"OKAY CLASS, LET'S START the election of class officers." 'Yon ang pambungad ni Sir Sevilla habang nakatayo siya sa harap ng classroom.
Kahit second day na ng klase at petiks lang ang first day of school, dinedicate pa rin ng adviser ng IV-Pearl ang election ng class officers sa first period bago magkaroon ng discussion.
Siyempre, pinakahihintay rin ang pagkakataong 'to ng ibang mga estudyante para mamili ng ino-nominate at ibobotong sa tingin nila ay mamumuno sa kanila nang maayos—isa ito sa pinkamaagang porma ng pag-excersise ng tao sa karapatang mamili ng maninilbihan sa kanila. Kaya nakasalamin din sa inihalal nila ang magiging katayuan ng maliit na unit ng lipunang kinabibilangan.
Kaniyang taas naman ng kamay 'yong ibang mga estudyante sa kung sino'ng estudyante ang ino-nominate bilang class president. Pero sa bandang huli, si Lovely na since last year pa nasa posisyon ang binoto ng karamihan para maging class president.
"The position for being vice president is now open." Si Lovely na ngayon ang nag-initiate ng nomination. Nagtaasan ulit ng kamay 'yong ilang mga estudyante sa klase na may lakas ng loob sa ino-nominate nila.
Pero ang una niyang tinawag ay si Dimitri na alisto pa sa pagtaas ng kamay.
"I nominate Owen Tatlonghari for the position of vice president."
Sumama tuloy ang tingin ni Owen sa kaibigan niya na nag-peace sign pa sa kaniya. Parang nangangain pa nga ang mukha ni Owen. Expect na rin niya dahil may taglay talagang kalokohan ang kaibigan niyang 'yon.
"Magbabayad ka talagang loko ka," bulong na lang ni Owen sa sarili niya pagkatapos isulat ni Lovely ang pangalan niya sa blackboard.
Bale tatlo silang nominated bago isinara ang nomination. Noong nagsimula na ang botohan, hindi niya inasahan ang susunod na pangyayari.
Naging class vice president nang wala sa oras si Owen. Halos lahat kasi ng nasa populasyon ng IV-Pearl ay bumoto sa kaniya.
Napakamot pa siya ng ulo nang makita niyang nakataas din ang kamay ni Annika para bumoto sa kaniya. Bakas talaga sa mukha niya ang pagkayamot. Para tuloy siyang trinaydor sa mga oras na 'yon.
Mukhang sineryoso nga ang trip ni Dimitri. Talagang may malilintikan nito mamaya. Pero ang only choice na lang ni Owen ay tanggapin ang responsibilidad niya. Ang alam lang niya, spare ang class VP kapag wala ang class president. Wala rin naman siyang ibang gagawin.
As usual, si Dimitri pa rin ang nanalong escort ng section nila. Kahit huling hirit na nila bilang high school students, nasa kaniya pa rin napunta ang titulo.
"I nominate Annika Mañalac for the position of muse." Biglang namintig ang tainga ni Owen pagkarinig sa pangalang iyon habang nakaupo sa upuan niya at saka napatingin sa nagtaas ng kamay. Pasimple namang gumuhit ang ngiti sa kaniya. Hindi naman kasi maide-deny na may angking kagandahan itong si Annika.
Noong botohan na, hindi na siya nabigla pa noong marami rin silang nagtaas ng kamay para iboto siya. Wala na, na kay Annika na ang korona.
"Okay, may I call on our newly-elected class officers in front para i-present sila." Pagkatapos ng class elections ay pinatayo pa sila ni Sir Sevilla para daw magbigay ng message.
For sure, uulanin na naman ng walang-kamatayang message na "Hindi man ako perpekto, pero gagawin ko ang lahat ng buong makakaya ko para i-serve ang buong class natin" 'yong lahat ng sasabihin nila. Kahit pagbalik-baliktarin man ang sentence construction ay 'yon pa rin ang gusto nilang iparating.
Naghiyawan ang mga kaklase niya lalo na noong pinagdikit ni Sir Sevilla sina Dimitri at Annika. Daig pa ang fans day ng isang sikat na love team ang hiyawan at kantiyawan sa loob ng classroom. Siyempre, kailangan daw tingnan ang angking kagandahan at at kaguwapuhan ng muse at escort ng classroom nila.
Pasimple ring tumingin si Owen sa kanilang dalawa at isang bagay ang napagtanto niya sa mga oras na iyon: mukhang bagay nga sila. Hindi sila tao, hindi sila hayop, bagay sila.
-30-

BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Ficção AdolescenteTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...