XXXXII

96 13 18
                                    

PARANG may kakaiba talagang nararamdaman si Dimitri tuwing
babangon siya kada umaga. Iyon bang mayroon siyang bagay na ina-
anticipate araw-araw. Pagkatingin niya sa cellphone ay kaagad na
bumungad sa kaniya ang text message mula kay Annika.

From: Annika mylabs

Gud morning!!! Rise & shine....maaga dpat papasok sa skul, ahhh???

Ganito pala ang feeling na may taga-good morning na bubungad
sa kaniya. Kung ganito lagi kaganda ang umaga ni Dimitri, kahit
mukhang haggard man at sabog-sabog pa ang buhok pagkagising,
mas gugustuhin na lang niyang magising nang mas maaga.

Kahit walang suot na damit pang-itaas at nakabalot lang sa
kaniyang malambot na kumot kasama ni Vladimir na kaniyang
Siberian husky, nag-reply siya kay Annika.

Oo napo kamahalan, magreready na XD

From: Annika mylabs

Ows??? Talaga ba? Baka malate ka nanaman tulad kahapon, hahaha

Bakit pako magreready kung ready nakong mahalin ka? Ayieeee

From: Annika mylabs

Hoy Dimitri tumigil ka, ang aga aga! Hahahaha

To naman pinapasaya lang kita. See you later nalang. Sabay tayong papasok, ahhh??? Pinagluto din kitang pasta para sa recess....

From:Annika mylabs

Yay!!! Can't wait, see you later din.

Simula nang mapasagot ni Annika si Dimitri ilang linggo ang nakalilipas at magkaroon ng ugnayan sa kanila ay nagbago na ang schedule ni Dimitri. Mas naging disiplinado na siya sa oras at hindi na masiyadong nale-late sa school—minsan na nga lang. Pero sa kabila ng lahat, masaya si Dimitri na nasuklian din ang feelings niya.

Hindi maipinta ang ngiti ni Dimitri tuwing kausap at kasama niya
si Annika. Siya talaga ang kaniyang happy pill kahit na alam niyang
mag-isa na lang siya at wala nang makakapitan.

Kaagad na siyang pumasok sa banyo sa loob ng kuwarto niya para maligo sabay sipol dahil inspired siya.

Pagkarating sa labas ng gate ng school ay nakangiti niyang sinalubong si Annika na naglakad palapit sa kaniya. Naka-ponytail siya ngayon ang maitim na kulot niyang buhok. Napakaaliwalas talaga ang mukha niya; kahit simple lang ay nangingibabaw pa rin ang ganda
niya. Kaya hindi maikakaila na may mga nagkakagusto sa kaniya.

Masuwerte nga lang si Dimitri na siya ang nakasungkit sa dalaga.
“Uy, tara na?” pagyayaya ni Annika kay Dimitri sabay higit ng
kamay.

“Sige.” Ngumiti naman si Dimitri at nagsimula na silang maglakad.
Pero habang papalapit na sa kanilang classroom ay nilapitan sila nina Jon-jon at Lovely. “Uy, ito na pala ’yong mag-love team, e,”pang-aasar ni Lovely.

“Wow, Miguel Tanfelix and Bianca Umali kayo?” paghirit pa ni Jon-jon at saka pa hinawakan ang buhok ni Annika. “Ikaw na talaga, Annika! Ang haba ng curly hair mo,” pagbibiro pa niya at saka siya binusangutan ni Annika.

“Gusto ko na ngang ipaampon, e. Nagkaro’n ako ng kumander. Mukha namang Minions.”

“Ano’ng Minions ka diyan, Dimitri?” Sinundot pa ni Annika sa tagiliran si Dimitri. Gumanti naman si Dimitri at nanundot din.

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon