KIMONO'S POINT OF VIEW
Pinagusapan naming magkakaibigan ang narinig namin kanina. Bakas talaga mata ng bawat isa ang pagaalala sa kung ano ang mangyayare sa party bukas.
"If that's the case... please you guys should stay here." Suhestiyon ko dahil sa labis na pagaalala. Sabay-sabay naman nila akong binigyan ng nagtatanong na tingin, ibig sabihin hindi sila sangayon sa sinabe ko. "Okay, forget that." Kibit-balikat kong sabi saka inalis ang tingin sa kanila.
"You girls should stay here." Matapos ang mahabang katahimikan ay nagsalita si Toppo. Nilingon siya ng lahat. "It's safer for us to go there. Baka may makuha rin kaming impormasyon kung pumunta kami sa party." Dagdag niya.
"No!" Ako naman ang 'di sumangayon. "I need to go there. I should go. Si Stacey at Jemi nalang ang maiwan dito." Pagpipilit ko.
Napapabuntong-hininga hinarap ako ni Toppo, "Ikaw na nga nagsabe, hindi safe ro'n."
"At anong kaibahan ng mga normal na araw natin dito sa bukas? Hindi naman tayo ligtas araw-araw, 'di ba?" Pagsasabe ko ng totoo.
"But we're sure that something terrible will happen tomorrow." Sabat ni Psyche. "However, I agree to the part where you should go. You're a Guardian at the first place."
"Oh, yeah? So, iiwan niyo kaming dalawa rito?" Si Jemi na may bahid ng katarayan ang boses.
Tumango si Psyche, "Yes, for safety purposes."
"I-if that's what makes us safer.. then I'll go with that." Nanginginig na sabi ni Stacey. Hindi talaga siya sanay sa mga ganitong usapan kaya naman ganito na lang siya kung matakot.
Hinawakan ko ang kamay niya at saka nginitian, "Don't worry, we will all be safe." Tango na lang naman ang nakuha ko sa kanya.
"K fine! Isa pa, I don't want din naman isuot 'yang white dress na 'yan! Ugh!" Nagiinarte na naman niyang sabi kaya natawa na lang kaming lima.
Matagal pa bago kami natulog dahil nagusap-usap pa kami ng mga kung ano-anong bagay. 3:00 pm ang simula ng party at sa conference hall iyon gaganapin. Pero dahil isa ako sa mga Guardians kailangan ko nang pumunta roon ng 12:00 pm upang maisaayos ang mga kailangan at kulang pa. Cancelled din ngayon ang pasok upang makapaghanda raw ang bawat isa para sa party.
Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin maalis ang kaba na mayroon ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa mangyayare o natatakot ako para sa mga kaibigan ko. Mabuti na lang talaga at ayos lang kina Jemi at Stacey na mag-stay na lang dito sa kwarto, at least kahit papano'y alam naming ligtas sila dito.
Nagising na sina Jemi at Stacey kaya naman nagsabay-sabay na kaming kumain ng almusal. Syempre hindi na naman nawala ang kwentuhan at tawanan.
"Oh my gosh! I remember talaga noong nakipag-away tayo sa mga gangster doon sa Tondo!" Pagpapaalala ni Jemi sa nangyare. "I thought they won't attack us! Pero gosh! They really put a knife in my neck! Akala ko I'm gonna die na there!"
"And well, thanks to your superman who saved your life.." Pagtutukoy ko kay Toppo na talagang nakipagagawan at suntukan pa upang maligtas ang kaibigan kong maarte.
Ang saya pala talagang balikan lahat ng kalokohan noong high school. Puro tawanan lang at kahit na palaging napapagalitan ng mga teacher ay wala lang pakialam. Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan hanggang natapos na ang pagkain.
Hindi na ako magla-lunch dito dahil nga maaga pa akong pupunta sa hall. Alam naman na nila iyon kaya naman pinauna na nila akong maligo at maghanda. Dadalhin ko na lang muna ang dress ko dahil mukha naman akong tanga kung inaasikaso ko ang venue nang nakasuot ng dress.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...