BIYERNES NG GABI GINANAP ang coronation night para sa "Lakan at Lakambini ning Cabalen 2014" na ginanap sa event center ng Robinsons Starmills sa may Siyudad San Fernando. Mga saktong seven o'clock na rin nagsimula 'yong program kaya mas naging excited na ang lahat ng mga nanonood sa mga oras na iyon.
Kumpulan na ang mga tao na nagsisiksikan sa may space para sa mga audience, pero may mga nanonood din sa may rails ng second floor.
Nakaabang na rin ang cheering team na dedicated para kay Dimitri at sa partner nitong si Jane sa paglabas ng candidates mula sa backstage. Siyempre, kasama roon sina Owen at Toto na full support sa kaibigan nila since day one. Nandoon din sina Sean at iba pang mga classmate nina Owen at saka si Ate Judie para manood. Ang wala nga lang ay 'yong mga magulang ni Dimitri dahil lagi naman silang busy.
Medyo natagalan nga lang ang opening remarks kasi nagchikahan pa 'yong mga emcee.
"Siyempre, hindi na natin patatagalin pa, partner," ang sabi noong isang emcee na nakapuwesto sa gitna katabi ng co-emcee niya. "Here are the contestants for 'Lakan at Lakambini ning Cabalen 2014'!" At saka nagsabay pa silang dalawa.
Sa cue ng kantang "Ever After" ni Bonnie Bailey, nagsimula nang pumila, rumampa, at mag-formation ang mga candidate na galing sa iba't ibang lugar sa Pampanga at suot-suot ang kaniya-kaniya nilang costume. Kaya nagsimula nang maghiyawan ang mga tao. The crowd is getting wild.
Tumaas ang fever pitch noong lumabas na rin si Dimitri and Jane suot ang kanilang Ibong Adarna-inspired costume. Bumagay sa kaguwapuhan at kagandahan nila ang kanilang costume sa gabing iyon.
"GO, PAPI DIMITRI!" Sumigaw pa itong sina Owen, Toto, at Sean Habang itinataas 'yong tarpaulin na may picture ng ulo ni Dimiri na in-edit at dinkit sa topless picture ni Dingdong Dantes na naka-pose; may nakasulat pa nga ritong Dimdong Guantes. Binalandra pa nga nila 'yong tarpaulin habang rumarampa si Dimitri sa stage na todo ngiti pa habang nagpo-pose kasama si Jane habang may naka-clip na number 4 sa baywang nila.
Iba talaga ang karisma ni Dimitri sa stage kahit na para siyang si Moltres na Legendary Pokémon sa costume niya ngayon. Kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan sa semi-topless na ayos niya. Nakaayos din ang buhok niyang curtain cut na ngayon ay naka-laid-back. Hindi talaga maikakaila na may star factor ang isang 'to. At hindi rin posible na baka isang araw, makita siya sa TV na gumaganap sa mga commerical o kaya ay sa mga talent search pa nga.
Pagkatapos ng pagrampa, isa-isa nang nagpakilala ang candidates.
Mas nagtilian pa nga rin ang mga tao paglapit ni Dimitri sa microphone. Siya rin kasi ang isa sa mga matunog na posibleng makoronahan, lalo na at isa siya sa mga personal bet ng judges since pre-pageant.
"Mayap a bengi kekongan pu," panimula niya habang fina-flash ang shining, shimmering, splendid niyang ngipin. "I'm Dimitri Isagani, 16 years old, from the bountiful town of Macabebe, Pampanga!" Bilog na bilog ang boses niya habang nagsasalita sa mic. Machong-macho man pero nandoon pa rin ang finesse sa pagsasalita niya.
Proud pa nga itong si Toto lalo na at siya pa nagturo kay Dimitri kung paano sasagot at magsasalita sa pageant proper. Isa siya sa naging trainer niya.
Lumakas pa ang hiyawan ng mga tao kay Dimitri at umingay rin ang cheering team nina Owen at Toto at saka naman hinipan ni Sean ang laruang torotot niya.
Pagkatapos ng national costume portion, nagkaroon pa ng talent portion 2.0 kung saan sumayaw itong si Dimitri ng hip-hop.
Hindi man gaanong polished ang steps niya, pero bigay-todo pa rin siya sa pag-perform sa harap ng maraming tao. Push pa rin kahit hindi talaga niya forte ang sumayaw at para siyang awkward na kawayan sa stage (kahit na gusto na siyang itakwil ng dalawa niyang kaibigan sa pagkakalat niya sa stage).

BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Roman pour AdolescentsTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...