XXV

80 13 12
                                    

"O, GUYS, LET'S GO na! Let's go, let's go, let's go!" pagyayaya ni Sean sa mga kaklase niya sa IV–Pearl habang naka-stay sila sa may covered court. May practice kasi ang section nila para sa ipe-present sa PE two weeks from now at magkakalaban ang bawat section ng 4th year sa gagawing presentation.

Friendly competition man dahil magkaka-close naman ang kabi-kabilang section pero siyempre, nandoon pa rin ang pressure lalo na at mataas na grades din ang habol para sa PE subject. Ballroom dance naman ang magiging theme ng "competition" na ito.

Kahit maulan ang tanghali ay pinush pa rin ng buong section ang practice at si Sean ang nagsilbing choreographer ng section.

"First of all, kailangan ko nang i-assign ang kaniya-kaniya n'yong partner," anunsiyo pa niya habang nasa may bandang stage siya katabi ng speaker habang naka-formation ang buong section. Pagkatapos ay inisa-isa niya ang mga kaklase niya para i-designate sa mga kapares niya. May hawak pa nga siyang listahan kung saan niya binase ang sa kung sino ang ipa-partner at saka niya tinawag isa-isa ang members na nakatayo ang formation.

"Dimitri, kayo ni Merry Joy mag-partner." Pagkatawag kay Dimitri ay nilapitan na siya ng kaklase.

"Owen, kayo ni Annika." Biglang nanlaki ang mata at naistatuwa si Owen nang marinig ang pangalan niya at nang malaman niyang sila ni Annika ang mag-partner.

Para nga siyang nag-malfunction nang lumapit si Annika sa kaniya sabay sundot nang marahan sa tagiliran niya. Nagsimula na ngang mag-panic si Owen. Ano kayang gagawin niya nito? Magma-malfunction ba siya? Gagawa ng kahihiyan?

Napatingin pa nga siya kay Dimitri na nasa malayong direksiyon at nakita na lang niya itong napa-thumbs up sa kaniya sabay ngiti.

"Okay, start na tayo. Hawakan na kamay ng kaniya-kaniya n'yong partners." Pagkaharap ni Owen kay Annika ay binigyan niya ito ng isang pilit na ngiti bago hawakan ang mga kamay. Nagsimula na ngang tumagaktak ang pawis sa mukha niya at ganoon din ang pagwa-waterfall ng kaniyang palad pagkahawak sa mga kamay ng kababata.

Hindi nga makasabay-sabay itong si Owen sa instructions ng kabilang choreographer dulot ng kawalan ng focus kaya para bang nawawala siya sa tono habang hindi niya matingnan nang diretso si Annika. Mas na-conscious pa nga siya tuloy sa pinanggagagawa niya.

"Bakit pinahihirapan mo ako nang ganito, Annika?" tanong pa nga ni Owen sa sarili niya kahit na hindi smooth ang paggalaw nila. Nawala sa isang iglap 'yong dancing skills niyang puwede sanang ipang-impress kay Annika.

Hanggang sa hindi niya sadyang maapakan ang paa ni Annika kaya natigil sila saglit sa pagsayaw.

"Ano ka ba, Owen? Huwag kang kabahan." Imbes na magalit ay pinaalalahanan na lang ni Annika ang kababata sabay baba at punas sa sapatos nitong naalikabukan.

"Hala...sorry," frustrated na saad ni Owen. "Sorry talaga."

Nasaan na nga ba si Mr. Wholesome? Nagtago na ba ito sa kahihiyan?

"Okay lang, Owen...ingat ka na lang." Binigyan na lang siya ni Annika ng assuring na ngiti.

"Owen, ingat-ingat naman tayo sa susunod." Napatingin naman silang dalawa sa harap habang sinermunan sila ni Sean na nakapameywang.

"Sorry na, Sean!" sigaw ni Owen at pagkatapos ay dinilaan ang itaas na labi na pinapawisan na at saka na sila bumalik from the top sa sinasayaw nila. Nakaka-dalawang steps pa nga lang, nagkanda-gulo-gulo na agad ang lahat.

Napaubo muna si Owen bago nagpatuloy kasama si Annika. Kailangan na talaga niyang magseryoso para kay Annika. Ilang practice session pa ang kailangan na indahin para sa namumuong awkwardness habang kaharap siya.

Pero pagkakataon nga yata ni Owen ito na ma-solo ang kamay ni Annika sa loob ng ilang linggo.

Nagtuloy-tuloy ang pagpa-practice nang naging banayad ang daloy ng lahat-walang pumalpak at nakaalak ng paa-at nakita kung gaano kaseryoso si Owen para kay Annika. Kung sana man lang ay mapansin ng kababata niya ang pagtinging iyon sa kaniya habang sumasayaw.

Mabilis na nawala ang awkwardness na nananalaytay kay Owen kaya mas naging smooth din ang bawat paggalaw at nakasusunod sila sa turo ni Sean.

Pumalakpak si Sean sa naging progression ng sayaw. "Perfect! try naman nating with music, guys."

"In three...two...one..." Nagsimula nang patugtugin ni Sean ang kantang "Sway" ni Michael Bublé gamit ang speaker.

Mas naging banayad ang paggalaw ng buong section dahil sa pagsabay sa kanta. Ganoon din, mas naging confident itong si Owen habang isinasayaw si Annika at tila ba nagkaroon ng kuryente na dumaloy sa kamay ni Owen pagkahawak sa beywang ng kababata—na instruction din sa kanila ni Sean na matamang nanonood lang sa kanila.

Sa kabilang banda naman, maayos mang naisasayaw ni Dimitri ang partner niya, pero pasimple namang itong sumisilip kina Annika sa kabilang banda at nakita kung paano siya tingnan ng kaibigan niya-seryoso man pero may kakaibang ningning sa mga mata ni Owen kasabay ng pagngiti.

Napansin din ni Dimitri kung paano rin tumugon si Annika at para bang sumasabay sa ngiting iyon ni Owen sa kaniya.

Nakaramdam ng kurot sa puso ni Dimitri pagkakita sa dalawa, pero napaiwas na lang ulit siya ng tingin at nag-focus na lang sa partner niya.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon