XXIV

77 14 12
                                    

BUSY ITONG SI OWEN na kumakain ng spaghetti at lumpiang shanghai habang nakikipagkuwentuhan ang nanay niya sa nanay niya at ni Tita Anita habang nasa sala ng dating bahay ng lolo't lola nina Annika. Kahit na sarap na sarap siya sa pagkain ay para bang tinamaan ito ng hiya lalo na at padaan-daan si Annika na busy namang nag-e-entertain ng iba nilang bisita para sa birthday ng kaniyang papa.

"Rugo, Isa, binata na talaga 'yang anak mo," komento ni Tita Anita sabay tingin kay Owen. Habang ito namang binata ay napailing na lang sa chikahan nila.

"Oo nga, parang kailan lang mga gusgusing bata lang sila ni Annika, 'no?" sagot naman ng nanay ni Owen sabay inom ng orange juice sa baso. Mga bandang hapon na rin pero hindi pa ganoon karami ang bisita sa loob ng bahay.

"Atin neng girlfriend?" Napapintig tuloy ang tainga ni Owen sa narinig na tanong ni Tita Anita kung may girlfriend na ba ito. "Kay guwapong bata, e. Baka may pinopormahan na." Bigla pa nga siyang namula sa pagka-flatter sa mga komentong iyon sa kaniya ng nanay ni Annika.

May mga nanay talagang magagaling mambola.

"Hala, wala pa po...aral muna po." Napangiti na lang si Owen kahit medyo awkward na ang sitwasyon. Sino ba naman kasing hindi mabibigla kung ganiyan ang itatanong.

Napatingin na lang siya sa malayong direksiyon kung nasaan ni Annika sabay bulong ng "Kung sanang anak po n'yo na lang, okay na 'ko."

Habang patuloy sa pagkukuwentuhan ang magkumare at kumakain si Owen, umagaw sa atensiyon nila ang kadarating lang na bisita.

Pusturang-pustura habang nakasuot ng striped polo na may brown and white vertical stripes at super fitted jeans. Nakaalis din ang butones ng polo niya sa may bandang collar. Para bang may artistang dumating kaya nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng bahay.

"Dimitri, finally, dumating ka rin!" magiliw na bati ni Annika sa kaklase habang inalalayan ito sa may sala.

"Uy!" Binati naman ni Dimitri si Owen pagkalapit sa kaniya ay nakipag-abutan sila ng kamay. "Siklod pu." At saka naman nagmano sa mga nanay nina Owen at Annika.

Napaiwas naman ng tingin si Owen na para bang nabigla rin sa nangyari. Hindi niya inasahang iimbitahan din si Dimitri sa birthday celebration.

"Kita mo nga 'tong binatang 'to, kay guwapo."

"Naku, kung 'di mo alam, anak 'yan ni Konsiyal Dante."

"Ay, oo nga. Ay, ang laki na rin ng unico hijo niya, a?" Habang nag-uusap, patuloy na lang sa paglamon si Owen ng lumpiang shanghai.

"Happy birthday po, sir!" pagbati ni Dimitri sa tatay ni Annika pagkaabot sa regalo nito sa kaniya.

"'Nu ko. Maka-'sir' ka naman. Hindi naman ako teacher. Tito Rico na lang!" Kita ni Owen kung gaano magiliw na winelcome ni Tito Rico si Dimitri. 'Yong tipong mukhang kakakilala pa lang nila pero super close na nila sa isa't isa. "Pero thank you sa gift."

Medyo intimidated pa nga rin si Owen sa papa ni Annika pero bakit kaagad na nakasundo ito ni Dimitri?

"Wait, picture-an ko muna kayo." Tinutok ni Tito Rico ang camera sa kanilang dalawa at saka naman nag-pose para kuhanan sila.

"May boyfriend na din ba 'yang si Annika?" Na-divert naman ang atensiyon ni Owen sa nanay niya habang kausap si Tita Anita.

"Ay, wala, Mare," sagot ng nanay ni Annika. "Pero 'di naman namin nira-rush na magka-boyfriend si Annika. 'Yong hinihiling lang namin, sana 'yong piliin niya 'yong gentleman, may respeto, at saka 'yong for sure hindi siya lolokohin," patuloy pa niya habang tinitingnan si Dimitri sa harap nila kasama si Annika.

Nagbigay pa ng saloobin ang nanay ni Owen, "Kumare, choice naman ni Annika kung sino 'yong magugustuhan niya. Dalaga na rin 'yang anak mo. Biruin mo, ilang buwan na lang, kasabay na niyang magka-college sina Owen."

Akmang tatayo si Owen para tulungan si Annika sa pagse-serve ng mga juice nang naunahan siya ni Dimitri. "Ako na, Annika. Tulungan na kita diyan." Maginoo pa naman ang pag-approach ng kaniyang kaibigan sa kababata niya.

"Hala, huwag na. Bisita ka kaya rito kaya let me handle this," pagpipigil naman ni Annika.

Pero siyempre napa-insist naman si Dimitri. "Hindi, okay lang. Mukhang napapagod ka na, e."

"Naku, Dimitri, okay lang naman ako rito." Nakita ni Owen kung gaano kagiliw ang mga ngiti ni Annika sa kaibigan; na para bang may mga bituin sa mga mata nito. "Kaya ito, kumain ka na. Tikman mo 'yong spaghetti ni Mama, for sure magugustuhan mo siya."

"Ma, kuha po ulit akong pagkain," may katabangang pagpapaalam ni Owen bago tumayo sa table at saka lumapit sa mahabang table ng mga nakahanda.

"Owen, kain ka pa, a?" pag-aalok pa ni Annika habang nadi-distract si Owen sa matamis na ngiti nito—mas matamis pa sa mga kakanin at cake na nakalapag sa mesa.

"Oo nga, masarap ngang magluto si Tita. Kita mo, nakakadalawang balik na 'ko." Napangiti rin si Owen bago humarap sa mesa.

Ang una pa naman niyang tinarget ay 'yong lumpiang shanghai. Pero pagkakita niya sa bandehado ay kakakuha lang ng huling piraso ni Dimitri na sabay kagat pa rito.

"Ay, ubos na?" tanong ni Owen sa kaibigan.

Tinapik ni Dimitri ang balikat ng kaibigan sabay ngisi at ngumuguya pa ng lumpiang shanghai bago nagsalita, "Sorry, Owen. Last piece na 'yong nakuha ko, e."

Kahit naubusan, okay lang ito para kay Owen. Lumpia lang naman 'yan. May nauna na kaya wala siyang magagawa rito.

Ano nga ba talaga ang laban niya kay Dimitri kung ang tanging asset na mayroon siya ay ang mala-Alden Richards niyang dimple sa pisngi?

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon