NAG-FACEBOOK NA LANG si Owen sa kaniyang cellphone pagkagising pagkatapos matulog noong mga bandang hapon. Halatang kababangon lang niya sa hinihigaan dahil kinukusot pa niya ang kaniyang mata at gulo-gulo pa ang buhok niya.
Busy naman ang kuya niyang si Uno na gumagamit naman ng laptop habang nakaupo sa kama. Linggo naman daw kaya wala masiyadong ginagawa.
Pagkabukas at pagkabukas nga lang ng account ni Owen, saktong ito ang bumungad sa kaniya.
Annika Kristyn posted two photos.
Kay ganda ngang bungad sa hapon ang post na iyon. Ramdam nga rin ng binata ang enjoyment ng kaniyang kababata sa caption nito.
Thank you kay Dimitri sa food. Nabusog talaga ako. Yum yum yum!
Ni hindi nga makatingin nang diretso si Owen sa picture nina Annika na nakunan pa sa kusina nina Dimitri, pero nakita talaga niya kung gaano kalawak ang ngiti ni Annika sa mga photo na iyon.
"Ganito pala kaaliwalas 'yong mukha niya kapag kasama siya," sabi nga ni Owen sa isip niya at saka na lang siya nag-scroll sa news feed niya.
May magagawa pa ba siya kung ang tadhana mismo, silang dalawa ni Dimitri ang pinaglalapit? Kung may konsepto man ng star-crossed lovers, silang dalawa talaga ang perfect definition noon. Silang dalawa ang laging kinakantiyawan ng mga kaklase kesyo bagay raw sila.
May chemistry daw sina Dimitri at Annika. Samantalang geology ang mayroon kay Owen—parang nakabaon na lang sa kailaliman ng lupa ang nararamdaman. O kaya astronomy—dahil parang araw si Annika na kahit napakalapit, mahirap pa ring abutin.
Mapipigilan ba niya kung nahuhulog na ang kaibigan niya mismo kay Annika na mas matagal nang kilala at mas naunang nagustuhan ni Owen?
Pero tila wala talaga sa haba ng pagkakakilanlan sa isang tao ang magiging kahihinatnan ng lahat.
Napabitiw na lang ng buntong-hininga si Owen bago nagsulat ng post sa FB account niya. Kahit papaano naman, dito niya mailalabas nang paunti-unti ang nararamdaman niya.
Owen Tatlonghari:
May pag asa man ako sayo pero bakit malayo ka pa ding abutin?Alam niyang malaki ang tiyansa niya kay Annika pero mayroon talagang tao na mas deserving na magbigay ng feelings na iyon sa kababata niya. Siyempre, si Dimitri na talaga iyon.
Ano pa ba ang laban niya kay Dimitri? Hindi hamak na mas guwapo at mas mayaman ito. Hindi hamak na mas attractive ang mga lalaking simpatiko, gentleman, at magaling pang magluto. May binatbat nga ba si Owen?
Para kay Owen, handa man siyang sumuong sa giyera pero mas malaking advantage ang mayroon sa kalaban. Wala siyang panama sa malakas na sandata na mayroon ang kaibigan niya.
Pero hindi niya namalayan ang kung sino ang nag-chat sa kaniya sa gitna ng pag-i-i-scroll ng mga post.
Annika Kristyn:
Ano nanamang dinadrama mo jan ha???Lumakas ang kabog ng puso ni Owen at napabangon sa higaan nang mabasa ang message sa kaniya.
Owen Tatlonghari:
Wala lang yun quoted lang sa google yung pinost ko XD
Nagawa pa niyang magdahilan kahit na si Annika talaga ang tinutukoy niya sa post na iyon. Mukhang nakuha niya yata iyon sa palusot.com.Annika Kristyn:
Akala ko naman heartbroken ka. Drama mo owen LOLKung puwede lang talagang sabihin ang nararamdaman kay Annika, kanina pa niya ito isinigaw, pero mukhang missing-in-action ang tapang na iyon.
Nag-divert na nga lang si Owen ng usapan nila.
Owen Tatlonghari:
Damot nyo ni dimitri di kayo namimigayAnnika Kristyn:
Sayang nga di ka nakapunta :(Mukhang ginawa ang sad face emoji para bigyan ng false hopes itong si Owen.
Owen Tatlonghari:
Mukhang enjoy naman kayo ni Dimitri ehAkmang ise-se-send ni Owen ang message na iyon pero binura na lang niya. Kay tagal pa nga niyang nag-isip ng sasabihin kay Annika pero hindi niya mailabas kung ano ito.
Owen Tatlonghari:
Next tym nalang. Sama kami sa inyo ni TotoIyon na nga lang ni-reply ni Owen sa kababata.
Pero saktong umepal naman ang kuya niyang si Uno na nagpatugtog pa ng "Sa 'Yo" ng Silent Sanctuary. Hindi nga niya alam kung nananadya ba ang kuya niya o ano.
"Ano namang tugtugan 'yan, Kuya?" May pagkapakla nga 'yong komento ni Owen habang pinanliliitan ang mata ng kuya niya sabay tayo.
"Hala siya, nagsa-soundtrip ako rito, uy!" sagot pa nga ng kuya niya pero naglakad na lang si Owen palabas ng kuwarto.
Binelatan na lang ni Owen ang kuya niya bago tuluyang lumabas. "Wow, a? Ang galang."
Nagpunta na lang siya sa sala kung saan nanonood ng pelikula ang nanay niya sa TV. Umupo siya sa sofa at saka tumabi sa nanay niyang seryoso sa panonood.
Napasilip pa nga saglit si Owen sa pinanonood ng nanay niya. Ang eksena, nasa isang burol at katabi ng malaking puno ang dalawang karakter.
"Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Hanggang kaibigan na lang ba talaga tingin mo sa 'kin?"
"Bakit, Humberto?"
"Hindi mo ba alam, Gemmalyn? Hindi mo ba alam na may gusto ako sa 'yo? Ilang beses na akong nagbigay sa 'yo ng motibo ngunit hindi mo nga yata pansin."
"Humberto... bakit ngayon ka lang umamin sa akin? Sapagkat ako rin... matagal na kitang gusto pero tila langit at lupa ang namamagitan sa atin. Mayaman ka, pobre ako."
"Handa kong pagdugtungin ang langit at lupa para sa 'yo."
Napailing pa nga si Owen habang tinitingnan ang nanay niyang nagdadrama na sabay punas ng panyo sa ilong sa pinanonood.
Si Owen yata ang paboritong i-trip ng tadhana.
"Ma naman, palabas lang 'yan," nakangiwing komento ni Owen sa nanay niya sabay turo sa TV.
"E, siyempre... sa dami ng pinagdaanan nilang dalawa, nakamit nila 'yong true love." Nagpaliwanag pa nga ang nanay niya sa gitna ng paghikbi sabay punas pa ng panyo.
"Naku, ewan ko po sa inyo, Ma." Napailing na lang si Owen. "'Yan yata napapala n'yo sa kakapanood ng mga ganiyan."
Pero katawa-tawa pa ngang nagiging pang-teleserye ang buhay ni Owen—siya nga lang 'yong second lead o kaya sidekick ng bida na makakatuluyan ang leading lady na gusto rin ng side character na iyon.
Inaamin naman ni Owen na may pagka-torpe siya at wala nang balak sabihin ang nararamdaman kay Annika. Wala na nga siyang pag-asa dahil panigurado na mas may gusto ang kababata niya kay Dimitri. Mas gusto na lang ni Owen na panatilihin ang pagkakaibigan nila.
Mahirap nga talagang maging plastik at backstabber na kaibigan—'yong feeling na kaibigan ang tingin ni Owen kay Annika nang harapan pero may itinatago palang nararamdaman kapag talikuran.
-30-
BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Teen FictionTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...