PSYCHE'S POINT OF VIEW
Today is Thursday, another day that brings danger.
Nasa dining area kami ngayon at nagbe-breakfast, walang kibuan pero ramdam na sa bawat isa ang kaba. Actually, I really have this feeling na isa ako sa mga limang nanganganib ang buhay. Hindi ko malaman pero nararamdaman ko talaga iyon, at wala akong pakialam kung manganib man ang buhay ko.
'I'm pretty sure that I can escape on it..'
Hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin ko ay may kakayahan naman talaga akong maresolba ang kaso. Mahihirapan ako dahil sa tingin ko'y nalaman na nila ang asset ko. Hindi madaling itago iyon lalo na at hindi ko rin kilala ang mga taong nakakasalamuha namin. Baka isa rin sa kanila ay nagagawa ang kaya kong gawin.
"Let's go," maya-maya'y anyaya ko nang makapaghanda kaming lahat. Hindi na kami dumaan sa locker pa dahil alam naman na namin ang mangyayare. "Just like the first one, magsama-sama lang tayo." Anas ko habang naglalakad kami sa gawi ng aming classroom.
At gano'n nga ang nangyare, inilock na kami sa room. Hindi naman madilim dahil bukas pa ang mga ilaw. Maayos pa ang lahat ng gamit at pare-parehong tahimik ang lahat. May isang naglakas ng loob na basahin kung sino ang limang nasa bingit ng kamatayan ang buhay.
"Yaozumi and Waccon." At kami ang huling binanggit. Napalingon ako sa aking mga kaibigan.
Walang mababasang takot sa mata ni Kimono, galit lang. Si Toppo naman ay ganoon rin, samantalang ang dalawa ay natatakot at halos maiyak na naman katulad no'ng una.
Suminghap ako ng hangin at marahang pinakawalan iyon sa bibig, 'My life and my friend's life is at stake now..' Hindi ko na iyon isinatinig pa. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng apat na sulot ka kwartong ito. '4..7..3..5..and 6..' Kinabisado ko ang bilang ng mga taong nagkukumpulan base sa grupo at pwesto nila. Sa ganoong paraan ay malalaman ko kung alin sa kanila ang mababawasan mamaya. Sinaulo ko rin ang bawat sulok at pwesto ng kung anong mga bagay, mula sa lamesa at silya. Isa-isa ko na ring tinginan ang mukha ng bawat isa upang makita ko mamaya kung paano magpapalit ang emosyon nila.
5:00 pm
Mabilis tumatakbo ang oras, may ibang nagiiba ng pwesto pero kaunting galaw lang ang ginagawa kaya naman makakabisado ko muli iyon. Kitang-kita ko rin ang kung paanong umiiyak ang tatlong kasama sa lima na nasa panganib ang buhay. Minsan gusto ko na lang matawa dahil parang Death Note iyon para sa kanila, na kung sino ang nakasulat doon ay siguradong mamamatay na. Psh.
7:00 pm
Sabay-sabay ang pagpatay ng mga ilaw, madilim na ang paligid. Wala pa akong masyadong makita, hinayaan ko na munang masanay ang mata ko sa dilim. Nakarinig ako ng kaunting ingay mula sa kaliwa ko, nakita ko rin ang paggalaw ng upuan na siyang gumawa ng ingay.
'Maaaring isa doon ang culpit.'
Lumilinaw at nasasanay na ang mata ko sa dilim kaya naman naaaninag ko na ang ilang mga bagay at tao sa kabuuan ng kwartong ito. Wala pa akong makitang gumagawa ng kilos upang pumatay. At aaminin kong nakadadagdag iyon ng kaba sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang plano ng mga iyon. Pakiramdam ko kasi ay alam na nilang mahuhuli ko sila kung may maling bagay silang nagawa.
"Ah!" Mahinag usal ng isa, bagay na kaunti lang ang makaririnig. Nilingon ko kung saan galing ang iyon. Sa kaliwa.
'Magaling..'
Hindi ko naiwasang mapangisi dahil mabilis ang pagkilos ng isang iyon. Sigurado akong hindi niya iyon ginamitan ng kahit anumang patalim. Binali niya ang leeg niyon. Kaya gano'n lang ang naiusal.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Misterio / Suspenso[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...