XXVII

77 14 7
                                    

INILIBOT NI ANNIKA ANG sarili niya sa buong kusina ng bahay nina Dimitri habang ibinaba 'yong mga pinamili nila sa supermarket sa may bayan.

Hindi naman kasi in-expect ni Annika na napakaganda ng arrangement sa kusina na para bang pang-cooking show na ang style nito.

"Ang bongga naman ng mga gamit mo, mukhang mamahalin," bungad ni Annika habang napatingin sa mga nakahilerang kitchen utensils at mga kung ano pang gamit sa kusuna. Mula sa mga pan at kutsilyo, napaka-high quality na talaga ng pagkakagawa. Isama pa 'yong iba pang mga kitchen equipment gaya ng blender at stand-in mixer na nakaayos sa may counter.

"Mga gamit talaga ni Mommy 'yan, tapos ako lagi gumagamit," komento pa ni Dimitri habang inilalabas 'yong ibang raw ingredients at saka inilagay sa may lababo.

"Siyempre, kaysa naman naka-steady lang sila, 'no?" sagot naman ni Annika sa sinabing iyon ni Dimitri. "In fairness talaga, lakas maka-Masterchef ng kusina n'yo," patuloy pa niya sabay hawi ng kulot niyang buhok.

"Sayang, wala sina Owen, 'no?" pahabol pa niya. Napakunot ng noo si Dimitri nang marinig ang pangalan ni Owen mula sa kaklase.

"Mukhang siya talaga ang hanap, a?" bulong ni Dimitri sa sarili niya.

"Okay lang 'yon." Ngumiti na lang si Dimitri. Dapat talaga ay sasama sina Owen at Toto ngayon sa bahay nila pero may ibang lakad ang magpinsan; nagpunta kasi sila sa burol ng isa sa mga kamag-anak nilang namatayan sa may Caloocan ngayong araw.

"Baka ubusin nga niya 'yong niluto ko, kung sakali. Masisiba pa naman sila ni Toto," pabiro na lang niyang sagot habang patuloy na inilalabas ang supot ng iba pang ingredients.

Tumulong din si Annika sa pag-aayos. "Ikaw, a, bina-backstab mo mga friends mo. Sumbong kaya kita?"

Kung alam lang ni Annika kung gaano kagulo ang kusina kapag nandoon ang dalawa. May pagkakataon ngang muntikan nang magkasunog dahil nagprito lang ng itlog si Toto.

Nako-conscious man si Dimitri lalo na at nasa bahay niya si Annika, masaya na rin naman siyang ipagluluto niya ang isa sa mga espesyal na tao sa buhay niya. Magagawa kayang mag-focus ni Dimitri sa gagawin niya nito?

Pero sa gitna ng pagre-ready sa may counter ay biglang sumulpot ang alagang Siberian husky ni Dimitri at nag-abang sa harap nila.

"Vladimir!" pagtawag ni Dimitri sa aso niya na hindi man lang niya mahawakan kasi nga basa ito. Bigla namang nagningning ang mga mata ni Annika pagkakita sa aso at saka siya kaagad lumapit. Hindi talaga matumbasan ang saya ni Dimitri pagkakita sa mukha ng kaklase.

"Aw, ang cute naman ng aso mo." Napa-react pa nga si Annika pagkakita kay Vladimir na kanina pa siya tinitingnan. Pagkatapos ay hinimas ni Annika ang ulo nito.

"Mana sa amo, e." Nagawa pang magbiro ni Dimitri at saka naman siya inirapan ni Annika. "Joke lang, uy!" pambawi na lang niya.

Napahanga pa si Dimitri dahil mukhang kaagad na napalapit ang alaga niyang aso kay Annika. "Uy, ang bait niya agad sa 'yo."

"Oo nga, e. Puwede iuwi ko na siya?" sabi pa ni Annika habang nakaluhod at kinukurot-kurot pa ang pisngi ni Vladimir. Mukhang komportable pa nga ang aso sa kamay ni Annika.

"Sige ba. Isa din 'yang matakaw, e." Natigilan pa saglit si Dimitri at saka kiniskis ang dalawang palad habang nagsusuot ng kulay blue na apron na may design ng paw print sa gitna. "Oo nga pala, mag-start na tayong magluto."

Napatayo na nga si Annika at saka naghugas ulit ng kamay. "Yes, excited na 'ko, Chef," sabik na sabi pa ni Annika bago sila magsimula.

"Okay, for today, we'll be cooking buffalo chicken wings and tuna pesto pasta." Nagkunwari pang may British accent itong si Dimitri na mukhang ginagaya pati na ang asta ni Gordon Ramsay.

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon