XXXII

66 12 18
                                    

MALIBAN SA PAGIGING STUDY buddy, nagkaroon na rin ng book buddy si Toto sa katauhan muli ng isang Allan Paulo Del Monte. At least naman, mayroong nakasundo itong si Toto sa pagbabasa ng mga libro, lalo na ang Wattpad books.

Lagi ngang pinahihiram ni Paulo si Toto ng mga libro niya mula sa mala-library niyang kuwarto. Mas naging malapit nga silang dalawa nang dahil doon at palagi na rin nilang topic ang mga nababasa nilang novels.

Madalas na ring nagsasabay na umuwi ang dalawa at siyempre, pupunta muna sa bahay nina Paulo para doon mag-aral ng lessons.

"O, thank you sa pagpapahiram," bungad ni Toto habang inilabas niya 'yong dalawang libro ng "AFGITMOLFM" kay Paulo na nakaupo sa may campus shed habang nakatambay sila pagkatapos ng klase. Noong isang araw lang na pinahiram ito sa kaniya.

Naupo naman si Toto sa tabi ni Paulo at saka siya nagkuwento muli sa binasa niya, "Gusto ko siya. Parang it's not your typical teen fic story."

"See?" Ngumiti pa itong si Paulo. "Pero Team Nate talaga ako para kay Ianne," patuloy pa ni Paulo sabay pakita ng first book ng "AFGITMOLFM" kung nasaan sina Ianne at Nate sa may cover.

Ngumisi naman si Toto sa in-explain nitong si Paulo, "Oh, sorry, a? Pero Team Art ako. Doon ako sa taong handang magprotekta kay Ianne. Like, sila yata 'yong naka-program na magsama sa buong story."

"Well, I agree with you naman," bigla namang kumontra si Paulo, "pero I truly believe that first love never dies. At mas nakikita ko 'yong chemistry nina Ianne at Nate. Mas gusto ko din 'yong cheerful aura ni Nate."

Inangat naman ni Toto ang suot niyang salamin, "Excuse me lang, a. Pero Art may seem emotionless pero kita ko kung paano siya nagke-care kay Ianne. Emotionless guy man siya pero malaki naman 'yong puso niya."

Natigilan at napangisi naman si Paulo sa mga paliwanag na iyon ni Toto. Mahirap talagang magkaroon ng katapat niya.

"Para ka ngang si Art. Palaging straight ang mukha, 'no?" komento pa ni Paulo habang sinamaan siya ng tingin ng kasama niya.

Kung straight man ang mukha ni Toto, siya naman mismo ay hindi straight.

"Pinagsasasabi mo?" Tinaasan pa siya ng kilay ni Toto sabay tingin kay Paulo, tapos ay napa-"pogi" sign pa ito para inisin siya.

Marahan pang hinampas ni Paulo si Toto. "Kita mo, palagi kang nagsususungit. Puwede na ngang gawing movie 'yang buhay mo. Alam mo magiging title niya, if ever? 'Toto, Toto, Ngumingiti Ka Ba?', gano'n!"

"Bolang!" Napairap na lang si Toto kahit pinipigilan ang pagtawa. Bakit nga ba siya nagkaroon ng asungot na kaibigan kay Paulo.

"'Oy, nag-aaway na naman kayo?" Bigla namang sumingit ang kaklase nilang si Angeline habang may hawak na cup na may manggang hilaw at bagoong at saka umupo sa gitna nila.

Asungot man pero may puso naman itong si Paulo. Masiyadong pure ng mga tulad niya sa mundong ito. kaya hindi maikakailang madali rin siyang makalapit ng loob.

---

Nasa kuwarto ulit ang dalawa pagkatapos mag-aral ng kanilang lesson sa may terrace. Kanina pa abot-ngiti ang mukha ni Paulo at hindi mapakali at para bang may gustong sabihin kay Toto na naka-Indian sit sa ilalim ng kama.

"Tagal ko nang kinikimkim 'yong good news na 'to," panimula pa ni Paulo habang tumabi kay Toto sa pagkakaupo.

May kuryosidad namang napatanong itong si Toto, "Ano 'yon?"

Napahawak si Paulo ng isang kamay sa balikat ni Toto at saka siya inalog. "Aalisin na 'yong cast ko bukas."

"Wow! Congratulations." Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Toto sa narinig. Sa wakas kasi, matatapos na ang kalbaryo ni Paulo na ilang buwan niyang ininda.

Naging saksi rin si Toto sa mga pinagdaanan ng kaibigan kaya masaya rin siyang mababalik na sa normal ang sitwasyon ni Paulo.

"At dahil diyan..." Napatayo pa si Paulo at saka may kinuha sa kaniyang bag na isang black marker at saks naman ibinigay kay Toto.

"Ano'ng gagawin ko dito?" may pagtatakang tanong pa ni Toto pagkabigay ng marker.

"Obvious ba? Ipangsusulat." Kinusot pa ni Paulo ang ulo ng kaklase. "Gusto ko kasing ipa-sign 'yong cast ko sa mga espesyal na tao sa buhay ko."

"Pero wala pang nakasulat sa semento mo, a?" tanong pa ni Toto.

"Exactly!" bulalas pa ni Paulo sabay pa-cute. "I truly appreciate na isa ka sa mga taong 'yon. Kaya sa 'yo ko rin ibinibigay 'yong karangalan, e."

Hindi alam ni Toto kung nanti-trip lang itong si Paulo, pero ramdam niya ang impact ng mga salitang binitiwan nito sa kaniya.

Mukhang hindi makapaniwala si Toto sa narinig. Kailan pa ba ito naging espesyal sa buhay ni Paulo? Ang pa-fall nga kasi ng ganitong mga galawan.

Lumapit pa itong si Paulo kay Toto at saka pa ito napatingin sa kaniya habang itong si Toto, hindi makapag-focus kahit sa simpleng pagbubukas lang ng takip ng marker.

'Di-maipaliwanag ni Toto ang nararamdaman niya para kay Paulo na para bang lagi nitong pinagagaan ang pakiramdam niya.

Na kahit scientific o mathematical equation, hindi maipaliwanag ito. Pero iisa lang ang ipinahihiwatig nito—may gusto na si Toto kay Paulo.

Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula pero bigla na lang may nag-magic at nagising na lang siyang may gusto na siya kay Paulo. May suspetsa pa nga siyang laging nilalagyan ng asungot ng gayuma ang iniinom ni Toto kapag nagagawi siya rito sa bahay nila.

Pero totoo naman talagang may nararamdaman na itong si Toto. Imposible man pero sa isang kisapmata lamang, umabot sa ganito ang lahat.

Palakas nang palakas ang kabog ng puso ni Toto habang sinulatan niya ng "To2" ang cast ni Paulo. Nagsimula na nga ring tumagaktak ang pawis sa mukha niya kahit na naka-on ang aircon sa loob ng kuwarto.

Iyon nga lang ay may kaakibat itong takot na nararamdaman niya. Parehas silang lalaki at hindi rin alam ni Toto kung parehas ba sila ng nararamdaman ni Paulo. Walang katiyakan ang lahat ng bagay at napakahirap na sumugal.

Mas mainam na nga yata sa isantabi na lang ni Toto ang nararamdamanniyang ito sa ngalan ng samahan at pagkakaibigan na malamang ay parehongnararamdaman nilang dalawa sa isa't isa.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon