PAGKATAPOS NG KLASE, DERETSO agad ang tatlong magkakaibigan sa usual na tambayan nila para doon mag-lunch habang nasa ilalim ng puno ng acacia at dinaramdam ang simoy ng hangin. Wala pa naman gaanong nagagawa sa eskuwelahan kasi first day pa lang naman ng klase kaya nagpa-orientation lang 'yong ibang teachers.
Pero kanina pa napapansin ng dalawa na parang lutang itong si Owen na nakatulala lang habang pinagmamasdan ang palayan.
Siniko ni Toto si Owen habang nakaupo sila sa damuhan. "Uy, kanina ka pa wala sa sarili diyan." 'Yong pinsan niya tuloy ang nakapansin na para bang wala sa sarili itong si Owen. Kaninang paglabas pa sa eskuwelahan ay para bang may nililungunan siya.
Natatawa pa namang sumunod si Dimitri. "Paano, mukhang naengkanto."
"B*gok!" Napabusangot sabay iling na lang si Owen sabay subo ng kanin. Mukhang nako-corner siya ng mga kaibigan niya.
Tinuloy pa ng dalawa ang pang-aasar kay Owen, "Mukhang napunta na sa ibang mundo isip niya."
Napatingin pa si Dimitri kay Toto at bumirada pa. "O baka naman mundo niya pala 'yong naiisip niya." Natawa tuloy si Toto sa banat niya.
E, ito namang si Owen, malapit nang mamula sa inis sa dalawa. Kung puwede lang na ipukpok ang hawak niyang kutsara, nagawa na niya.
"Kung si Annika man 'yan, mamaya mo na lang isipin." Nagpaalala pa itong si Toto sa pinsan habang inaakbayan siya.
Napayuko sabay buntong-hininga naman si Owen at nag-explain, "Hindi ko naman kasi in-expect na babalik dito si Annika, e. Parang wala naman siyang pasabi."
Sumagot naman itong si Dimitri sabay akbay kay Owen, "Bakit, may magnanakaw bang nagpasabi na pupunta siya sa bahay n'yo para magnakaw?"
"So, ano, matutuloy na ba ang 'naudlot n'yong pag-iibigan'?" pagtatanong pa ni Owen sabay taas ng dalawang kamay at nagporma ng quotation marks sa tig-dalawang daliri. "Florante at Laura lang? Ang corny n'yo ever since." Bigla pa nga siyang naasiwa.
Hindi naman makasagot nang maayos si Owen na para bang pinoproseso pa rin ang mga nangyari magmula kanina.
Gaano nga ba kahirap kalimutan ang first love? Palibhasa, ibang impact talaga ang dala ng first love sa buhay ng tao. Corny nga kung iisipin, pero para kay Owen, parang isinulat gamit ang permanent marker ang memories niya kay Annika. Permanent nga kasi. Mahirap kalimutan kahit ilang taon pa ang nakalipas. Mas naging espesyal pa nga siya para sa kaniya si Annika kasi sa naging connection nila sa isa't isa. Bata pa lang sila noon kaya hindi pa gaanong naiintindihan ni Owen ang lahat. Pero ang nasa isip niya, mahalaga si Annika."
"Lilipat na pala kami sa Angeles, Wewen." Naalala pa ni Owen ang balitang iyon kay Annika. Palabas pa lang sila ng classroom noon. Last day rin ng pagiging Grade 3 students nila.
"'Di ka na dito mag-aaral?" Bakas noon ang lungkot kay Owen pagkatapos niyang marinig 'yon. Hindi niya aakalaing iyon na ang huling taon na magkakaklase sila.
"Hindi na daw, e, sabi ng mama ko."
"Pero friends pa rin tayo, a?"
"Siyempre naman, Wewen. Ikaw pa din bespren ko."
Habang nasa labas na sila ng gate, napadaan pa sila sa mini-tiangge sa harap ng school. Kada hapon kasi, nagsusulputan ang iba't ibang paninda katulad ng mga laruan, teks, jolen, at iba pang mga burloloy. May mga nagtitinda na rin ng iba't ibang street foods.
"Uy, diyan ka lang, a? May bibilhin lang ako." Napatigil pa sila sa paglalakad at saka naman umalis saglit si Owen.
Mga ilang sandali lang, bumalik na siya na may dala-dalang bracelet na goma na binili niya sa isa sa mga nagtitinda. "Charan! Bracelet. Gift ko sa 'yo bago ka umalis. Para hindi mo 'ko malimutan." Siya pa mismo ang nagsuot ng bracelet sa kamay ni Annika.
"Uy, thank you." Tinapik pa niya balikat ni Owen kasabay ng pagngiti niya. "Promise ko sa 'yo, babalik ako rito."
Ilang taon ding pinanghawakan ni Owen ang pangakong iyon sa kababata niya. Pero hindi naman niya aakalaing ilang taon pa bago siya makabalik.
"'Di ko pa alam. Parang ang aga-aga pa para mag-conclude." Nagpatuloy pa sa pagiging seryoso itong si Owen. Nawala tuloy 'yong kilala nilang Owen at mukhang napalitan ng ibang tao.
Ngayong nakabalik na si Annika, ano naman ang susunod? Para kay Owen, masiyado pang maaga para mag-isip. Hindi pa kasi ito ang tamang oras at marami pa ang puwedeng mangyari.
"Ikaw naman, Toto, kumusta first day mo?" si Toto naman ang tinanong ni Dimitri. Mukhang na-divert na rin ang usapan nila.
"Okay lang..." Napataas naman ng dalawang balikat si Toto bago sumubo ng ulam. "Mabait naman adviser namin, si Ma'am Baluyut. Siya rin teacher n'yo niyan sa AP."
"Kumusta naman si Paulo?" Sa tanong ni Owen ay para bang nag-iba tuloy ang ihip ng hangin ni Toto noong marinig ang pangalang iyon.
"Diyos ko, ang ingay no'n!" bulalas niya tuloy at para bang inilabas ang naipon niyang sama ng loob. "Malas ko nga, e, ako 'yong nakatabi niya." Napadaldal tuloy si Toto.
Allergic talaga si Toto sa anumang ingay ng mga nakakatabi niya. Mukhang puwede na ngang maging siyang Prefect of Discipline sa asta niya. Okay lang naman kung itong dalawang kaibigan niya; nagagawa pa niya silang tiisin. Pero ibang kaso na ang sa ibang tao katulad ni Paulo.
"Daig pa congressman, parang kilala niya agad buong klase namin." Napabuga pa tuloy siya ng hangin.
"Sus, gano'n talaga 'yon, balak yatang maging politico," pagpapaliwanag pa ni Dimitri pero nagpatuloy pa nga ang pagbusangot ni Toto sabay ayos ng salamin.
"Masasanay ka rin do'n. Pero mabait naman 'yang si Paulo." Binigyan pa ng assurance ni Owen ang pinsan niya kahit na hindi pa rin siya kumbinsido
Ang bottomline talaga, naiirita si Toto sa ingay ng bago niyang katabi sa classroom.
-30-
BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Novela JuvenilTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...