Chapter 18

282 9 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagsalita, pilit na hinihimay ang sinabeng iyon ni Luna. Natinag na lang ako nang tumawa siya, "Hey, 'wag mo masyado isipin 'yon." Natatawang sabi pa niya. "Kahit gano'n ang kaya niyang gawin, hindi niya kayang pumatay ng walang magandang dahilan." Nakangiti nang sabi niya pero hindi nagawa no'n pakalmahin ako.

"Okay." Pinilit kong hindi mautal.

"You can say that he's like a real demon but.. he's the kindest demon in this place."

Hindi ko na nagawa pang ibukas ang bibig ko, nagtuloy na lang ako sa paglalakad. Nang tumigil si Luna ay tumigil na rin ako sa paglalakad.

"This is also my favourite spot here." sambit niya. "Shortcut lang 'tong daan.. tara.." saka ako hinila at naglakad sa makipot na daan.

Yumuko pa kami para makapasok pa doon, mababa kasi ang pasukan at literal na makipot ang daan, hindi pwedeng magsabay ang pagpasok doon dahil hindi kasya. Alam kong nakasunod pa rin sa amin si Kambing pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nang marating namin ang dulo no'ng daan, halos masilaw pa ako sa liwanag dahil madilim ang dinaanan namin.

"Here! This is what I call silent garden!" Masayang sabi niya.

Nang ilibot ko ang paningin ay halos mapanganga ako sa sobrang mangha sa lugar na ito. Hindi ito gano'n kalawak at hindi rin gaano kaliit. Wala masyadong tao, mabibilang ko lang sa aking kamay kung ilan kami dito. Naglakad ako dahan-dahan hanggang marating ang gitna nito kung saan may puno ng isang narra. Malago ang dahon nito, mababa lang ito pero alam mong matagal nang nabubuhay ito dahil sa balat niya. Napangiti pa ako lalo nang makitang may bulaklak itong kulay dilaw na naglalaglagan tuwing hahangin. Mas lumawak muli ang ngiti ko nang mas makita ko ang kabuuan nito, sobrang daming bulaklak na nandito. Iba't ibang uri at iba't ibang kulay ang mga ito. Kalat kalat ang mga bulaklak pero napakaganda tignan dahil magkakadikit ang mga ito at naghahalu-halo ang mga kulay. May kataasan ang mga ito, halos sing-taas ng bewang ko.

"This is breathtaking.." halos maiyak pang sabi ko habang patuloy na iginagala ang paningin sa kabuuan ng paligid. Hindi ako makapaniwalang may ganitong lugar sa loob nito. Bawat madapuan mo nang tingin ay may magagandang bulaklak na sasalubong sa'yo.

Naramdaman ko ang paglapit ni Luna, "I'm not a flower lover but this place is really lovable." Matamis ang ngiting aniya, "Ang ganda lang talaga tignan kung paano nagtitingkaran ang mga kulay nila. Nakaka-in love." Nakangiti pa ring sabi niya.

"I love flowers.. I love differentiating their smell.. I really love flowers.." nakangiting sambit ko habang nasa mga bulaklak pa rin ang paningin.

"Wala masyado nakakaalam ng lugar na ito, pero hindi naman ito tinatago sa mga estudyante. Sadyang wala rin nagpupunta dito. Well, pabor sa akin 'yon kasi walang ingay na maririnig sa paligid. Hahaha. That's why I called it silent garden, you know?" Mahabang aniya.

Tumingin ako sa kanya, kitang kita ko talaga sa mga mata at ngiti niya ang saya, "Bakit mo ako dinala dito?" Actually, kanina pa ako kating-kati na tanungin iyan sa kanya. Sadyang wala lang akong mahanap na timing.

"Wala lang.. Just a guess na baka maging masaya ka if you saw this. Your smile is attractive and bright, pero your eyes says a lot." Makahulugang tugon niya.

Suminghap ako nang malalim na hininga saka ngumiti, "Thanks.." tipid kong sabi. Nang muli akong magalis nang tingin sa kanya ay si Kambing na ang bumungad sa mukha ko.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon