposible, pero paano?" bulong pa niya sa sarili niya. Parang kailan lang, nandito pa siya noong last day ng klase nila.

"Owen, ano'ng ginagawa mo diyan? Para kang lutang," tanong tuloy ni Toto habang marahang tinulak ang pinsan.

Napatingin naman nang seryoso si Owen. "Dito na pala mag-aaral si Annika."

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon