KATULAD NG NAKAGAWIAN, NAKATAMBAY lang ang tatlong magkakaibigan sa ilalim ng puno ng acacia. Kagigising lang nila mula sa sadaling pag-siesta sa hapon. Nakaupo rin sila nang nakapaikot sa isa't isa habang paunti-unti ang paghaharutan nila—apakan doon—tadyakan dito. Wala na yatang panahon na hindi ganito ang set-up nina Owen, Toto, at Dimitri habang nasa ilalim ng maulap na kalangitan.
"Guys, naalala n'yo ba noong nagpatuli tayo?" biglang pambungad ni Owen ng usapan habang pinapaypay ang sarili gamit ang naka-unbutton niyang uniporme. Napatingin naman si Toto at sumama ang tingin ni Dimitri.
"Owen naman, sa dinami-rami ng mga i-o-open-up mo, 'yan pa?" Natawa naman si Dimitri bilang komento.
Humirit pa itong si Owen sabay tingin sa kaibigan, "Alangang i-open up ko 'yong nagba-bike ka tapos nahulog ka sa kanal?"
"Naalala ko nga si Dimitri no'ng naglalaro tayong PS2 sa kanila," sumagot naman si Toto. "Sabi pa niya, 'Uy tara, patuli tayo'." Akmang ginaya pa niya 'yong gestures ni Dimitri noon. "With confidence pa kaya."
"E, siyempre, pumayag pa rin ako kahit naduduwag na noong time na 'yon," sabat pa ni Toto.
Nagsalita rin itong si Dimitri sa paikot na formation nilang tatlo."Tapos noong nasa ospital na tayo, 'tong si Toto, ke-tapang-tapang. Siya 'yong naunang sinalang." May pahabol pa siya, "Naalala ko nga, tawa lang siya nang tawa habang tinutuli no'n."
"At least para lang akong nakiliti. Kumusta kaya 'yong mga sumunod sa 'kin?" may pagyayabang na bira naman ni Toto sabay punas ng panyo sa mukha. Naaalala ko pa nga din 'yong sigaw ni Owen no'n! Parang nag-echo sa buong emergency room."
"Hoy, kasalanan ko bang masakit maturukan ng anesthesia 'yong Jun-jun ko?" Napa-drama tuloy si Owen habang nagkukuwento. "Pero okay lang. Maganda naman 'yong doktor na nagtuli sa 'tin." At napangisi pa siya nang nakaloloko.
"Sus, para ka ngang nanganganak noon, e," natawang biro nitong si Dimitri sabay siko kay Owen.
Bigla tuloy napa-react si Owen sabay tingin kay Dimitri at napahawak pa siya ng dibdib. "Wow, nagsalita 'yong matapang. Kung sino pa 'yong malakas magyaya, kung sino pa 'yong promotor, siya pa malakas mag-backout at mang-iwan sa ere."
"Natakot yata noong nakita tayong isa-isang palabas ng emergency room habang hinihila 'yong harap ng shorts natin tapos para tayong penguin na naglalakad," si Toto naman nagpatuloy na magkuwento.
"Hindi ko talaga makakalimutan reaction mo noon habang hinihila ka ng mama mo palabas ng CR kung saan ka nagtago," ani pa nga ni Owen na natatawa pa habang nagkukuwento.
"Tinakot mo kaya ako sa sigaw mo." Nagawa pa tuloy mangatuwiran ni Dimitri na mukhang nasupalpal sa magpinsan.
"Ano 'yon, contest? Palakasan ng loob?" May pahabol pa si Toto, "Pero at least naman, sosyalin na 'yong pinangtuli kay Dimitri—laser."
"E, kumusta naman 'yong natae sa shorts si Owen noong Grade 4?" Bigla tuloy naghiganti si Dimitri. Siyempre, hindi siya mawawalan ng alas.
"Uy, buwiset ka! Bakit mo pinaalala 'yon?" Napasapo tuloy ng mukha si Owen ng mukha noong naalala ang mga sandaling iyon na binaon na niya sa hukay.
"Wala! Walang makakalimot sa 'ting magtotropa."
"Bakit mo kasi pinakyaw 'yong Hany at saka Flat Tops na nilalako no'ng recess sa classroom?" tanong tuloy ni Toto sa pinsan niya.
"Para nga siyang si Elsa noon, hindi makaimik. Conceal, don't feel daw, tapos biglang nag-Let It Go. Naamoy tuloy ng buong classroom bago last period." Bigla tuloy naghagalpakan sa tawa ang tatlo sa ilalim ng puno ng acacia.
"Alam n'yo, ang daya lang! Bakit tayong dalawa lang may ganiyan? 'Di ba masaya childhood mo, Toto?" Napatingin naman nang nakaloloko si Owen kay Toto.
"Uy, may naalala din ako!" bulalas ni Dimitri. "No'ng Grade 6 tayo, 'yong hinabol ng mga aso ni Darang Baby si Toto."
"Ay, oo nga!" pagsang-ayon pa ni Owen habang namumula na sa inis si Toto habang siya na ang ginawang topic.
"Tapos nakatingin pa mga tao sa paligid no'n sa kaniya habang patakbo siya. Ang epic kaya ng hitsura niya habang sumisigaw ng 'MAMA!'. Grabe, ang epic!" Pasirot-sirot tuloy ang tawa ni Owen habang pareho silang hinampas silang pareho ni Toto. Hindi rin nakapalag si Owen at saka tumayo, hinawakan ang dalawang braso ni Toto at kiniliti naman siya ni Dimitri habang patuloy siyang nagpupumiglas.
Pagkawala kay Toto ay hinabol niya ang dalawang kaibigang nagsitakbuhan sa may damuhan. Hindi na nga sila mga bata pero patuloy pa ring nabubuhay ang pagiging bata nila sa kanilang mga puso.
Pero mga ilang saglit lang ay bigla nilang naramdaman ang pila-pilantik na buhos ng tubig mula sa kalangitan kaya nagmadali silang bumalik sa ilalim ng puno para kunin ang kanilang mga gamit at saka sumakay na sa kani-kanilang bike at pumedal na pauwi.
-30-
BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Novela JuvenilTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...