XIX

115 11 1
                                    

PALAKAD-LAKAD NA NAGDI-discuss si Sir Adolfo Sevilla, ang class adviser ng section nina Owen sa lesson nila ngayon sa Physics. Sa totoo lang ay circuits ang topic ngayon pero tungkol sa experience niya noong nagtrabaho siya sa isang fast food establishment naman bigla-biglang na-divert ang usapan. Habit na nga ni Sir Sevilla na ubusin ang buong oras ng discussion sa kung anong mga anekdota niya sa buhay—kahit na shortened period na sila at higit 45 minutes na lang ang oras ng klase.

Maliban sa nakaantok na ngang magturo ang adviser nila, dina-divert pa sa ibang topic 'yong lesson. May iba ngang sa mga kaklase niyang nababagot na sa kapapakinig sa mga chika ng kanilang adviser.

Nabalik din sa topic ang dini-discuss sa klase at napatingin naman si Owen sa relo niya—higit kalahating oras na bago magtapos ang Physics class.

Naubo muna siya bago nagpatuloy. "To properly explain circuits..." Napatinigin din siya sa buong klase at napaabot ang kamay nang mayroon siyang tinawag. "Okay, may I call on Dimitri." Nagawi ang tingin ni Owen sa kaibigan niyang nakaupo sa kabilang side ng mga upuan na nanlaki ang mata bago tumayo.

"And of course, Annika." Sa isang iglap ay naghiyawan tuloy ang buong klase sa nangyari habang tinitingnan sina Annika. Bigla pa namang pinaghihigit ng mga katabi nila ang dalawa para papuntahin sa harap lalo na si Sean na itinulak pa si Dimitri. Wala nga silang kaide-ideya sa mga nangyayari habang si Owen, nanahimik habang tinitingnan ang kaibigan at kababata sa harap.

Lumakas pa nga ang hiyawan na parang nasa mall show ng isang sikat na love team nang pinagtabi sina Dimitri at Annika. "It's really fanciful having you two sa harap ngayon." Iyon pa nga ang sinabi ni Sir Sevilla habang nahihiya pa ang dalawa at hindi makapagsalita sa harap. Napakamot na lang ng ulo si Dimitri sabay yuko.

"Sir naman, e!" Napahawak ng mukha si Annika gamit ang dalawang palad sa sobrang hiya habang nagsisigawan ang ibang mga kaklase nila ng "DIMITRI! ANNIKA!". Umalingawngaw ang ingay sa buong classroom ng IV-Pearl na kanina ay tatahi-tahimik.

"Example, si Annika ang resistor." Nagsimula nang magpaliwanag si Sir Sevilla habang hinawakan ang balikat ni Annika. "Tapos si Dimitri 'yong battery." Hinawakan din ng adviser nila ang balikat ni Dimitri na kanina pa nahihiya at parang gusto nang magpalamon sa lupa sa kahihiyan.

"Siyempre, kailangan nila ng ammeter para ipag-connect sila sa isang circuit." Nagpatuloy pa nga sa pagdi-discuss si Sir Sevilla. Ito namang si Owen, kahit na medyo nayayamot ay naki-cheer na rin at sumabay sa mga kaklase niya.

"And once nagkaroon ng connection..." Pero hindi inasahan ng dalawa ang susunod na mangyayari nang biglang hinigit ng adviser nila ang dalawang braso nila at pinaghawak. "Doon nabubuo 'yong spark." Mas dumagundong pa ang hiyawan sa loob ng classroom. 'Yong iba ngang mga loko-lokong kaklase nilang lalaki ay nagtatambol pa ng mga desk. May pasimpleng hirit pa nga si Sir Sevilla na mukhang shipper din ng dalawa sa harap.

"Ano ba 'yan, hindi pa ba matatapos 'yong klaseng 'to?" bulong na lang ni Owen sa sarili niya habang nangangasim na ang mukha at hindi makatingin sa harap niya. Nag-divert na lang siya ng tingin at nag-doodle sa likod ng Physics notebook niya.

---

Hindi pa pala roon natatapos ang "DimiNika fever" ng mga kaklase nila. Bandang uwian at may practice ang grupo nina Owen, Annika, at Dimitri para sa presentation nila sa Filipino. Naglalakad sila papunta sa bahay nina Lovely para doon mag-practice.

May hawak na payong itong si Annika panangga sa init ng araw habang naglalakad silang magkakagrupo sa daan. Pagkatapos ay biglang in-approach ni Jon-jon si Dimitri na katabi ni Owen na naglalakad.

"Uy, Papa Dimitri, hindi mo ba papayungan si Annika? Kita mo, naiinitan kaya siya," sulsol pa niya sa kaklase.

"Oo nga," segunda pa nitong si Sean.

"Sige na, o, Dimitri." Bigla nga ring sumabay 'yong iba nilang mga kaklase na sumulsol kay Dimitri na napakunot ang noo sabay ngisi.

"H...Ha? Uy, grabe kayo, a?" Nagkamot uli siya ng ulo at hindi na nga yata kinakaya ang pagpe-pressure sa kanila ni Annika.

"Kita n'yong nananahimik ako dito," sabi na rin ni Annika habang pinapayungan pa rin ang sarili.

"Kayarti mo, rugo!" Napakomento na nga rin si Owen na itinulak na si Dimitri papunta kay Annika kaya lumapit na ito at inalukan na payungan siya. Nag-iinarte pa kasi itong kaibigan niya.

Kaya wala ring ibang ginawa ang mga kaklase nila kung hindi humiyaw sa pinanggagagawa ng dalawa sa gitna ng daan. Tuwang-tuwa talaga sila sa pa-fan service nila para kina Dimitri at Annika. Pasimpleng kuha pa nga ng pictures sina Lovely ng dalawang "love birds" sa harap nila.

Habang itong si Owen, tahimik lang na napakrus ang braso habang tinitingnan ang dalawa sabay yuko.

Hindi na nga niya nakayanan kaya tumigil siya habang papalapit na sila sa bahay nina Lovely. "Guys, pa-load muna 'ko sa tindahan. Una na kayo," pagpapaalam niya sa mga kasama niya nang matapat sila sa katapat na sari-sari store.

"Uy, bilhan mo na rin akong softdrinks," pahabol tuloy ni Dimitri habang pinapayungan pa si Annika.

"Pera mo muna!" hirit naman ni Owen sa kaibigan kahit torture sa kaniya ang tanawin.

"Mamaya na."

Tatlo na ang biniling softdrinks ni Owen na isa para sa kaniya at isa na rin kay Annika kasabay ng pagpapa-load sa kaniyang cellphone. At saka na niya siya pumunta sa bahay ng kaklase. 'Yong bumungad pa nga sa kaniya ay walang iba kung hindi sina Dimitri at Annika.

"Uy, thank you, a?" nakangiting saad ni Dimitri sabay abot sa kaniya ng plastic bag na may cola.

"Naks, may palibre siya, o." Napangiti rin si Annika nang kay tamis na gustong nakikita ni Owen. Pero na-divert din katapos ang atensiyon nito kay Dimitri.

Kung gaano nga rin katamis ang iniinom ni Owen ay para bang naglasang ampalaya ito sa dila niya habang nakatanaw sa dalawa.

E, ano naman kasi ang panama ni Owen? Hindi hamak na mas guwapo at mas mayaman itong kaibigan niya; napakalaking alas kumpara sa kaniya. Kahit gaano niya kagustong sumabak sa giyera ay mas malakas ang sandata ng katunggali niya. Kahit gaano pa kagusto ni Owen ang kababata niya ay alam niyang talo na siya sa una pa lang. Dahil ang mas nararapat para kay Annika ay mga katulad ni Dimitri

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon