"SINO NA 'YONG NEXT na isasabak ng group one at two?" tanong ng Trigonometry teacher ng IV-Diamond na si Ma'am Silverio habang pabalik na 'yong dalawang members na sumagot sa board. May activity kasi ngayon na tagisan sa pagsagot sa board ang dalawang grupo.
Ang leading group pa naman ngayon ay ang grupo nina Toto, lalo na at nandoon din ang alas kaya panigurado ay magiging sisiw lang ang labanan.
"Toto, ikaw na," sabi nitong kaklase niyang si Maxine sa kaniya kaya napatayo na si Toto at pinag-cheer ng mga ka-group niya.
Pagdating sa tapat ng blackboard ay napatingin siya sa magiging ka-match niya—siyempre, sino pa ba? E 'di si Paulo na napangiti pa sa kaniya habang seryoso lang siyang tumingin bilang ganti.
Napainat pa siya ng braso bago ibigay ng teacher ang tanong.
"Okay, Toto and Paulo, here's the question." May isang minuto lang sila para sagutin ang ibinigay na equation.
3sinθ + 2 = 1
3sinθ = -1
sinθ = ⅓
Singbilis ng kidlat na nag-isip si Toto at saka hinarurot ang chalk habang naririnig niya ang pag-cheer ng mga kaklase niya sa kaniya. Ganoon din, naririnig niya ang cheer ng kabilang group kay Paulo pero mas nag-focus siya sa ginagawa niya.
Wala pa ngang 20 seconds ay nabubuo na niya ang sagot. Madali lang naman kasing sagutin ang tanong...kung siya ang tatanungin.
Pero noong sinusulat na niya ang "2" sa 0.327ᴿ ay biglang napataas ng kamay si Paulo.
"Ma'am, tapos na po!" bulalas niya habang nagpatuloy si Toto sa pagsagot.
"Sige nga, Paulo." Chineck ni Ma'am Silverio kung tama ang sagot ni Paulo. Nakita rin ni Toto na parehas sila ng sagot.
"Paulo is correct! One point para sa group two." Kaya anong dismaya na lang ni Paulo sa nangyari. "Toto is correct also kaya lang naunahan siya ng kabilang group."
"Paano kaya ako naungusan ng isang 'yon?" bulong na lang niya sa sarili niya pagkaupo sa upuan habang pina-process ang mga nangyari na hindi niya matanggap.
"Sus, okay lang 'yan! Babawi tayo." Chineer na lang siya ng mga katabi niya habang tinitingnan niya si Toto na binigyan siya ng nakalolokong ngiti kaya napangitngit ang ngipin niya.
Pumapangit talaga ang araw ni Toto dahil kay Paulo.
Gawain na yata ni Paulo na mambuwisit sa kaniya. Mga recess noon at naglalakad si Toto para pumunta sa canteen. Napakaseryoso nga niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya nang biglang dumaan si Paulo na bigla na lang kinusot ang ulo nito na dahilan para mainis si Toto kaya napadamba na lang siya sa paglalakad at napasigaw sa kaniya habang tumatakbo.
"'DI MO BA ALAM 'YONG SALITANG PRIVACY?" Hindi na niya inalintana kung napatigil din 'yong mga naglalakad na estudyante sa corridor. Pagkatapos ay napapunas na lang siya ng panyo na nakasabit sa balikat niya sabay singhal.
Hindi naman kasi ito ang oras para makipaglaro at hindi siya nakikipagbiruan sa mga isip-batang katulad ni Paulo na walang ibang ginawa kung hindi pag-trip-an siya. Para kay Toto, hindi ito Wattpad story na siya ang laging target ng mga asungot.
"Matamaan ka sana ng meteorite o kaya mabagsakan ka sana ng paso sa ulo. Madapa ka rin sana." Kung ano na ring sumpa ang pinagsasasabi ni Toto sa sobrang inis.
Pero ang sabi nga naman nila, "Be careful what you wish for".
---
"O, bukas na lang, a?" paalala ni Toto kina Michelle at John na mga kasama niya sa student council bago habang papalabas sila ng faculty room para i-meet ang SSG adviser nilang si Ma'am Fabino. Sandali pa kasi silang mineet pagkatapos ng klase.
Pero bago pa umalis ang dalawa niyang kasama ay naabutan sila nina Owen at Dimitri na tumakbo papalapit sa kanila. Mukha nga ring seryoso ang hitsura nila.
"Bakit aligaga kayo?" tanong ni Toto habang hingal na hingal silang napahawak sa balikat nila.
"May nangyari daw sa labas," sagot ni Dimitri sa gitna ng paghingal niya.
"Huh? Bakit?" May halong pagtataka naman ang mukha ni Michelle.
"SI PAULO!" bulalas ni Owen na nagpa-panic na. Kaya dali-dali na rin silang kumaripas ng takbo para magpunta sa labas ng gate.
Pagdating sa labas ay nadatnan na nila ang kumpulan ng mga tao. Nandoon na rin 'yong guard ng school at ilang barangay officials na binabantayan ang nangyayari at pinananatili ang mga estudyante sa gilid.
Kaagad na napasugod sina Owen sa eksena at nakita ang isang tricycle na nakatigil sa daan.
Napatingin din sila sa ilalim at nakita ang katawan ni Paulo na nakahandusay sa semento—na walang malay—at nakatumba rin ang skateboard na gamit niya.
-30-

BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
TeenfikceTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...