THE WHOLESOME
Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya?
THE...
Grabe, it’s been a year na pala nang simulan kong isulat ang kuwentong ito. Parang isang rollercoaster ride ang journey ko sa pagsusulat ng Tropang 3some at sa pag-dive ko sa mga buhay nina Owen, Toto, at Dimitri.
Kahit sa pagtatapos ng pagsusulat ko sa kuwento nila, hindi ko pa rin mapigilan ang ma-attach sa kanila. Para bang nagkaroon ako ng kaibigan sa kanila. Siguro, may part sa sarili ko na umaasang sana nag-e-exist sila sa totoong buhay. E ’di, sana all, may ganitong friendship. Hindi ba ang cute noon?
Isinulat ko ang T3 para i-relive ang high school memories ko—’yong mga panahong simple pa ang buhay at ang tanging pinoproblema lang natin ay kung paano makatakas kapag kasama ka sa cleaners sa araw na iyon o kung paano mapagkakasya ang kakarampot na baon pang-computer shop. Aminin, iba ang feeling ng pagiging high school. Iba ang memories at nostalgia na dulot ng stage na iyon sa buhay natin kaya natutuwa ako na may mga naka-relate sa kuwentong ito.
Maliban sa pagiging journey ito ng tatlo bilang mga character ng kuwentong ito, naging journey ko rin ito bilang manunulat. Sa pagsusulat ko ng T3, marami rin akong mga bagay na na-apply at may mga bagay rin akong natutuhan along the way. Knowledge never stops, ang sabi nga kaya paniguradong marami pa akong makukuhang kaalaman sa future.
Speaking of journey...
Okay...siguro, ito na ang tamang panahon para ipalaganap sa inyo ang mabuting balita.
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome will be self-published very soon. Yes po, tama po ang narinig ninyo, magkaka-libro na ang magulo pero masayang kuwento nina Owen, Toto, at Dimitri. Panibagong journey na naman ito para sa T3, yehey!
Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo kaya thankful ako sa suportang ibinibigay ninyo sa kuwentong ito. Masaya ako na naging bahagi kayo ng adventures ng tatlo.
Kung interesado kang makakuha ng kopya, pre-order details will be posted very soon, kaya stay tuned lang po kayo, guys.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pero mas excited ako na maipakita sa inyo ang buong cover dahil hindi ko mapigilan na magkaroon ng fanboy moment. Don’t worry, darating din tayo riyan...sa tamang panahon.
Kaya sana, masuportahan ninyo ang panibagong journey na ito ng tatlong magkakaibigan at sana rin po, makabili kayo ng kopya ng Tropang 3some para laging masarap ang ulam ninyo.
Bago ko tapusin ito, maraming salamat sa paggugol ng oras sa pagbabasa nitong mumunting mensahe ko. Mabuhay ka at good luck sa anumang endeavors mo sa buhay.