XVI

112 14 1
                                    

NAGLALARO SINA OWEN NG basketball sa may court na malapit sa may barangay hall noong mga bandang hapon. 5 vs. 5 ang naging laban at nasa team nina Owen sina Paulo at Arvie. Habang sa kabilang team naman ay kasama roon sina Drake at Franco. Habang naglalaro ay naroon naman si Toto na nakaupo sa may katabing bench at nababagot na nanonood sabay punas ng pawis gamit ang good morning towel na nakasabit sa balikat niya.

Habang tumatakbo si Owen at dini-dribble ang bola ay inihagis niya iyon kay Paulo para i-shoot sa ring. Naghahanap din siya ng tiyempo sa mga humaharang sa kanila mula sa kabilang team. Pero pagka-shoot pa lang ng bola ay naharang na ito at saka ipinasa kay Drake na siyang ishinoot sa ring ng team nina Owen. Isang point na tuloy ang lamang ng kabilang team. Napapito naman si Kuya Roger na referee nila noong oras na iyon.

Napayuko tuloy sa gitna si Paulo kasabay ng paghingal. Tumakbo naman si Owen papalapit kay Paulo bago nagsimula ulit 'yong match.

"Okay lang 'yan, Paulo!" pag-cheer up pa ni Owen sa ka-team at saka na sila nagpatuloy sa paglalaro.

Papababa na ang araw kaya hindi na gaanong dama ang init sa may basketball court. Alisto naman si Owen sa pagdakdak at paglampaso ng mga kasamang naglalaro mula sa kabilang team. Friendly match man pero kitang-kita naman ang mga galawan ni Owen na pang-PBA player; bonus na lang ang malatore niyang height. Nangibabaw rin ang liksi niya sa pag-agaw ng bola. Seryoso talaga siya at talagang wala siyang inuurungan.

Pero sa gitna ng paglalaro ay napalingon si Owen at nakita si Annika na kararating lang—pusturang-pustura sa suot niyang pink na blouse at purple na bulaklaking shorts. Nakaayos din ang mahaba at kulot niyang buhok ng red na headband.

"Go, Owen!" pasigaw na bungad ni Annika at saka siya naupo sa tabi ni Toto. Tila ba na-energize si Owen sa paglalaro kahit puno na siya ng enerhiya sa paglalaro. Pagdating talaga kay Annika, nag-iiba ang timpla ng katawan niya.

Napangiti naman si Owen sabay hawi ng pawisang buhok kay Annika bago tumuloy sa paglalaro. Siyempre, kailangang magpapogi. Siyempre, ito na ang oras para magpabida kay Annika.

Dikitan na ang laban sa pagitan ng dalawang team sa huling mga segundo ng laro. Walang gustong masapawan; lahat naglalamangan. Pero sa ngalan ni Annika, gagawin talaga ni Owen ang best niya kaya ibinuhos na niya ang lahat ng effort niya.

Pagkatakbo malapit sa ring ng kalaban ay kaagad nang inihagis ni Arvie ang bola at nasalo naman ni Owen. Pagkatapos ay napatalon naman si Owen kahit na nakaharang ang dalawang malatore niyang katunggali. Pero kaagad siyang sumirot at inihagis ang bola papunta sa ring.

Nagpagulong-gulong muna ang bola nang paikot sa hoop na para bang nang-aasar at matamang nakatingin hindi lang ang mga manlalaro kung hindi ang mga nanonood.

Pagkatapos mapagod sa paggulong ay kaagad itong bumagsak sa butas ng hoop—signal na nagsasabing nagwagi ang team nina Owen.

Napatalon sa tuwa si Owen at nakipag-high five sa mga teammate niya.

Pagka-whistle ni Kuya Rommel, nilapitan pa niya ang mga galing sa ibang team at saka binati.

"Wala, ang galing mo talaga, Owen!" Kinusot pa ni Drake ang ulo ni Owen.

"Wala yatang makakatalo sa MVP natin," komento naman ni Paulo.

Pero napatingin ulit si Owen sa direskyon nina Annika at sakto namang dumating si Dimitri na tumabi sa kababata niya. Saktong nagkatinginan pa sila at nagbatian kaya napaiwas tuloy ng tingin si Owen bago lumapit sa may bench.

"Good morning po, Congressman. Kung kailan tapos na 'yong game, ngayon ka pa lang lumitaw," bungad ni Owen kay Dimitri na nakasuot ng color brown at cream color na striped t-shirt.

"Oo na, sorry na kasi. Kakagising ko lang, e." Napakamot pa tuloy ng ulo si Dimitri habang nakatayo sa likod ng bench.

"Tulugin ka talaga," pang-aasar pa ni Toto pagkatalikod niya habang minamasahe ni Dimitri ang balikat niya.

"Hindi mo tuloy napanood si Owen, expert na expert ang moves," sabi pa ni Annika kay Dimitri. Habang si Owen, kausap ang ibang mga kalaro para magpaalam habang umiinom sa jug na pinahawak kay Toto.

"Sus, 'di mo ba alam magaling din 'tong si Dimitri noong naglalaro pa siya?" Umakbay naman si Owen kay Dimitri sabay kalmot sa ulo nito. Tiningnan pa tuloy siya ni Dimitri sabay ngiwi.

"Bakit 'di mo tinuloy?" tanong tuloy ni Annika nang may kuryosidad.

Sumagot naman si Dimitri, "Naging busy kasi. Tapos sumama pa 'yong commitments ko for pageants and modelling gigs."

"Pinagpalit niya kami sa pagpa-pageant niya," paningit pa ni Owen habang kausap si Annika. At saka naman siya siniko ni Dimitri.

"Uy, ano ba, gutom na 'ko!" Bigla namang sumingit si Toto sabay hawak sa tiyan niya.

Tinawanan naman siya ni Owen. "Patay-gutom ka talaga kahit kailan."

"Guys, tara, mag-fishball tayo." Napaturo na tuloy si Dimitri sa may cart ng fishball sa tapat ng court. "Libre ko."

"Naks, manlibre, o!" natuwang komento naman ni Annika na game sa trip ng tatlo.

"'Di, ako na!" pagpumilit pa ni Owen sabay pasimpleng tingin kay Annika. "Treat ko kayo kasi nanalo naman kami."

"Uy, palibre din!" Bigla namang sumingit si Paulo sa usapan kaya medyo umasim din ang mukha ni Toto habang nakakrus ang braso at nakaupo sa bench.

"Of course! Pero si Toto manlilibre sa 'yo." Napatingin pa siya kay Toto na nakabusangot na ang mukha. "'No, 'To?"

"S...sige ba? Tara na?" pagsang-ayon naman ni Dimitri bago sila nagsitayuan para bumili sa nagfi-fishball. Hindi na niya alintana ang gastos dahil gusto lang niya ay makitang masaya si Annika.

Habang tumutusok sa food cart, napansin ni Owen kung gaano kalapit sina Dimitri at Annika.

"Uy, ito masarap, Annika." Nakita niya kung gaano kalalim ang tingin ni Annika sa kaibigan niya habang nakasiksik sila sa isa't isa.

Nanguna man sa basketball sina Owen, mukhang naunahan naman siya ni Dimitri kay Annika.

Napasubo na lang tuloy siya ng chicken balls sabay lunok nang malaki.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon