MUKHANG ANG PURPOSE LANG ng pag-uwi ng mommy ni Dimitri sa kanilang bahay ay para lang manermon.
Maagang tapat, iritableng mukha ng Mrs. Isagani ang bumungad sa kaniya pagbaba sa may sala. Nataon pa na nandoon din ang daddy niya at kausap pa ito.
Nagkamot ng ulo si Dimitri nang sinimulang dumakdak ng kaniyang mommy sabay pakita ng report card, "My goodness, Dimitri! Bakit ganito? Balita ko, palakol na naman mga grades mo?" Panibanong araw, panibagong pagkakataon na naman para i-disappoint ang kaniyang mommy na mukhang puputok na ang ugat sa inis.
Wala namang imik ang daddy niyang tinitingnan na lang ang kaniyang anak habang pinagagalitan.
"Please lang, magbago ka naman. Ayusin mo buhay mo. Malapit ka nang grumaduate, o! Papa'no ka kukunin ng mga malalaking schools sa Manila kung ganiyan makikita nila sa mga credentials mo." Gusto na lang talagang sumabog sa inis ni Dimitri sa mga sinabing iyon ng kaniyang mommy na para bang wala na itong magandang nagawa.
Umawat naman si Mr. Isagani sa asawa niya sabay tapik ng balikat, "Hon, masiyado mo namang pine-pressure anak natin."
Nagsalita pa nga itong si Mrs. Isagani nang may kalakasan ang boses, "E, kaya nga namimihasa, Dante. Puro na lang chill 'yang alam ng anak mo sa buhay. 'Di ko na alam 'yang gagawin ko kay Dimitri once mag-college na 'yan."
Sa totoo lang ay urat na urat na si Dimitri sa senaryong ito na palagi na lang siyang nasesermunan at napagagalitan. Puro na lang kasi kamalian ang nakikita sa kaniya.
Kaya nga kung ano na lang ang ginagawa ni Dimitri para kahit papaano, papurihan siya ng kaniyang magulang—lalo na ang kaniyang mommy na itinuring pa man din niyang role model. Marami naman siyang nagagawa at kayang patunayan sa sarili niya. Pero kahit ano namang pilit niyang gawin, mukhang wala namang kuwenta sa mga magulang niya 'yon dahil hindi naman ito nakikita o napapansin. Ni "congratulations" o "I'm so proud of you", wala pa siyang narinig na ganoon mula sa mommy niya. Dahil siguro siya ang kaisa-isang anak kaya sa kaniya nakapasan ang pressure.
Hindi na niya napigilan ang kaniyang kinikimkim at hindi na rin siya nakapagtimpi pa sa sobrang inis. "Makabalik na nga sa kuwarto ko! Buwisit!" At saka na siya nagdabog bago naglakad pabalik.
"Anak, 'wag kang bastos! I'm still talking to you!" Hindi na lang niya pinansin ang nanay niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. E, tutal, mukhang invisible lang siya sa pamamahay na ito.
Nagkulong na lang siya ulit sa kuwarto niya at saka humilata sa kama niya. Binuksan na lang din niya ang kaniyang laptop at nagbabad na lang sa internet.
Napatingin na lang siya sa news feed sa kaniyang Facebook account at bumungad sa kaniya ang pinost na video ni Owen na nag-cover ng kantang "Bakit Nga Ba Ikaw" ni Michael Pangilinan. Nakita pa nga niyang nasa 300 likes na ito at makikita talaga kung gaano ito ka-talented sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
Isabel Tatlonghari: Anak q yan anggaling galing mo talaga
"Buti pa siya, napapansin at na-a-appreciate," bulong pa ni Dimitri sa sarili niya. Mukhang sinungkit na ni Owen ang lahat ng talentong ibinigay ng mundo sa kaniya, kaya hindi niya maiwasang mapakuyom ang kamao. Lalo na noong makita niya ang comment ng nanay nito sa post.
Mas nakaramdam ng pagkainggit si Dimitri dahil mabuti pa itong si Owen, kahit sa simpleng paraan, nararamdaman niya ang pagmamahal at suporta mula sa mga magulang niya. Kung ano pa ang ikinakulang ni Dimitri ay roon naman bumuhos ang lahat kay Owen.
Sa totoo lang ay matagal nang nakararamdam ng pagkainggit si Dimitri sa kaibigan. Magmula pa noong una pa lang, si Owen na ang laging napapansin dahil siya naman ang magaling. Siya naman 'yong laging pinipili para mag-perform sa stage noong elementary pa lang sila. Si Owen naman lagi 'yong MVP sa paliga nila sa barangay. Kaya rin naman siya umalis sa basketball team ay dahil ayaw na niyang masapawan pa. Tutal, si Owen naman lagi ang bida. Kaya nga ito ang naging mitsa para ipangako ni Dimitri sa sarili niya na may kaya siyang patunayan at walang sinuman ang dapat na sumapaw sa kaniya.
Sa gitna ng pagba-browse, biglang nag-pop up ang isang chat message kay Dimitri.
Annika Kristyn:
HIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!
Sumilay ang ngiti sa labi ni Dimitri at sa isang iglap, tuluyang humupa ang nararamdaman nito nang dahil lang sa isang message. Iba talaga ang epekto ni Annika sa kaniya.
Si Annika lang naman ang katangi-tanging babaeng naka-a-appreciate sa kaniya. 'Yong sa kaniya pa nga mismo naramdaman ni Dimitri ang halaga niya. Kay Annika lang niya naramdaman na mayroon pa ring mga taong naniniwala sa kaya niyang gawin.
-30-
BINABASA MO ANG
Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome (Self-published)
Teen FictionTHE WHOLESOME Meet Owen, ang Mr. All Around at the Jack-of-all-trades na hindi lang pampamilya, pang-sports pa! Pero sa pagbabalik ng kaniyang kababatang si Annika pagkatapos ng ilang taon, masasabi kaya niyang siya na ang kukumpleto sa kaniya? THE...