XIII

141 14 0
                                    

PAGKAPASOK SA kuwarto, kaagad na lumundag si Dimitri at humilata sa kaniyang kama habang itinapat ang remote control para sumindi ang mounted ceiling air conditioner.

Sobrang sakit kasi ng katawan niya dulot ng pagbubuhat ng weights sa gym. Parang nanibago kasi ulit ang katawan niya lalo na at isang buwan siyang hindi nagdyi-gym.

Kahit kumikirot at namamanhid ang braso, in-open muna niya ang kaniyang cellphone para mag-send ng group message sa mga kaklase at katropa niya.

there's only 1 thing 2 say 3 words 4 u

i love u

helow jgh frm gym... pagod much hehehe

First time niya ring magte-text kay Amnika na kakukuha lang niya ng cellphone number.

Ilang minuto pagka-send ng message, nakatanggap siya ng reply kay Annika. Mukhang na-curious sa kung sino ang nag-text sa kaniya.

From: IV-Pearl Annika

Cno po sila?

Dimitri p 2

From: IV-Pearl Annika

OH! San mo nkuha # q?

Syempre kay owen hehehe


From: IV-Pearl Annika

Gnun ba? Pero rest well po hehehe

Sumilay ang ngiti ni Dimitri habang nakahilata sa kama pagkabasa ng reply na iyon ni Annika. Ang ikinatuwa niya ay ang pagiging concerned nito sa kaniya. Kaya agad-agad itong nag-reply.

From: IV-Pearl Annika

Witty pla ng GM moh hahahahaha

Medyoawkward nga lang ang naging daloy ng conversation sa text. Isama pa 'yong hindisila gaanong nag-uusap sa klase maliban na lang sa ilang pagkakataon katulad nalang ng kapag may groupings. Pero alam ni Dimitri na magaang kausap itong siAnnika.

Lyrics ksi yun. knta ng plain white t's

From: IV-Pearl Annika

Sge pkinggan ko tnk u

Napasarap tuloy ang usapan nila habang nakahiga lang itong si Dimitri sa kama niya. 'Di bale naman daw kasi naka-unli-text naman siya.

Nagpatuloy pa nga ang kuwentuhan nila kahit iniinda pa rin ni Dimitri ang sakit ng braso. Hanggang sa pagkain ng merienda na inihanda ni Ate Judie ay nakaharap pa rin sa cellphone itong si Dimitri at nakatutok sa screen at tuloy-tuloy lang sa pagta-type ng text message.

From: IV-Pearl Annika
Hala angganda nga <3
thank you 4 recommending hehehe

Sus basta ikw :)

From: IV-Pearl Annika
Gusto m b ng date? Tingin k sa kalendaryo marami dun

Hello gud aftie p

Tnk u pala kay Dimitri, naptwa niya aq hehehehe :>

Napangiti ulit si Dimitri sa GM na iyon na sinend ni Annika. Hindi na niya alintana ang pagod na nararamdaman kung may ibang tao na sa simpleng paraan ay nagawa niyang mapasaya—at iyon ang mahalaga para sa kaniya.

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon