Chapter 4

402 17 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

~BLAAAAAAG!!!~

Nagkatinginan kaming lahat at halatang lahat ay gulat!

Saan nanggaling ang tunog na yon?!

Sobrang lakas nito na parang sa tabi namin mismo narinig ito!

Parang isa iyong malakas na pagbagsak mula sa isang mataas na lugar!

"W-what's t-that?" Nanlalake ang mga matang tanong ni Jemi at bakas ang pagkatakot dito.

Walang nakasagot dahil wala namang may alam!

"L-looks like.. it's from outside.. there.." turo ni Stacey sa labas at kung saan may bintana.

Ang kwarto kasi namin ay may bintana at kung bubuksan mo iyon ay makikita mo ang ibang building. Kung titingin ka naman sa baba, makikita mo ang daanan ng mga estudyante. Nasa 3rd floor kami.

Naglakad ako papunta sa bintana at kasabay ko si Psyche at Toppo. Ang bintana ay sliding kaya kung bubuksan mo ito ay malawak ang view na makikita mo.

Si Toppo ang nagbukas ng bintana saka kami sabay na tatlong sumilip sa baba..

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang isang katawan ng babae na halatang wala ng buhay! Mula sa floor namin ay kapansin pansin ang dugong pumapalibot sa buong katawan niya! Sa posisyon niyang iyon ay halatang bumagsak siya galing sa itaas!

Mabilis kong inangat ang tingin ko sa pinakatuktok at may nakita akong mga ulo na nakasilip mula dito! Nakita rin iyon ni Toppo at Psyche!

"W-what's in there?" Takot paring sabi ni Jemi na ngayon ay nagkikipagsiksikan na kay Stacey.

Mabilis kaming hinatak si Psyche at agad na sinarado ang bintana!

"What are you doing?!" Inis na sabi ko ng gawin niya iyon.

"I know what you're thinking again, Kimono. So don't." Malumanay na pakiusap niya.

'Oo! Gusto kong tumakbo papunta sa rooftop para makita kung sino ang gumawa non!'

Pero dahil naunahan na ako ng pagpigil niya ay wala na akong magagawa! Kainis!

"What's happening? Tell me.. us?" Si Stacey na bakas parin sa mukha ang takot.

"May nahulog na babae mula sa rooftop. Patay na.." kalmadong sagot ni Toppo.

Sabay na napatakip ang dalawa ng bibig. "Oh my God.. Oh my God.." paulit ulit na usal nila habang ang mga kamay ay nakatakip parin sa bibig nila.

"Anong gagawin natin?" Seryosong tanong ni Toppo kaya napatingin kami sa kanya.

"Wala." Agad na sagot ni Psyche kaya sinamaan ko siya ng tingin. "We should not do anything.. tayo ang mapapahamak." Dagdag niya.

"But we just saw a girl died, Psyche! At may nakita tayong tao na maaring sila ang may gumawa! Tapos wala tayong gagawin?!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko dahil hindi ko talaga kaya!

Hindi ko matitiis na ganito! May nakita na kaming tao na maaring may kasalanan kaya namatay ang babaeng iyon! Pero wala kaming gagawin? Hindi naman ata pwede yon!

Huminga siya ng malalim at tinignan ako sa mga mata, "I understand your point, Kimono. But if we did what you want.. we'll be in trouble for sure. Alam nating lahat na nakalagay sa form na maari tayong 'masisi' sa kasalanang 'hindi' naman tayo ang may pakana. Kung lalabas tayo ngayon at hahanapin ang mga nakita natin. Maaring may 'makakita' sa atin at mabaling ang kasalanan 'sa atin'.." Kalmado ngunit madiing paliwanag niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon