XVIII

118 13 4
                                    

PAGKALABAS NI DIMITRI SA banyo ng kaniyang kuwarto ay pumunta siya sa kaniyang kama kung nasaan nakalapag ang uniporme niya at saka rin niya tiningnan ang cellphone niya na mukhang may kase-send lang na text message sa kaniya.

From: IV-Pearl Annika

Sana naging damit na lang ako...Para kahit minsan... itry mo kung bagay ako sayo

Good morning p s inyo
Ready na aq papunta school... see you na lang sa inyo!!!!

Bigla namang lumitaw ang ngiti ni Dimitri pagkabasa sa message ng kaklase kaya kahit pinupunasan pa ang sarili gamit ang towel, nag-reply na siya.

Aga aga uy!!!! Inuna mopa GM

Mga ilang sandali lang ay nag-reply rin siya.

From: IV-Pearl Annika
Wag ka nga!!! Ikaw yung laging nalelate no. Magready ka na

Oo na ito na nagbibihis na po

From: IV-Pearl Annika
Ok po. See you na lang mamaya

Hindi talaga maipaliwanag ni Dimitri ang nararamdaman kapag nakakausap si Annika. Para bang may dalang ray of sunshine ang presensiya nito sa buhay niya. Kaya siguro madali silang nagkasundo kahit ilang buwan pa lang silang magkakakilala.

Kaya dala-dala pa rin ni Dimitri ang positive energy na iyon habang kinuha na niya ang kaniyang backpack at lumabas na sa kuwarto niya para pumunta na sa eskuwelahan.

---

Magkasamang namimili sina Dimitri at Annika sa may isang supermarket sa Apalit noong mga bandang hapon pagkatapos ng klase nila. Iyon ay para sa ipe-prepare nila para sa TLE subject bukas. Si Dimitri na rin ang bahala sa recipe na gagawin nila lalo na at maalam talaga ito sa kusina. Clubhouse sandwich kasi ang gagawin nila.

Ang role ni Dimitri ay ang mamili ng kukuning ingredients habang si Annika naman ang nagtutulak ng maliit na push cart habang naglilibot sa loob ng supermarket.

"Gagamit din tayong Japanese mayonnaise kasi mas masarap siya sa sandwich," komento nitong si Dimitri habang kinuha 'yong maliit na bote ng mayonnaise na may kulay pulang takip at may baby doll na logo.

Wala namang ibang ginawa si Annika kung hindi ang tumango kahit na mukhang namomroblema na sa iaambag bukas. Napatingin pa siya sa mga item na nasa push cart: mga gulay, isang pack ng loaf bread, at saka ham at cheese na mamahalin.

Siyempre kahit i-divide sa bawat member ang gastos, malaki pa rin ang babayaran nila sa mahal ng ingredients.

"Dimitri." Kaya bigla na niya siyang in-approach habang naglalakad na sila papunta sa may baggage counter. "Ang mahal yata ng mga pinamili natin. Baka mamulubi kami ng mga ka-group natin sa ambagan. Sandwich lang naman gagawin natin, pero pang-handa sa piyesta naman 'yong gastos."

Sumagot din itong binata, "Well...okay lang na medyo mahal 'yong mga ingredients. Para sa 'kin kasi mas masarap 'yong pagkain kapag the best quality ang gagamitin sa recipe."

Nangatuwiran pa si Annika at saka pa nagpaliwanag, "Bakit, puwede mo pa rin namang mapasarap 'yong pagkain nang hindi maximized ang budget. Puwede naman tayong gumamit ng mga mas murang alternatives. Isa pa, nasa nagluluto din 'yan."

Kaya bigla namang napangiti si Dimitri sa sinabing iyon ni Annika sa kaniya. "Whoa, okay, okay, fine..." sabi pa niya sabay kamot ng ulo.

"Bibigay ka din pala," nakangising saad ni Annika.

Ilang segundo pang natahimik si Dimitri bago napabuntong-hininga sa desisyon niya. "Okay, oo na. Kung sa bagay, masarap din naman 'yong mga murang brands sa gagawin nating sandwich."

"Yes!" Kita ni Dimitri ang ngiting tagumpay ni Annika sa mukha niya bago sila bumalik at palitan ang ibang ingredients na nasa shopping cart nila. Wala, e. Ayaw talaga magpatalo ng kaklase niya.

"Alam mo, puwede ka nang magtayo ng restaurant. Ang dami mo talagang alam sa pagluluto," satsat ni Annika sabay subo ng isang piraso ng fries habang kaharap si Dimitri sa mesa. Pagkatapos mamili ng ingredients, nagdesisyon si Dimitri na manlibre sa Jollibee bilang pasalamat na rin sa pagsama sa kaniya. Buti na lang at hindi gaanong matao dahil hindi pa naman oras ng hapunan noong kumain sila.

Napasubo pa si Dimitri ng chocolate sundae bago siya sumagot, "Actually...mayro'n na kami sa Manila." Seryoso pa nga ang paraan ng pananalita niya.

Nanlaki pa mata ni Annika at para bang naistatuwa sa sinabing iyon sa kaniya. "Oh, talaga? Ang galing naman! Ikaw na talaga."

"Sus, katas lang ng hard work ni Mommy 'yon." Napakibit-balikat na lang si Dimitri sabay kagat ng Yum with TLC. Alam niya rin kasing malaking pressure ang pagpapatakbo ng isang restaurant.

"It really runs in the blood na, 'no?" pahayag pa ni Annika. Pagkatapos ay may pahabol pa nga siyang tanong at hindi talaga siya nag-alangan na tanungin ito sa kaharap niya, "Pero buti kahit ang yaman-yaman n'yo, tapos councilor pa tatay mo pero sa public school ka pa rin nag-aaral?"

Natahimik pa si Dimitri bago sumagot sa tanong na iyon sa kaniya. "Mas feel ko talaga sa school natin. Ewan ko...at saka wala din 'yan sa school. Kahit galing ka pa sa private or public, parehas lang naman tayong ga-graduate."

"Wow, lakas makasabi na equal 'yong mahal at 'yong magandang quality tapos biglang liko? Ano 'yon?" hindi makapaniwalang komento ni Annika na napataas pa ang kilay.

"Okay, okay. Oo na!" Sumuko na tuloy si Dimitri at talagang nabara siya sa sinabi ng kaklase. "At saka ayaw ko kasing iwan sina Owen at Toto kahit mga tukmol sila kung minsan...wait, madalas pala!"

Bigla siya ulit naging seryoso sa pagpapatuloy ng sinasabi niya, "Nag-promise din kaming tatlo sa isa't isa na sabay-sabay kaming ga-graduate tapos sabay rin kaming maghahanap ng university na pag-e-enroll-an sa college."

"Solid talaga friendship n'yong tatlo, 'no? Friendship goals talaga kayo," sagot naman ni Annika na para bang kinikilig habang nakakalahati na ang burger niya.

'Siyempre, super glue pinangdikit sa 'min," with pride pang sabi ni Dimitri kay Annika. Long lasting na talaga ang tibay ng samahan nilang tatlo.

"Kumusta naman sila as friends?"

"Si Toto, seryoso lagi 'yon sa buhay. Focused lagi 'yon sa pag-aaral niya. Mukhang balak yatang maging ermitanyo," natatawa pang pagpapaliwanag ni Dimitri.

Nagsalita pa si Annika, "Oo nga, mukhang ang dami niyang dyina-juggle na mga responsibilities. Tapos part pa siya ng student council. Kaya pa ba niya lahat 'yon?" Pagkatapos ay nagpatuloy pa siya, "Si Owen nga, wala pa ring 'pinagbago 'yon. Kung paano ko siya nakilala years ago, gano'n pa rin siya hanggang ngayon—mukhang mas pasaway nga lang siya ngayon."

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon pa ni Dimitri sabay pakita ng pang-toothpaste commercial niyang ngiti. "Mahilig talagang mandemonyo 'yon kahit kailan."

Nagpatuloy pa ang pamba-"backstab" ni Dimitri sa dalawa niyang kaibigan.

"Pero sweet! Suwerte talaga ng magiging girlfriend ng lalaking 'yon."

Natigilan at napag-isip-isip pa itong si Dimitri habang patuloy na kumakain sa mga binanggit ni Annika.

Totoo naman na maalalahanin at maginoo ang kaibigan niya kaya madali talaga itong makahahanap ng makakasama sa buhay. Lalo na at malalim din ang pinagsamahan nilang dalawa ni Annika noon pa kaya hindi niya iniaalis ang mga posibilidad.

Pero ang mahalaga ay 'yong ngayon na kasama niya si Annika.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon