NAME A SCAM: CRUSH lang naman—walang deeper feelings, pawang pure infatuation lang-iyan ang pinipilit na ikondisyon sa utak ni Toto sa nararamdaman niya kay Paulo dahil alam niyang in the first place, wala itong pag-asa sa kaniya. Mas okay pang i-prioritize muna niya ang pag-aaral lalo na at ilang buwan na lang at graduation na nila sa high school.
Pero mahilig talagang manabotahe ang puso sa plano ng utak. Sa paglipas ng mga araw ay mas lumalalim pa ang feelings ni Toto sa asungot na kaibigan. Para tuloy siyang si Icarus sa isa sa mga kuwentong tinalakay nila sa English class at si Paulo naman ang araw-kung kailan palapit nang palapit ay tumataas din ang tsansang mahulog ito sa kaniya.
As usual ay nakatambay muli si Toto sa bahay nina Paulo para tumulong naman sa project para sa poster na ipapasa sa Physics. Pero nasa sala sila ngayon at may kung ano'ng kinakabit si Paulo sa malaking flat screen TV nila habang malaya nang naigagalaw ang kaniyang mga braso. Sila lang dalawa ang nasa loob ng bahay dahil umalis sina Tita Milay at mukhang may inasikaso sa may San Fernando.
"Ano'ng gusto mong panoorin?" tanong ni Paulo habang kinokonekta ang kable ng kaniyang laptop sa TV. Mukhang mas inuna pa nila ang pag-movie marathon kaysa sa project na ginagawa nila. Weekend naman daw kaya ayos lang na mag-relax.
Napaisip naman si Toto bago nagbigay ng sagot niya habang nakaupo sa may sofa nila. "E, kung horror kaya?"
Napatingin naman si Paulo sabay ngiti. "Sige! Game. Marami akong mga horror movies dito."
Napaiwas naman ng tingin si Toto dahil ayaw niyang nakikita ang mga ngiting iyon ni Paulo. May allergy talaga siya sa mga ngiting iyon.
"Aba, matapang, a?" komento pa ni Toto sabay krus ng mga braso.
"Siyempre!" with confidence pang saad ni Paulo sabay higpit ng kamao. "Mukhang maganda 'Insidious'," patuloy pa niya sabay click ng file sa laptop.
Pagkatapos ay umupo pa ito sa tabi ni Toto. At saka naman ito dumistansiya nang ilang dangkal at nag-focus na lang sa panonood.
Nako-conscious talaga si Toto sa ganitong set-up at nakararamdam siya ng awkwardness kapag tinititigan siya ni Paulo. Kung puwede lang na i-shut down ang utak niya dahil patuloy siyang ginugulo nito.
Hirap na hirap na nga siya sa pag-focus sa panonood, kinukulit pa siya ng asungot. Hindi naman por que cute ang ngiti niya at may resemblance siya kay Enrique Gil ay may karapatan na itong manggulo sa utak ng may utak.
---
"MOMMY!" kanina pa sigaw nang sigaw itong si Paulo habang wala pa sa kalagitnaan ang pinanonood nilang movie. Kanina pa nga siya pinagtitinginan ni Toto na nakabugnot na lang ang mukha sa pinaggagagawa ng kasama niya.
"Akala ko, gusto mo ng mga horror movies?" komento na lang ni Toto na napailing. Sa kabaliktaran, mukhang immune naman si Toto sa anumang panakot. Kung tutuusin, simpleng jumpscare lang naman ang eksena.
"Favorite kong manood kapag nakapikit!" bulalas pa ni Paulo nang pasigaw habang nakapikit ang mga mata.
"Lakas-lakas mong mag-ayang manood ng horror, tapos matatakutin ka din pala." Hindi tuloy alam ni Toto ang ire-react. Hindi nga niya alam kung katawa-tawa ba o kaawa-awa ang reaction na iyon ni Paulo.
"Wait, wala na ba?" tanong pa ni Paulo sabay bukas ng isang mata.
"Wala na, uy!"
"Wala na—MOMMY KO!" Napakapit pa itong si Paulo sa braso ni Toto sabay siksik pa ng mukha. Nararamdaman pa nga niya ang pangnging nito sa takot.
Iritang-irita na nga si Toto sa higpit ng kapit nitong kasama niya. Pero mukhang nakararamdam pa nga siya ng kung anong kuryenteng dumampi sa balat niya sa mga kamay na iyon. Para bang may kung anong voltage na dumaloy sa buong katawan niya. Late na ring nadama ni Toto ang paglakas ng kabog ng puso at pamumula ng mukha niya, pero nanatili pa rin ito sa composure niya.
Kaagad na kumawala sa kapit si Paulo at saka seryosong tiningnan si Toto. "Hala, sorry!"
Hindi na lang umimik si Toto at nanahimik na lang. Hindi niya talaga maintindihan ang trip ng kaibigan niyang ito kaya mas naguguluhan siya sa intensiyon nito sa kaniya. Mahirap talagang basahin ang utak ni Paulo.
"Jusko, ayaw ko na ng horror!" Kaagad na nagpunta sa lamesita si Paulo para ilipat ang pinanonood nila.
"Mag-cartoons na lang tayo. Gusto mong 'Frozen'?" tanong pa ni Paulo kay Toto.
"'Frozen' na naman?" may pagkaumay na tanong ni Toto. Magmula pa kasi last year, nakailang beses na niyang pinanood 'yong movie at nagsawa na rin siya sa kapapakinig ng "Let It Go".
"Sige na nga." Napabuntong-hininga na lang si Toto sa trip ni Paulo. E, ang tanging purpose lang niya ay makisabay sa agos.
Pero habang nagsisimula ang pelikula ay nag-ring ang cellphone ni Toto na signal na nakatanggap siya ng text message. Natigil siya sa panonood at binasa ang message.
From: Owen
Uy busy kaba? Tra bike tayo mayang hapon
Napayuko si Toto at hindi alam ang isasagot. Heto siya at hindi naman busy at may time, pero na kina Paulo naman siya. Nakaramdam tuloy siya ng pagiging guilty dahil hindi na ito sumasama kina Owen. Mukhang napapalayo na siya sa dalawa niyang kaibigan ngayong naging mas malapit na sila ni Paulo.
Pero ano pang silbi ng pagsama niya kung nakikita niya ang mga malalaking pagbabago sa kanilang tatlo?
-30-

BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Teen FictionTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...