UMAGANG-UMAGA, PAGBABASA ANG inaatupag ni Toto sa textbook niya para sa English dahil magkakaroon sila ng quiz mamaya kahit na iniinda ang ingay mula sa daldalan ng dalawa niyang kaklase sa harap na ang topic ay DotA. Lunes na Lunes, quiz na agad ang aatupagin nila sa subject na 'yon.
Nakalagay naman 'yong backpack niya sa katabing upuan na ilang araw nang bakante habang dinig ang tili ng katabi niya sa pagitan ng isang upuan na si Angeline habang nagbabasa ng isang Wattpad novel.
Dahil nakatiwangwang ang upuan sa tabi niya, isang linggo na rin niyang inilalagay ang bag niya rito. Matapos kasing lumabas ni Paulo mula sa ospital noong nakaraang linggo, wala na siyang balita sa kung nasaan na ang katabi. Wala na rin siyang pakialam na tanungin o alamin kung nasaan na siya.
In-abduct na ba siya ng aliens at dinala sa Planet Namek? Nakapasok siya sa pintuang lagusan papuntang Narnia? Wala na siyang alam.
Mas mabuti na iyon kaysa makita niya ulit ang asungot na palaging gumugulo sa kaniya; at least, tahimik ang mga nakalipas na araw niya.
Habang busy pa rin sa pagbabasa, nakarinig siya ng ingay mula sa mga kaklase. Maingay na nga ang buong classroom, dumagdag pa 'yong komosyon na nangyari.
"Uy, Paulo! Welcome back!"
Biglang napapihit ng leeg si Toto at nakita si Paulo na papalakad habang binabati siya ng mga kaklase nila na naka-cast ang kanang braso na may blue sling.
"Thank you!" Napangiti si Paulo habang kinakausap ng isa nilang classmate.
"Kumusta na condition mo?" pagtatanong pa ng isa nilang kaklaseng babae.
"Thank God naman, okay-okay na. Pero 'yong fracture lang talaga. Two months pa daw bago maalis," sagot pa ni Paulo sabay "flex" ng sementadong braso.
Napabalik sa pagbabasa si Toto, pero ilang saglit lang ay nakarinig ulit siya ng ingay—napalingon ulit siya at nakita ang mga bumagsak na libro ni Paulo na isa-isang pinulot ng mga kaklase niya. Pagkatapos ay inalalayan siya para makaupo.
"Uy, thank you." Kita sa hitsura ni Paulo na hindi siya komportable kaya napaiwas ulit ng tingin si Toto rito at itinuloy na lang ang pagbabasa.
"Ano siya, baby? Akala niya, kung sino na siyang star ng show. E 'di, siya nang center of attention," bulong pa ni Toto sabay marahang binagsak ang binabasang textbook.
"Good morning, Toto." Pagkalapit ni Paulo ay binati niya si Toto nang may ngiti—pero hindi kasingtingkad gaya noong bago pa siya naaksidente.
"Morning," mahinang sagot ni Toto na halos pabulong na lang sa sobrang hina. Pagkatapos ay nagpakita siya ng isang pilit na ngiti.
Nahirapan din si Paulo sa pag-upo lalo na at kailangang iangat ang nakasementong braso sa desk niya. Kasabay pa nga ang paggalaw ng upuan na pati inuupuan nina Toto ay naaapektuhan kaya nagsimula na ring mainis ang binata. Umaga pa lang, badtrip na rin ang bumungad sa kaniya.
Sunod-sunod din ang paglapit ng iba pa niyang mga kaklase para kumustahin siya. Aba'y dinaig pa ng artista si Paulo para lapitan.
"'Kala mo naman, parang ngayon lang nakakita ng may nakasementong braso," bulong pa niyang saad sa sobrang yamot.
Napailing si Paulo at saka nagtanong kay Toto, "May sinasabi ka?"
"A, wala...," pagpapalusot ni Toto nang hindi nag-a-eye contact. "Nagre-review ako sa English. May quiz kasi niyan mamaya."
"Gano'n ba? Dami n'yo na sigurong nagawa noong one week akong absent, 'no?" Bakas ang lungkot ni Paulo sabay yuko dahil marami talaga siyang nakaligtaan mula sa kaniyang pagka-absent.
"Uy, kausapin mo raw si Ma'am Baluyut. May ipapagawa daw siya sa 'yo once pumasok ka na," paalala pa ni Angeline sa kaniya.
Nagpatuloy pa ang daloy ng klase at nakikita ni Toto na nahihirapan itong si Paulo na makasabay. Hindi nga siya gaanong nagtataas ng kamay kapag may discussion pero ipinagkikibit-balikat na lang niya iyon at nakikinig na lang sa teacher nila.
Napapansin na lang talaga na hindi na gaanong makulit itong si Paulo hindi katulad noon. Nawala 'yong pagiging masiyahin at pagiging hyper niya at mas nangingibabaw ang pagiging tahimik niya at walang imik...at talagang naninibago si Toto roon.
Dapat nga, matuwa siya na nabawasan ang pagiging asungot ni Paulo, pero kahit nandiyan na ang katabi niya, mayroon pa ring kulang na talagang nakakapanibago. Hindi niya maipaliwanag kung ano ito.
"Huwag ka ngang malikot diyan. Nagle-lecture ako, o?" naiinis na satsat ni Toto sa katabi niya na kanina pa hirap na hirap sa pangangalkal ng gamit sa bag. Hirap na hirap din si Paulo na magsulat sa kaliwa niyang kamay kaya minsan ay nasasagi niya si Toto na nananahimik habang nagsusulat.
"Sorry," mahinang sabi ni Paulo sa kaniya na para bang nagu-guilty ito.
Nagpatuloy pa nga ang ganoong senaryo hanggang sa lumipas ang iba pang subjects kaya kaunti na lang at mapupuno na siya sa sobrang pagkairita. Parang mas gusto na lang niyang lumipat ng upuan kaysa sa makipagbardahan pa sa katabi niya. Wala na siyang lakas para gawin iyon.
Nasakto pa na nga na noong Mathematics period nila at may lecture ay nahirapan si Paulo sa pagkalkal ng bag at biglang natapon ang mga gamit nito sa sahig. Akmang pupulutin na ni Paulo ang mga gamit nang aksidenteng masagi nito ang katawan ni Toto gamit ang braso. Sunod-sunod nang nagiging iritado si Toto sa araw na ito at kaunti na lang at sasabog na siya.
Nayayamot na nga siya habang tinutulungan ni Angeline si Paulo sa pagkuha ng mga gamit.
Sa sobrang inis niya habang nagle-lecture ay kaagad niyang natapos ang pagsusulat habang napalayo ito nang kaunti at nagsulat na lang sa kandungan niya. Pagkatapos ay napasinghal siya at inisip ang susunod na gagawing hakbang.
Out of frustration, napapunas na lang siya ng pawis gamit ang bimpo na nakasabit sa balikat niya.
"O, balik mo na lang sa 'kin once matapos ka," sabi nito nang walang ekspresiyon sa tono nito sabay abot ng kulay green na notebook kay Paulo.
Para kay Toto, hindi charity ang ginawa niya—gusto lang niya talagang matahimik itong katabi niya para malubayan na siya Kaysa naman makita niyang nahihirapan ang katabi niya sa pagle-lecture.
"Hala...thank you." May bigla sa mga mata ni Paulo sa ginawang iyon ni Toto sa kaniya kaya hindi siya nag-alangang tanggapin ito.
Pero may napansin si Toto sa mga ngiti na iyon kay Paulo, na para bang naroon ang gratitude at may sincerity ito noong ibinigay ang notebook.
Siguro ay hindi naman pala masama ang tumulong sa iba kahit gaano pa kaasungot ang taong iyon.
-30-

BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Fiksi RemajaTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...