XV

118 14 4
                                    

TUWING PAPATAK TALAGA ANG alas-dose ng tanghali ay parang mga langgam na biglang nagdadagsaan ang mga estudyanteng lumalabas sa school gate para umuwi at pati na 'yong mga estudyante na papasok para sa afternoon shift. Magkasabay naman na lumabas sina Annika, Lovely, at Jon-jon sa may gate ng school.

"Bes, send ko na lang sa 'yo mamaya mga ginawa ko for reporting, 'no?" Si Lovely ang unang nagsalita.

"Hala, oo nga! 'Yong mga gamit, huwag mong kakalimutan bukas," paalala pa ni Jon-jon kay Annika.

"Oo na, remind mo na lang ako ulit, a?" sagot naman ni Annika sa mga kaibigan.

"Naku, sige, kapag nakalimutan mo talaga, kakalbuhin kita't gagawin kong pancit canton 'yang buhok mo!" May halo pa tuloy pagbabanta ang pagsasalita ni Jon-jon sa kaibigan kasabay ng panlilisik ng mata.

"Sira!" natatawa namang sagot ni Annika sa kaibigan niya.

Pero sa gitna ng usapan ay biglang sumingit si Dimitri. "Hello, guys!" pagbati niya sa tatlo bago inagaw ang tingin kay Annika.

"Uy, Annika, hindi ka pa ba uuwi niyan?" tanong ni Dimitri sa kaklase.

"Bakit?" Si Annika naman ang nagtanong.

Napakamot-ulo pa siya sabay yuko bago sumagot, "Sabay sana ako."

"Ay, sure ba?" Walang alinlangan namang umoo si Annika sa request ng kaklase niya. Pagkatapos ay napatingin ulit siya sa harapan niya at nakitang nakapameywang ang dalawa niyang kasama.

"Wow, Papa Dimitri, ano 'yan, date?" biglang paningit ni Jon-jon sa dalawang nag-uusap na tinarayan pa ang mga ito.

"Hala... hindi, a? Nagyaya lang naman." pangangatuwiran pa ni Dimitri sabay pakita ng pang-endorser ng toothpaste na ngiti.

"Okay, e 'di, hindi." Umirap na lang si Jon-jon sabay roll ng mga mata.

"O siya, una na kami, bes. Bukas na lang," pagpapaalam na nina Lovely sa kaibigan bago na sila naunang naglakad ni Jon-jon.

"Sige, ingat kayo!" At nagsimula na rin naglakad sina Dimitri at Annika pauwi.

"Buti, napasabay ka?" pag-a-approach ni Annika kay Dimitri habang naglalakad sila sa gilid ng daan.

"May pinapakuha kasi si Mommy malapit sa inyo. E, nahihiya na ako kay Owen na makiusap kaya ako na lang kukuha," sagot naman ni Dimitri habang nakaharap sa dinaraanan at hinihigit ang strap ng backpack.

"Naks, masunuring anak ka pala, e." Pasimple namang hinampas ni Annika ang baywang ni Dimitri.

"Sus, parang hindi man." Natawa naman si Dimitri kahit nandoon ang awkwardness; iyon ay kahit na rin nag-uusap na sila through texting.

Pagkatapos noon ay namayani ulit ang katahimikan habang patuloy nilang tinatahak ang daan pauwi kina Annika. Pareho silang walang imik hanggang sa si Annika ulit ang nag-approach.

"Uy, paano pala 'yong sa TLE? May suggestions ka ba para sa gagawin nating salad?" Magka-group kasi sila sa subject na iyon at kailangan na nilang mag-present sa makalawa.

"Actually...marami na 'kong naiisip." Napaporma pa si Dimitri ng mga kamay na para bang nagbibilang. "Caesar salad, mango-kani salad, or 'yong salad na may thousand island dressing. Pero pag-usapan pa rin natin sa GC."

"Aba, parang nagutom ako sa mga suggestions mo, a?" Napa-follow-up question pa si Annika habang mas mas nagising ang kuryosidad niya. "Buti, alam mo 'yan?"

"Experience?" may pagka-seryosong sagot ni Dimitri. "Kasi lagi akong babad sa kusina? Tapos, siyempre, nanonood din ako ng mga cooking shows sa TV."

"Ay, wow!" may halong pagkamangha sa boses ni Annika. "E, ako nga, hotdog at instant noodles lang kaya kong lutuin, pero nag-Commercial Cooking ako."

Napatingin naman ulit si Dimitri kay Annika nang may sinseridad bago sumagot ulit, "Mapag-aaralan din naman 'yong pagluluto. Kahit simple lang kaya mong pag-aralan basta ang importante, ibinubuhos mo 'yong puso mo sa pagluluto—'yon ang secret ingredient."

Natigilan tuloy si Annika habang napaisip sa sinabing iyon ni Dimitri. Inabot pa nga siya ng five seconds bago nagsalita ulit, "Sana, ma-survive natin 'yong activity gamit ang puso, 'no?"

"Of course, 100% tried and tested 'yan," sagot pa ni Dimitri nang may confidence kaya napangiti itong si Annika habang patuloy silang nag-uusap sa daan pauwi.

Para sa kaniya, magkaiba man ng persona si Dimitri sa text at sa personal, mas buhay naman itong si Dimitri na kaharap niya ngayon.

Pagkarating sa bahay nina Annika, inabutan sila ng tatay niya na nakatayo banda sa gate nila.

"Good afternoon po." Nagmano naman itong si Dimitri sa tatay na medyo nasorpresa ang ekspresiyon sa mukha.

"Good afternoon din, pogi," pag-a-approach ng tatay ni Annika.

Pagkatapos ay lumapit pa ito sa anak at saka binulungan, "Anak, 'di mo man lang sinabi na dinala mo na boyfriend mo rito." Biglang umusok ang ilong ni Annika sa narinig.

"'Pa, 'di ko siya boyfriend!" pagdepensa tuloy ni Annika at saka tiningnan si Dimitri at saka nginitian.

Napakamot na lang ng ulo ang tatay ni Annika at tiningnan si Dimitri.

Pagkatapos ay lumabas naman ang nanay ni Annika at saka rin parehong nagmano ang dalawa.

"Kapogi naman ng dinala mo dito, Anak." Tiningnan niya si Dimitri at saka tinanong. "Ikaw si?"

Ngumiti pa itong si Dimitri bago sumagot, "Dimitri po, classmate ni Annika."

"Ay, hello, Dimitri. Mekeni, pasok ka muna. Dito ka na lang mag-lunch."

Kahit niyayaya ay tumanggi pa rin si Dimitri. "Hala, hindi na po. Sumabay lang po ako kasi may pinapakuha po sa 'kin banda diyan sa inyo. Paalis na rin po ako niyan."

Sumagot naman ang tatay ni Annika sabay hawak sa balikat nito, "Gano'n ba? Mag-iingat ka, hijo."

"Yes po. Thank you din po." Napatingin naman ulit siya kay Annika bago tuluyang umalis. "Annika, mauuna na 'ko."

"Sige, bye! Mimingat, 'ne?" Pagkatapos ay pumunta na si Dimitri sa pakay niya sa lugar na iyon.

Pero habang naglalakad ay hindi maiwasang sumilay ang mga ngiti sa labiniya na para bang naging involuntary muscle ito. Natuwa talaga siya lalo na atmukhang naka-inspire siya ng ibang tao.

-30-

Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon