PSYCHE'S POINT OF VIEW
Mabilis na naagaw ng atensyon ko ang galaw ng isa sa mga kalaban namin. Hindi ako maaaring magkamali, sa bilis at kung paano siya kumilos ay nakasisiguro ko nang siya iyon. Kaya naman patakbo akong pumunta sa kanyang gawi. Mukhang hinihintay rin niya ako dahil nakatingin lang siya sa akin habang magkakrus ang mga braso.
Nang magkaharap ay pareho lang kaming nagtitigan. Pawang nagpapakiramdaman kung sino ang unang aatake sa aming dalawa.
"What's the reason?" Imbes na sumugod ay tinanong ko iyon sa kanya.
Napansin ko ang pagliit ng kanyang mga mata, "What's the reason?" paguulit niya sa aking sinabi.
Napangisi ako sa isiping mukhang hindi pa nila alam na nalaman na namin ang kaninang pagkakakilanlan. "You should know what I mean," nakasisigurong saad ko.
Matunog siyang ngumisi, "I'm afraid I don't."
Then if that's the case, it would be an advantage for us.
"I see," matapos sabihin iyon ay nanguna na akong sumugod.
Mabilis niyang ibinalandra ang isang paa sa likod upang makakuha ng matibay na pagkakatayo. Sumipa ako sa pantaas na bahagi ng kanyang katawan gamit ang kaliwang paa at hinarang naman niya ito gamit ang dalawang palad. Ngunit ikinawit ko pataas ang paa kong iyon sa kanyang katawan at saka buong-pwersang isinipa ang kanang paa.
You didn't see it coming, huh?
"Ah..." Mahinang impit niya saka mabilis na kumawala mula sa pagkakawit ng paa ko.
Masama ang tinging tinitigan niya ako bago siya naunang sumugod pabalik sa akin. Katulad ng una naming engkwentro, paa na naman ang kanyang ginagamit. Paikot siyang sumipa sa aking leeg ngunit nakayuko ako. Sa kasamaang palad, nang nakatayo ako'y bigla niyang ibinalik ang paa sa dinaanan nito. Kaya naman bahagya kong natumba.
Hindi iyon gano'n kasakit ngunit hindi ko iyon inaasahang mangyari. Upang gawin ang isang galaw na iyon ay kakailanganin mo ng matinding balanse gamit lamang ang isang paa.
Tss. She's different now.
"You've gotten weaker, huh?" Nangiinsultong sambit nito.
I chuckled and made I wide grin, "No, I'm just warming up."
Sa pagkakataong ito, ako na ang unang sumugod gamit ang kaliwang paa. Sinangga naman niya ito gamit ang dalawang palad, katulad kanina. Bago pa man lumapat ang aking kaliwa paa sa sahig ay inangat ko na ang kabilang paa papunta sa kanyang balakang. Mabilis niya iyong napansin dahilan upang masangga niya ito gamit ang siko.
Hinila niya ang aking paa saka ito hinawakan nang mahigpit at nagsimulang umikot upang mawalan ako ng balanse. Bago pa man niya ako tuluyang maiitsa ay hinugot ko na ang dalawang kutsilyong nakaipit sa aking tagiliran.
*TSUK! TSUK!*
Hindi siya natamaan ng unang kutsilyo ngunit natamaan siya sa pisnge ng pangalawa, pero dahil sa telang nakatakip sa kanyang mukha ay isang maliit na daplis lang ang nagawa ng atakeng iyon. Nabitawan niya ang aking paa kaya naman mabilis akong tumayo at ginamit ang pagkakataong iyon upang sugurin siya.
Naging paulit-ulit lamang ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Palitan ng atake at patibayan ng depensa. Kapag tumagal pa ang ganitong pangyayari, siguradong magiging dehado na ako.
I am confident with my skills in a one-on-one battle, however, I am trained to make everything fast. To be like a wind that in just a single second, I can defeat my enemy. Meaning, my endurance and energy can be consumed easily. So if this fight will last for a long time, it will be my disadvantage and she might devour me. Also, our attacks were way too powerful that I'm already loosing lots of energy.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...