XXXXIV

116 12 13
                                    

KAISA ni Owen ang mga halaman—ang punong sinisilungan niya—at ang mga tanawin na nakapalibot sa kaniya habang nakaupo siya sa lupa at nakatanaw sa malawak na palayan. Siyempre, dating gawi muli pagkatapos ng klase, iyon ay kahit bago na ang kaayusan.

May O1 x To2 x Dimi3 4ever pa silang nalalaman, masisira din pala ang samahan nila. Wala talagang forever.

Kung kailan nalalapit na ang araw ng graduation nila ay nag-iba pa ang kani-kanilang direksiyon. Ang sabi nila, sabay silang ga-graduate at tutuparin ang mga pangarap nila.

Ngayon lang talaga niya naramdaman ang pag-iisa na dati'y imposible lang niyang naranasan habang nasa tambay place siya. Buhat siguro na nasanay na siyang may kasama laging nagpupupunta rito para kumain ng tanghalian, mag-siesta, at maglaro. Kaya sadyang nakakapanibago lang sa kaniya ang lahat.

Tanging mga alaala ng nakalipas at katanungan ng kasalukuyan ang kapiling niya ngayon.

"Nasaan na nga ba ang samahan?" iyon ang katanungang bumabagabag sa kaniya pero mukhang wala na ring silbi ang lahat—wala na rin naman itong kapupuntahan.

Kaya ito na muna marahil ang huling pagkakataon na magpupunta sa lugar na ito si Owen. Saktong katatapos lang ng graduation practice nila kaya nagpunta siya rito sa may palayan. Panigurado ay mami-miss niya ang tambay place na nagsilibing kanlungan niya sa loob ng maraming taon; tanging mga alaala na lang—masaya man o masakit ang maiiwan lahat dito.

Habang patuloy na nagse-senti ay panay ang hagis ni Owen ng mga maliliit na bato palayo sa may damuhan at nag-isip-isip habang binabalot ng kalungkutan at katahimikan.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Pero sa gitna ng tahimik na paligid ay nakarinig siya ng boses—isang pamilya na boses na ngayon lang ulit niya narinig. Napatingin siya sa bandang likuran at nalaman agad kung sino ang lalaking iyon na kaagad ding umupo sa tabi niya sa ilalim ng puno.

"Sorry, a? Wala akong time makipag-usap." Nag-iba ang mood niya at para bang nasira ang araw niya nang makitang si Dimitri ang lalaking iyon. "Kung gusto mong gumawa ng gulo, no thank you," patuloy pa niya sabay pagsusuplado at iwas ng tingin sa dating kaibigan.

"Please naman, Owen, gusto lang kitang kausapin."

"Asa ka, manigas ka diyan!" pagmamatigas ni Owen.

"Owen, pakinggan mo naman ako, o!" Para kay Owen, sayang lang sa oras kung pakikinggan lang niya si Dimitri. Pagkatapos kasi ng lahat ng pangyayari, may lakas ng loob pa itong humarap sa kaniya.

Kulang na lang at mapakuyom ang kamao nito at baka may masabi pa siyang hindi maganda.

Pero hindi na nakatiis pa si Dimitri may mapuwersang sabihin, "Pa'no kung sabihin kong makikipag-break ako kay Annika?" Kaagad na napapintig ang tainga ni Owen at pinangunahan siya agad ng emosyon.

Napangitngit ang mga ngipin ni Owen at nagsimulang bumulusok sag alit habang hinigit niya ang kuwelyo sa unipormeng suot ni Dimitri, "Aba'y gago ka palang putanginamo! Naririnig mo ba sarili mo, ha!"

Kaagad na pumalag si Dimitri at sinigawan din si Owen. "Makinig ka muna, please! Sige na, pakinggan mo muna kasi ako!" Kaya mga ilang saglit lang, binitiwan siya agad ni Owen sa paghigit sa kuwelyo niya at saka na lang napasinghal sabay sandal sa katawan ng puno.

"Seryoso ako, okay? 'Di ko na talaga kayang makita si Annika na niloloko ko at pinasok ko sa sitwasyong hindi dapat siya nandito."

Nagpatuloy pa ang sabay-sabay ang pagbuhos ng emosyon ni Dimitri na pinaramdam talaga niya kay Owen, "Oo na, ako nang sumira sa samahan natin. Sinira ko lahat kasi sobrang insecure ako sa 'yo. Nakuha ko na din naman gusto ko kaya aanhin ko pa kayo?"

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon